Ooops! Warning! May pagka SPG ng kaunti ang dulo ng Chapter na ito. Konti lang naman. Konting konti lang Hehehe!😂✌
Enjoy reading Gorgeous!💙
|Chapter 24|
Paisley
Nag iinit talaga ang ulo ko dito sa Savannah na ito at pati kay Dwayne. Ang lalandi! At talagang sa harap ko pa sila nag lalandian kung saan kitang-kita ng dalawang mata ko. Hindi na sila nahiya!
Teka bakit ba naiinis ako, dapat hindi ko naman talaga sila pakealaman.
"Punta lang ako ng CR." Paalam ko.
"Samahan na kita," sabi naman ni Sean.
Napa tingin ako sakanya dahil sa sinabi niya. "Baliw ka ba?!" Gulat kong tanong.
Paano ba naman kasi sasama daw siya saaking mag CR! Parang baliw eh, babae ako at siya naman lalaki, tapos mag sasabay kaming mag CR! Siraulo talaga itong si Sean!
"Bakit, anong problema don?"
"Sasabay ka saakin eh, babae ako!" Pasigaw kong sagot.
Tumawa lang siya at maging sila Charles. Grabe ang sasama nila saakin at tinatawanan nalang nila ako bigla. May dumi ba ako sa mukha? Mukha ba akong clown para pag tawanan nila?
"Don't worry hindi kita sisilipan. Sa labas lang ako, mahirap na baka mangyari ulit yung nangyari sayo last friday." ani Sean.
Yon naman pala eh! Hindi kasi nililinaw akala ko mag sasabay kaming mag CR. Iisipin ko pa sana na transgender siya.
Bago kami lumabas ng cafeteria ay sinulyapan ko pa ang pwesto nila Dwayne. Nakita kong naka tingin siya saakin ng seryoso habang yung babae naman ay todo kung maka haplos sa braso niya. Kadiri! Hindi manlang ba nila naisip na school ito at hindi motel para mag lampungan sila. Tsk! Teacher pa naman si Dwayne, tapos sa harap pa ng maraming estudyante nakikipag harutan.
Hayy! Paisley, kalma ka lang dahil mas maganda ka kaysa diyan sa Savannah na yan.
Hindi naman kasi talaga ako naiihi, ayoko lang talagang makita silang nag lalandian sa harapan ko kaya dinahilan kong mag pupunta lang ako ng CR. Syempre may nabubuo na rin akong feelings para kay Dwayne kaya medyo nasasaktan ako kapag may ibang babae siyang kausap at kita mo pa na tuwang tuwa siya, samantalang pag ako na ang kausap niya ang sungit niya.
Hinugasan ko nalang ang kamay ko at inayos ang aking sarili bago lumabas ng CR. Pag labas ko ay nandon si Sean at nag aantay katulad ng sabi niya kanina.
"May tanong lang ako sayo, Paisley." Anito.
"Ano naman yon?" tanong ko habang busy ako sa pag lalaro ng daliri ko.
Inantay ko pa siyang mag salita dahil ilang minuto din siya bago nag salita. "Anong gusto mo sa lalaki?"
Natigilan ako saglit dahil sa tanong niya. "Simple lang naman. Gusto ko yung mabait, masipag, maunawain tapos magaling mag luto."
Diba wala ni isa ang tumugma sa mga ugali ni Dwayne. Kaya nga nag tataka ako kung bakit ko ba siya nagustuhan. Siguro dahil araw-araw ko siyang nakaka sama kaya nahulog na rin ang loob ko sakanya. Pero may isa palang tumugma kay Dwayne, kasi magaling siyang mag luto!
"Bakit mo naman na tanong?" tanong ko sakanya.
"Wala lang." sagot ni Sean.
May pagka weird rin pala si Sean.Pag tapos namin mag lunch ay pumunta na kami sa sari-sarili naming klase. At syempre talagang hindi ako lumayo kay Lester dahil baka mamaya ay mag cut na naman siya ng class. Heto siya ngayon kasama ko at himala na nag te-take down notes siya habang nag didiscuss yung prof namin. Ngayon ko lang siya nakitang mag sulat, ang bilis yatang mag bagong buhay nito ah.
![](https://img.wattpad.com/cover/216443264-288-k653473.jpg)
BINABASA MO ANG
One Night With My Professor (Book 1)
Teen FictionThis is a Story of a school girl and her Professor. Posible kayang mahulog ang loob mo sa iyong guro? Must Read