Hi Gorgeous!
I dedicate this chapter to frela18
Thank you for supporting me! Keep safe po!😍💙|Chapter 31|
Paisley
Ilang araw na ang naka lilipas ng sagutin ko si Dwayne. Hindi siya nabigong pasayahin ako araw araw. Pag gising ko palagi ng umaga ay nariyan siya at sinasalubong ako ng mahigpit na yakap. Pinag luluto niya ako ng agahan at palaging may bulaklak na ibinibigay para saakin.
Ganito pala ang ma-inlove. Ang sarap sa feeling. Palagi kang naka ngiti sa kakaisip sakanya. Minsan mag mumukha na nga yata akong baliw dahil sa kakangiti.
Narito kami ngayon sa isa sa mamahaling restaurant dito sa pilipinas. Ewan ko ba sa pamilya ni Dwayne at sa ganito kasosyal na lugar pa namin kailangang mag punta.
Ang saya ko ngayon kasi makaka pag kakilanlan na sila lola at Mama Georgia. Ngayon masasabi ko ng legal na kaming dalawa. Ang saya di'ba?
Puro kwentuhan lang sila. Ikinu-kwento nila ang tungkol sa pagka bata namin. Tawa nga ako ng tawa ng malaman kong noong bata pala si Dwayne ay favorite niyang color is pink. Mamatay na nga ako sa katatawa habang pinapakinggan ko ang kwento ni Mama Georgia.
Mayroong na suntok pa daw niya ang isa sa mga batang babae na kaklase niya ng ayaw ibigay sakanya ang pink na notebook. Grabe mabuti at hindi siya naging bading!
"Mom, stop it! Nakaka hiya!" Naka simangot na sabi ni Dwayne.
"Why? Nakaka tuwa nga ang childhood mo eh," sagot ng ginang.
Tawa lang ako ng tawa hanggang sa simangutan na niya ako. Pinilit kong wag matawa dahil humahaba na ang nguso ni Dwayne.
"Nakikita ko tumatawa ka pa!" naka simangot nitong sabi.
"Hindi ah!" Pinilit kong hindi matawa ng bigla nalang banggitin ni Mama Georgia na noong kabataan din daw ni Dwayne ay natae siya sa shorts niya. Ayan tuloy hindi ko na napigilan ang tawa ko.
"Anyways let's move forward," Saad ni Mama Georgia. "Let's talk about their wedding naman."
Sumeryoso na ang usapan. Naramdaman ko ang pag hawak ni Dwayne sa kaming kamay kaya napa lingon ako sakanya. Nginitian niya lang ako ng matamis at ganon din ang sinukli ko sakanya.
Nag umpisa ng pag usapan ang tungkol sa magiging kasal namin ni Dwayne. Na pag usapan na after I graduate ay uumpisahan ng asikasuhin ang kasal. Alam kong naiilang si lola dahil sa dami ng gustong mangyari ni Mama Georgia sa aming kasal. Kung pwede nga lang na simple lang ang kasal ay ayos na yon saakin. Pero heto si Mama Georgia at gusto niyang bongga ang kasalan.
"Eh kung beach wedding kaya? What do you think?" suhestiyon ni Mama Georgia.
"Beach wedding? Naku, mukhang madami ang magagastos natin diyan." Sambit ni lola.
"Don't worry ako naman na ang bahala sa mga magagastos sa kasal nila," Saad ni Mama Georgia.
"Tanungin muna natin ang mga bata kung saan ba nila gustong mag pakasal," Tumingin naman sila saaming dalawa ni Dwayne.
Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil para saakin naman ay ayos lang kung ano ang mapag desisyonan nila. Aarte pa ba ako 'e yung taong mahal ko naman na ang pakakasalan ko. Kahit hindi bongga basta alam ng diyos na mahal namin ang isa't isa ayos na yon.
"For me, I want a church wedding," sagot ni Dwayne. "Iba parin kasi kapag naka harap ka sa panginoon. Siya ang magiging saksi sa aming pag mamahalan."
![](https://img.wattpad.com/cover/216443264-288-k653473.jpg)
BINABASA MO ANG
One Night With My Professor (Book 1)
Teen FictionThis is a Story of a school girl and her Professor. Posible kayang mahulog ang loob mo sa iyong guro? Must Read