Chapter 18

8.2K 224 12
                                    

|Chapter 18|

                              Paisley


Pangatlong araw ko ng nakakasama si Dwight, natutuwa nga ako dahil sa pangatlong araw ko na siyang nakaka sama ay puro Good vibes lang ang lagi  niyang dala. Hindi siya gaya ni Dwayne na palaging naka simangot at laging seryoso.

"So, bakit nga dito na titira si baby Paisley?"

Nasamid naman ako dahil sa pag tawag saakin ni Dwight ng baby. Talaga ba? Nakakadiri naman masyado!

Hindi naman sa sinasabi kong nakaka diri si Dwight, no! Kaya lang kasi diba kadalasan mga mag jowa lang naman ang gumagamit ng ganon na endearment. Hindi naman kami mag jowa tapos tatawagin niya akong baby?

"Because she's pregnant." Normal na sagot ni Dwayne.

Wow! Nakaka mangha naman ng pagiging kalmado netong mokong na 'to! Paano niya nagagawang maging kalmado eh, samantalang ako nga dito  halos himatayin na sa kaba.

"What the fvck, Bro?" Naka nganga na sabi ni Dwight.

Napa yuko nalang ako dahil sa hiya ng tignan ako ni Dwight. Nakaka hiya naman kasi na ngayon ay alam na niyang nabuntis ako ng kapatid niya. Hindi lang yon! Mas lalong nakaka hiya pa dahil wala naman kaming relasyon ni Dwayne tapos bigla nalang may mabubuong bata.

"Don't tell me ikaw ang ama ng bata?" Ani Dwight.

"Yeah."

"Fvck!" Mura ni Dwight. "Bro, alam na ba nila mom at dad ito?"

"Not yet."

"Gago!" Mura ulit ni niya. "Kung ganon, ako nalang ang mag sasabi sakanila---"

Napansin kong kukunin na sana ni Dwight ang cellphone niya na naka patong sa table ng bigla nalang ibinagsak ni Dwayne ang kutsara na hawak niya.

"Don't you dare!" Seryoso ang tono ng boses ni Dwayne.

Ano pa ba ang bago? Palagi namang seryoso si Dwayne.

"Oh come on! Kahit ilihim niyo pa yan, lalabas at lalabas parin ang totoo."

May point rin naman si Dwight, pero mukhang hindi pa siguro ito ang tamang oras para sabihin namin ang totoo. Siguro ay kagaya ko rin si Dwayne, wala pang lakas ng loob na sabihin sa mga magulang.

"I'll find a right time." Pagkasabi ni Dwayne ay tumayo na siya at umalis.

Ni hindi na nga yata niya natapos ang pagkain niya at umalis na kaagad. Maging ako tuloy ay nawalan na ako ng ganang kumain.

"How about you, baby?" Tanong ni Dwight.

Gosh! Talagang may tama na sa ulo itong si Dwight at tinatawag parin ako na baby.

"Ano?"

"Alam na ba ng mga magulang mo?"

Napa yuko nalang ako at umiling bilang sagot. Noong naka raang araw ay pinayagan ako ni Dwayne na bumisita kay lola sa batangas. Nang araw na iyon ay sasabihin ko na sana kay lola ang lahat, pero pinangunahan na naman ako ng takot kaya hindi ko nasabi.

"What?!" Gulat na tanong ni Dwight.

"Natatakot kasi ako." Sagot ko.

"Gusto mong samahan kitang sabihin sa parents mo, baby?"

Seriously? Nagagawa pa niyang mag biro? Akala ko pa naman napaka seryoso ng pag uusap namin.

"Dwight!" Napa lingon ako kay Dwayne na papasok sa muli dito sa kusina.

One Night With My Professor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon