|Chapter 34|
Paisley
Habang nag uusap sila ay narito ako at nag hihintay. Oo, nag seselos ako ng kaunti dahil kausap ni Dwayne ang ex-girlfriend niya. Sino ba naman ang hindi mag seselos, di'ba? Minsan na rin iyong minahal ni Dwayne kaya sa pagkakataong ito ay natatakot ako na baka bumalik ang nararamdaman niya sa ex-girlfriend niya.
Nai-kwento din kasi saakin ni Matthew na minahal ng sobra ni Dwayne si Xyreen kaya ng makita ko siya kanina ay parang natakot ako ng kaunti. Si Xyreen ay tatlong taong girlfriend ni Dwayne noon, kaya kung ikukumpara saakin ay mas matagal niyang minahal si Xyreen. Pero hindi naman batayan ang tagal para sa magka relasyon, hindi ba? Basta mahal niyo ang isa't isa ay ayos na 'yon.
Nang mainip ako sa kakaantay dahil napaka tagal naman yata nilang mag usap ay pinuntahan ko na sila sa garden.
Napa hinto ako. Napa hinto ako sa mga oras na ito dahil sa nakikita ko. Parang biglang sumikip ang dibdib ko. Sumisikip ang dibdib ko sa nakikita ko ngayon. Mag kayakap silang dalawa.
"D-Dwayne..."
"Paisley," parang gulat na napa tingin saakin si Dwayne.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya tumalikod nalang ako at nag lakad paalis.
Sana naman mali ang iniisip ko. Sana mali lang ako ng inaakala. Mag kayakap lang naman sila eh. Hindi naman sila nag hahalikan kaya imposible ang mga iniisip ko.
"Paisley, let me explain..."
"Explain? Wala ka namang ginagawang masama kaya hindi mo na kailangan pang mag explain." i tried myself to smile.
"Nag usap lang kami," umpisa niya. "Nag usap lang kami at wala ng iba pang nangyari."
"Alam ko." alam kong hindi naman siya gagawa ng ikasasakit ko.
"Paisley, ganyan din ako dati but because I have a trust to my boyfriend hindi ko na pinag isipan pa ng masama ang ginagawa niya," Si Xyreen na siyang kapapasok lang. "You should trust Dwayne because I know that he really loves you so much."
Oo, tama siya. Dapat mag tiwala ako kay Dwayne dahil alam ko namang mahal niya ako. Magkaka anak na kami kaya imposibleng gumawa pa siya ng kalokohan.
Natatakot lang ako dahil alam kong minsan na niyang minahal si Xyreen at natatakot akong bumalik ang nararamdaman niyang iyon sakanya.
Nilinaw nilang pareho saakin ang lahat kaya nawala na ang takot na nararamdaman ko.
Nang maka alis na si Xyreen ay nag tungo na rin kami ni Dwayne sa sasakyan niya para maka pag simba.
Sa byahe ay tahimik lang kami kaya parang nakaka panibago. Mahina kong sinabayan ang tugtog ng radio para hindi ako masyadong ma-boring.
"Ang ganda pala ng boses mo eh," Napa tigil ako sa pag kanta ng mag salita si Dwayne. "Why did you stop? I'm listening to your sweet voice, Mi amor."
"Anong sweet voice ka diyan? Inuuto mo lang yata ako eh!"
"Bakit naman kita uutuin?"
Imbis na kumanta ulit ako ay siya naman na ngayon ang kumakanta. Sinasabayan niya ang kanta ni Shawn Mendes na There's nothing holding me back.
Kahit kailan talaga ay hindi nakakasawang pakinggan ang boses niya. Ang malamig na tono ng boses niya ay napaka sarap sa tenga.
Nang maka rating na kami sa simbahan ay hindi kami maka pasok sa kadahilanang inaayos nila ito para sa kasal mamaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/216443264-288-k653473.jpg)
BINABASA MO ANG
One Night With My Professor (Book 1)
Teen FictionThis is a Story of a school girl and her Professor. Posible kayang mahulog ang loob mo sa iyong guro? Must Read