|Chapter 28|
Paisley
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Parang ang bilis naman yata ng araw at lunes na naman ngayon. Papasok na naman ako. Tinatamad man ako, pinilit ko paring bumangon.
Cellphone ko sana ang kukunin ko sa bedside table ng mapansin ko na may kwintas na naka lagay doon. Dali dali kong kinuha ang kwintas at tinignan kung yung kwintas ba talaga yon na bigay pa saakin ni lola. Hindi naman ako nag kamali dahil yon nga ang kwintas ko! Yung kwintas ko na kinuha ni Dwayne.
Na miss ko rin na suotin ito. Dalawang buwan rin palang nawala ito saakin. Akala ko hindi na ito ibabalik saakin ni Dwayne. Noon ngang huli kaming nag punta ni Dwayne sa Batangas ay tinanong ni lola kung nasaan daw ang kwintas ko at bakit hindi ko suot. Halos araw araw ko kasing suot ito at tinatanggal ko lang yon kapag maliligo ako kaya nag taka si lola. Dinahilan ko nalang na nangangati ang leeg ko kaya hindi ko muna isinuot. Naniwala naman si lola sa walang kwenta kong dahilan na yon.
Sinuot ko na ang kwintas. Hindi ko na talaga to wawalain pa kahit kailan! Nadala na ako nung una at ayoko ng maulit pa muli. Kwintas pa daw kasi ito ni mama sabi saakin ni lola, kaya dapat kong ingatan.
Naligo muna ako at nag bihis ng uniform bago bumaba para kumain. Ang saya ko ngayon dahil nabalik na ang kwintas ko.
"Good morning!" Bati ni Dwayne.
"Good morning," Bati ko rin.
Hinintay muna namin si Mama Georgia bago kami nag umpisang kumain. Sakto at naka habol si Matthew sa pag agahan namin.
"Hija, nasabi mo na ba sa lola mo na gusto ko silang mameet?" tanong ni Mama Georgia.
"Nasabi ko na po sa lola ko nung huli kaming nag punta doon ni Dwayne." sagot ko.
"Well, that's nice!" Ani ng ginang.
Nginitian ko si Dwayne ng mag tama ang tingin namin. Kumunot lang siya kaya pinakita ko sakanya ang kwintas na suot ko. Ngumiti rin siya at kinindatan ako. Feeling ko Namumula na ang pisngi ko. Shemay sana hindi naman!
Natapos na kaming kumain at dumiretso na ako sa garahe para sana sumakay na sa sasakyan ni Matthew. Hinanap ko ang sasakyan niya, pero wala. Nag tataka naman ako at bakit may ibang sasakyan ang nandito. Wala naman ibang bisita kaya paanong nagkaroon ng Lamborghini dito?
Ilang minuto ko munang tinitigan ang sasakyang nasa harapan ko. Ang ganda. Sa mga palabas sa tv ko lang nakikita ang ganitong sasakyan.
"Bakit hindi ka pa sumasakay?" tanong ni Matthew na nag lalakad na palapit saakin.
"Nasaan ba yung sasakyan mo?" tanong ko.
Engot din itong si Matthew eh. Bakit hindi pa daw ako sumasakay eh wala naman yung sasakyan niya.
"That's in front of you," Turo niya sa Lamborghini na naka parada sa harapan ko.
Sakanya yan?! Ang mamahaling sasakyan na ito ay kay Matthew?! Ang pagkaka alam ko ay umaabot ng $1,900,00 ang presyo ng Lamborghini. Ganito pala talaga kayaman si Matthew!
Nakaka ilang tuloy na sumakay sa kotse niya. Parang hindi ako bagay na sumakay sa ganito kagara at kamamahalin na sasakyan. Pag sakay ko palang ay napa nganga na ako sa loob nito. Ganito pala ang pakiramdam na maka sakay sa mamahaling kotse.
"Grabe ang yaman mo naman pala talaga, Matthew!"
"If that is a compliment, Well thank you." Anito habang nag mamaneho.
BINABASA MO ANG
One Night With My Professor (Book 1)
Teen FictionThis is a Story of a school girl and her Professor. Posible kayang mahulog ang loob mo sa iyong guro? Must Read