Chapter 29

6.9K 187 9
                                    

|Chapter 29|

                              Paisley



"Girl, may boyfriend na ako." Ani Penelope, pero lumuluha parin siya.

"May boyfriend ka na?!" gulat ko. "Kung ganon diba dapat masaya ka? Ano yan tears of joy?"

Ngayon lang nag karoon ng boyfriend si Penelope kaya masaya ako para sakanya. Masyado kasing strict ang parents niya at ayaw nilang mag boyfriend si Penelope kaya nagulat ako ng sabihin niya yon.

"Yeah I'm happy because finally I have a boyfriend na. Pero may problema parin kasi," Aniya habang umiiyak. Masasabi ko ngang hindi ito tears of joy dahil iba ang pag iyak niya.

"Don't tell me hindi mo pa nasasabi sa parents mo na may boyfriend ka na?"

Yumuko siya saka tumango. "That's why my dad wants me to go to California after I graduate. I disappointed them." mas lalo pa siyang umiyak kaya lumipat ako sa katabi niyang upuan saka ko siya pinilit na patahanin.

"Penelope, wag ka ng umiyak. Malay mo pwede mo pa silang kausapin na wag na nilang ituloy ang balak nila sayong papuntahin ka sa California."

"Paisley, hindi ko na mababago pa yung isip ni dad. May pino-problema na sila ngayon tapos dumagdag pa ako. Feeling ko tuloy napaka pabigat ko sa family namin,"

Napapa tingin na rin saamin ang ibang tao na narito sa restaurant. Pinilit kong patahanin si Penelope dahil agaw eksena na talaga kami.

"Some of investors sa company namin  ay umaalis na. Bumabagsak na ang company namin tapos ako heto mas lalo ko pang pina pabigat ang problema nila dad imbis na tulungan ko sila." Hindi parin siya tumitigil sa pag iyak. "I feel guilty, Paisley."

"Shhhh... Don't be feel guilty."

"Gusto kong sundin sila mom and dad para kahit sa pamamagitan manlang non ay may maitulong ako sakanila, Pero hindi ko naman kayang iwan si Wagner."

Ramdam ko kung gaano nahihirapan si Penelope ngayon. Kailangan niyang mamili sa pagitan ng pamilya niya at sa lalaking mahal niya. Kahit din siguro ako ang nasa kinatatayuan niya mahihirapan rin ako. Naaawa tuloy ako sa best friend ko. Ngayon ko lang siyang nakitang nahihirapan ng ganito.

" This is my first time to fell in love pero bakit ang sakit kaagad?" Aniya. "What should I do?"

"Kung hindi mo na talaga kaya pang kausapin ang mom at dad mo, si Wagner nalang ang kausapin mo. Ipaliwanag mo sakanya ang lahat." Sambit ko.

"I'm scared. I don't want to lose Wagner because I love him so much!"

"If he really loves you, he will understand you and he will wait until  you came back." Sambit ko.

Ito ang isa sa mga kinakatakutan ko noon. Paano kung ayaw pala ng mga magulang ni Dwayne saakin tapos pag layuin kami. Siguro ganito rin ako kagaya ni Penelope na nahihirapan pag nag kataon.

Yinakap niya ako ng mahigpit at naramdaman ko ang luha niyang pumapatak sa balikat ko. Nalulungkot talaga ako para sakanya dahil kailangan niyang isakripisyo ang lalaking mahal niya. Nalulungkot rin ako dahil pag nag kataon na dalhin na siya sa California ay hindi na kami makaka pag kita pa.

"Wag ka ng umiyak. Mag shopping nalang tayo!" Pilit kong pinapagaan ang loob niya.

Pinunasan na niya ang luhang nasa pisngi niya saka ngumiti. Ang ngiting yon ay alam kong pilit lang. Sanay na rin akong mag tago ng totoong nararamdaman kaya alam ko na nag papanggap lang siyang ayos na siya.

At least medyo napagaan ko ang loob niya ng kaunti. Tinapos muna namin ang pag kain namin saka namin inumpisahang mag shopping. Pinag mamasdan ko lang siya. Hindi siya katulad dati na kapag nag sha-shopping kami ay ang sigla sigla niya, ngayon parang pinipilit niya lang na ngumiti. Hindi ko naman siya masisisi kung nalulungkot siya dahil may problema siyang dinadala.

One Night With My Professor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon