|Chapter 8|
Third Person
"Girl, namiss talaga kita!" tili ni Penelope Sabay yakap kay Paisley.
Naisipang makipag kita muna ni Paisley kay Penelope dahil half day lang naman ang klase nila at wala naman siyang ibang gagawin pa. Mamaya pa naman ang klase nito at masusulit niya pang kasama ang kaibigan.
Nasa isang restaurant sila ngayon at kumakain. Habang kumakain ay nag kukwentuhan ng kung ano ano.
Syempre bago sila naka pasok ng restaurant ay nag talo pa sila dahil sa pag tanggi ni Paisley na sa isang mamahaling restaurant sila kakain. Ang ginigiit nito ay wala siyang pera na maibabayad kung sakali dahil mamahalin ang lahat ng pagkain.
Napa payag rin naman ni Penelope ito dahil sagot na naman ni Penelope ang lahat ng kakainin nila. Ngayon na nga lang sila ulit nagka sama kaya pumayag na rin ito.
"So, kamusta naman sa New school mo, girl?" Tanong ni Penelope.
"Masaya naman. May mga kaibigan na rin---" Hindi na nito natuloy ang sasabihin niya ng bigla nalang mag salita si Penelope.
"So, you mean you're abandoning me?"
Heto na naman ang kadramahan ng kaibigan at kung ano-ano na naman ang pinag iisip nito. Pero hindi maiwasang hindi matawa ni Paisley dahil sa itsura ng kaibigan nito.
May papunas punas pa ng mata kahit na wala namang luhang lumalabas. Kita mo nga naman ang kadramahan ng kaibigan nito.
"Hindi noh!" kaagad na sabi nito. "Ipag papalit ko ba ang childhood best friend ko?" Anito.
"Eh bakit may bago ka ng kaibigan, ibig sabihin non pinapalitan mo na ako!" Madramang sabi ni Penelope.
Imposible namang abandonahin nito ang sarili niyang kaibigan. Sabay silang lumaki kaya imposible naman siguro na mangyari ang mga pinag sasabi ng kaibigan nito.
Natagalan rin si Paisley sa pag eexplain kay Penelope na hindi naman nito kakalimutan ang pagka kaibigan nilang dalawa. Ngunit ngayon sa wakas ay naunawaan naman na ni Penelope ang paliwanag nito.
Matapos nilang kumain ay nag lakad lakad muna sila at nanood ng cine, nag arcade at syempre hindi naman mawawala sa pag gagala nilang dalawa ang pag shopping.
"Girl, look at this." ani Penelope. "Its Pretty right?" Tanong pa nito.
Tinignan muna ni Paisley ang damit na suot ni Penelope. Halos lahat naman ng mga sinukat ni Penelope ay maganda at bagay sakanya. Ilang damit at sandals na ang nasukat ni Penelope at pare parehas lang naman na magaganda pero wala parin ni isang mapili ito.
"Bagay naman." Sagot nito.
"Eh? Bakit parang pilit?" Ani Penelope. "How about this?" Tanong pa nito at sabay pakita ng isang dress.
"Bagay din." Sagot nito.
"Halos lahat naman ng sinukat ko pare parehas lang ang comment mo puro 'Bagay sayo'!" Ani Penelope.
"Lahat naman kasi bagay sayo."
Sa sobrang tagal mamili ni Penelope ay iniisip na tuloy ni Paisley na baka naiinip na rin ang sales Lady na nag aassist dahil kanina pa ito pabalik balik.
Sa tagal ng pag pili ay hindi na namalayan ni Paisley ang oras at kailangan pa nitong pumasok. Pag tingin na pag tingin nito sa wrist watch nito ay nataranta na kaagad ito.
"Penelope, late na ako sa klase ko!"
"Oh my! I'm Sorry masyado bang matagal ang pag pili ko ng dresses?" tanong ni Penelope.
BINABASA MO ANG
One Night With My Professor (Book 1)
Ficção AdolescenteThis is a Story of a school girl and her Professor. Posible kayang mahulog ang loob mo sa iyong guro? Must Read