|Chapter 38|
Paisley
Nagising ako ng maaga at kahit anong balak kong matulog ay hindi ko na magawa kaya naisipan kong lumabas na muna ng kwarto at mag lakad lakad sa hardin ng bahay.
"Good morning, Maam Paisley," bati saakin ni Mang Joselito, ang hardinero ng aming bahay.
"Good morning din po, Mang Joselito!" pabalik kong bati.
Naupo ako sa may gilid ng pool at inilublob ko ang aking paa sa tubig. Pinapanood ko lang si Mang Joselito na tini-trim ang mga damo sa gilid ng pool. Naalala ko tuloy ang mga panahong nabubuhay pa ang aking Papa. 'Yong papa na inakala ko ay tunay kong ama. Isa rin kasi siyang hardinero noon at isinasama niya ako sa kaniyang trabaho kapag wala akong pasok noong bata pa ako. Noon patingin tingin lang ako sa malaking bahay na pinag ta-trabaho ni papa at nangangarap na balang araw ay maka tira rin ako sa katulad ng ganoong kalaking bahay. Ngayon nangyari na. Naka tira na ako sa isang malaking bahay kaya nga lang ay hindi ko na siya kapiling pa. Sayang lang. Pero ayos lang naman at least kasama ko naman ang mga totoo kong magulang, kaya ayos na iyon saakin.
"Mang Joselito, ilang taon na po kayong nag ta-trabaho dito?" kapagkuwan ay tanong ko sa hardinero.
"Mahigit 20 na taon na po, Maam." nagulat ako sa sinagot ni Mang Joselito.
20 na taon? Ibig sabihin ay noong ipinanganak ako ay dito na siya nag ta-trabaho? 20 years old na rin kasi ako eh.
"T-talaga po?" hindi maka paniwala kong tanong.
"Opo, Maam," tumingin pa ito saakin bago nag patuloy sa pag ti-trim ng damo. "Naalala ko pa nga noon na todo nalang ang iyak nila Maam Letizia at naririnig namin na pangalan niyo ang binabanggit niya. Ni hindi na nga ho siya lumabas ng kaniyang kwarto at hindi kumain." saad ni Mang Joselito.
Naaawa tuloy ako kapag naiimagine ko kung ano ang kalagayan ni mommy ng mga ara na iyon. Akala ko ay kagustuhan niya rin na mawala ako pero hindi naman pala. Totoo nga na lumong lumo siya ng mawala ako.
"Mayroon pa nga pong mga araw na lalabas siya ng kwarto niya at didiretso lang sa labas ng bahay at mag tatanong tanong kung nakita ba nila ang babaeng si Emily yata 'yon? Oo si Emily nga, ang matalik na kaibigan ni Maam Letizia na siyang nag takas sa iyo mula sa gulo ng pamilya niyo." pag papatuloy niya. "Kung gaano nasaktan si Maam Letizia ay ganoon rin ang naramdaman ni Maam Savannah."
Nasaktan rin siya ng mawala ako? Pero hindi manlang siya sabik na makita ako ngayon.
"Bata pa lamang noon si Maam Savannah ng malaman niyang nawawala ka, ang kapatid niya. Sa pagkakaalam ko ay gustong gusto ni Maam Savannah na magkaroon ng kapatid kaya nga ng malaman niyang nawawala ka ay todo rin ang sakit na nararamdaman ni Maam Savannah." taimtim akong nakikinig sa kwento ni Mang Joselito. " Hindi pa nga niya pinaniwalaan noong una na sinabi ng daddy niyo iyon. Araw-araw lang siyang nag aantay sa pinto ng bahay niyo at nag babakasakali ito na dumating ka. Paulit-ulit rin niyang tinatanong si Maam at Sir kung kailan ka daw ba dadating at paulit-ulit lang rin ang sinasagot ng daddy mo. 'You're little sister is already dead.' Yan ang paulit-ulit na sinasabi nila kay Maam Savannah."
Si ate Savannah nag aantay saakin? Talaga nga na mahal na mahal ako ni ate pero ang ipinagtataka ko lang talaga ay kung bakit sa tuwing lalapitan at kakausapin ko siya ay iniiwasan niya lang ako. Galit ba siya saakin?
"At hanggang sa dumating ang ilang taon at hindi ka parin nila mahanap. Sumuko na rin si Maam Savannah sa kaaantay sayo at maging ang daddy niyo. Pero si Maam Letizia," bahagyang huminto si Mang Joselito sa pag sasalita at humarap saakin. "Hindi siya sumuko sa kakahanap sayo. Lahat ay ginawa ng mommy mo para lang mahanap ka. Madami ng araw-- hindi lang araw kung hindi ay taon. Marami ng taon ang lumipas hindi siya sumuko. Lahat ng taong alam niyang makatutulong sakanya para mahanap ka ay nilapitan niya. Ngunit lahat ng nilapitan niya ay walang makuhang impormasyon kung nasaan ka hanggang sa si Maam Letizia na mismo ang naka tagpo sa iyo."
![](https://img.wattpad.com/cover/216443264-288-k653473.jpg)
BINABASA MO ANG
One Night With My Professor (Book 1)
Fiksi RemajaThis is a Story of a school girl and her Professor. Posible kayang mahulog ang loob mo sa iyong guro? Must Read