Chapter 22

7.7K 214 22
                                    

|Chapter 22|

                               Paisley



Nasa harap na kami ngayon ng hapagkainan. Gusto ko ng umpisahang mag salita at sabihin kay lola pati kay ate ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon. Humahanap ako ng tyempo para mag salita kaso lang ay nangunguna na naman ang kaba na nararamdaman ko kaya hindi ko maituloy-tuloy.

Napa lingon ako kay Dwayne ng sipain niya bahagya ang paa ko. Binigyan ko siya ng what-is-it look.
Sinenyasan niya ako na mag salita na. Huminga ako ng malalim at mag sasalita na sana kaso lang ay hindi ko na naman naituloy. Hanggang sa natapos na kaming mag hapunan at hindi ko parin nasasabi sakanila.

"Paano ba yan at wala kaming kwarto na pwedeng ipahiram muna saiyo, Dwayne." ani ate Julia. "Ayos lang ba sayo na sa kwarto ka nalang muna ni Paisley matulog?"

Shemay! Bakit sa kwarto ko pa?! Ano ba yan!

"Ayos lang po." walang alinlangang sagot ni Dwayne.

Ngayon ko lang siya nakitang naging mabait. Siguro pakitang tao lang ito. Imposibleng bigla nalang bumait ang isang ito eh nuknukan ito ng kasungitan.

"Sige pupuntahan ko na si lola at baka hindi pa nakaka inom ng gamot." paalam ni ate. "Pero wag kayong gagawa ng kababalaghan ha!" sabi pa ni ate.

Tumango lang kami at umalis na si ate Julia. Naiwan kami ni Dwayne sa sala.

"Bakit hindi mo pa sinabi sakanila?"

"Hindi ko kaya..." naka yukong sagot ko.

Natatakot talaga ako. Wala akong lakas ng loob para mag salita.

"As what I've told you earlier, you don't have to be afraid because I'm here, okay?" pagkatapos niyang sabihin yon ay niyakap niya ako ng bahagya.

Niyakap ko rin siya. Pag tapos ay nag punta na kami sa kwarto ko. Maliit at masikip lang ang kwarto ko dito saamin, kung ikukumpara sa kwarto ko doon sa bahay nila Dwayne malaki yon. Single bed lang din ang kama ko dito.

"Pasensya ka na single bed lang kasi ang kama ko eh." sabi ko. "Ayos lang ba na sa sahig ka matutulog?" nahihiya kong tanong.

"Yeah. Ayos lang."

Nilatagan ko nalang ng banig at foam ang sahig para doon siya matulog. Hindi naman kasi kasing yaman niya para magkaroon ng maraming kwarto para sa mga bisita. Mahirap lang kami at simple ang pamumuhay kaya nga nag sisikap akong maka pag tapos ng pag-aaral para maka pundar ako ng mas malaking bahay kesa sa bahay namin.

"Ayos lang ba sayo na sa sahig ka matutulog?" nahihiya kong tanong.

"Why? Pwede naman tayong mag tabi sa higaan mo."

Namumula na yata ang pisngi ko. Mabuti nalang at naka patay na ang ilaw at hindi niya makikita ang pamumula nito.

"A-ano kasi..."

"Just kidding!" anito at nahiga na sa sahig.

Humiga na rin ako sa maliit kong higaan. Hindi ako kaagad natulog. Naka tingin lang ako sa ceiling ng kwarto. Iniisip ko kung paano ko uumpisahang sabihin sakanila lola. Gustuhin ko mang sabihin na sakanila ang lahat, natatakot naman ako.

Bahagya kong sinilip si Dwayne kung natutulog na ba siya. Naka unan siya sa kaniyang braso at naka pikit. Ang gwapo niya parin pala kahit tulog. Ang amo ng mukha.

"Pogi ba?" halos malaglag na ako sa kama dahil sa gulat ng mag salita si Dwayne.

"G-gising ka pa?"

One Night With My Professor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon