Chapter 32

7K 155 19
                                    

Hi Gorgeous!💙

Paalala ko lang po sainyo na mayroong kissing scene ang Chapter na ito. Kaya sa mga inosente diyan bahala na kayo! HAHAHAH charrr!

|Chapter 32|

                               Dwayne



"Yes... Okay... Yeah... Tomorrow? Sure..." After that call ay itinuon ko muli ang atensyon ko sa laptop. I'm doing my school works para bukas ay wala na akong gagawin.

"Sino yon?" Paisley asked.

"My co-teacher," I answer.

"Ahh... Bakit daw?"

"She reminded me that tomorrow we have a night party." sakanya ko na ibinaling ang tingin ko. "Papayagan mo ba ako?" I asked.

"Syempre naman," walang alinlangan niyang sagot.

Papayagan niya ako? Hindi manlang niya ba ako pag babawalan?

"Hindi mo ba ako pag babawalan?"

Tumingin siya saglit saakin bago  bumalik sa pag gawa niya ng requirements na kailangan niyang ipasa. Ang sabi ko nga sakanya kahit wag na niyang gawin ang requirements niya dahil pwede ko naman siyang ipasa. Pero ayaw niya. Mas gusto niyang pag hirapan ang lahat at yon ang isa sa mga nagustuhan ko sakanya. Hindi siya umaasa sa iba. Just like me, mayaman ang mga magulang ko at pwedeng-pwede nilang ipamana saakin ang kompanya pero hindi ko tinanggap dahil mas gugustuhin ko pang pag hirapan ko muna bago ko makuha ang gusto ko.

"Hindi. Sino ba naman ako para pag bawalan ka?"

"You're my girlfriend, remember?" i said. "Kaya may karapatan kang pag bawalan ako."

"Eh ayaw naman kitang pag bawalan. Ayokong saakin mo lang itinutuon ang buong atensyon mo. You can do whatever you want basta alam mong tama ang mga ginagawa mo."

This girl amazed me more and more. That's why I love her. She keeps on making me fall in love at her. Hindi ako mag sasawang mahalin ang babaeng ito. She's too kind and simple pero ang pagiging mabait at simple niya ay siya'ng nag papatibok ng sobra sa puso ko.

Para maka bawi ako sakanya ay pinag luto ko siya ng breakfast pag gising ko kinabukasan. I cooked so many dishes for her. Oo, para sakanya lang talaga kaya kapag sinubukan ng kambal kong si Dwight na kumuha kahit kapiranggot lang na pagkain mula sa niluto ko ay siguradong mabubugbog ko yan.

"Wow! Nice one brother," speaking of Dwight. Nandito na nga ang mokong.

"Don't you dare eat those food or else malulumpo kita!" pag babanta ko sakanya. Pero ang mokong na 'to ay talagang hindi natakot at kumuha pa ng pagkain. "Sabing wag kang kukuha!"

Susugurin ko na sana siya ng suntok pero mabilis naman na naka takbo ang gago. Wag na wag siyang mag papakita saakin kung hindi ay masasapak ko talaga yan.

"Good morning, Mi amor!" I greeted the most beautiful woman that I've ever met. My one and only Mi amor, Paisley.

"Good morning!"

Katulad ng ginagawa ko tuwing umaga ay niyakap ko siya ng mahigpit. Gusto kong manatili sa ganitong posisyon dahil ramdam ko ang tibok ng puso niya.

"Ang dami naman yatang pagkain. May bisita ba tayo?" tanong ni Paisley.

"Wala," i answer while I'm putting some food on her plate. "Niluto ko lang ito para sayo."

"Para saakin?" Tumango ako. "Lahat ito?"

"Oo."

"Pag hindi mo naman kayang ubusin ang lahat ng 'yan pwede naman kitang tulungan." Heto na naman ang kambal ko na napaka gago.

One Night With My Professor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon