Chapter 15

8.8K 230 25
                                    

|Chapter 15|

                          Third Person


Tinatapos ngayon ni Paisley ang mga assignment niya. Gabi na rin at hindi pa siya tapos. Kakaubos lang niya ng pagkaing binili niya kanina sa cafeteria pero hanggang ngayon ay nagugutom parin siya.

"Ahhh!"

Tinignan niya muna ang oras baka sakaling bukas pa ang cafeteria, kaso lang ay 12 na ng gabi at paniguradong sarado na ito. Paano na yan! Nagugutom pa naman siya.

Napa ngisi nalang siya ng maalala niya ang sinabi sakanya ni Dwayne kanina at mukhang ito ang magiging sagot sa problema niya.

Naka ngiting kinuha niya ang cellphone sa study table at hinanap sa contacts ang number ni Dwayne para tawagan. Noong mag punta sila sa hospital at matapos nilang malaman na buntis nga siya ay kaagad na binigay ni Dwayne ang number niya sakanya para incase daw na magkaroon siya ng emergency ay mabilis nalang niyang matatawagan.

'By the way, If  you need something just tell me.'

"Akala mo Dwayne ha!" Parang baliw na nag sasalitang mag isa si Paisley at may pangisi-ngisi pa.

Pero kaagad rin siyang natigilan ng may maalala siyang muli.

'Yung kakailanganin lang ng batang dinadala mo kaya wag kang masyadong abusado!'

Nag dadalawang isip pa tuloy si Paisley kung tatawagan niya pa ba o hindi na dahil baka sabihin lang ay hindi naman iyon kailangan ng batang dinadala niya.

Pero hindi ba kailangan niyang kumain para hindi rin magutom ang batang nasa tiyan niya? Tama! Iyon nalang ang idadahilan niya para hindi na siya sungitan pa ng lalaking yon!

"Dwayne, get ready here I come!" Ani Paisley saka tinawagan ang numero ni Dwayne.

Naka ilang ring na at hindi parin siya sinasagot. Tulog na kaya ito? Siguro nga ay tulog na siya dahil gabi na rin naman---

[Hello? Who's this?!]

Natawa naman si Paisley dahil halata sa boses ng nasa kabilang linya na bagong gising lang siya at iritado.

"It's me, Sir!" Natatawang sagot ni Paisley.

[Fvck! Why did you call?] Iritang tanong ni Dwayne na ikinatawa naman ni Paisley.

"Naistorbo ko ba ang tulog niyo, Sir?" Mapang asar ang tono ng boses ni Paisley.

Sinadya talagang diinan ni Paisley ang pagka sabi ng 'Sir'. Kapag nagkaka usap naman sila ay hindi na niya tinatawag na Sir si Dwayne, tinatawag niya nalang ito sa pangalan niya mismo. Pero ngayon ay iinisin niya muna ito.

[Damn! What do you need, huh?]

"Nagugutom kasi ako---"

[Ano namang pakialam ko kung nagugutom ka?" Putol sakanya ni Dwayne.

"Bilhan mo ko ng shawarma!" Sagot niya.

Bigla siyang natakam sa Shawarma dahil matagal na rin kasi siyang hindi kumakain nito. Kelan na nga ba ulit siya naka kain ng Shawarma?

[Ano ako utusan? Bumili ka mag-isa mo!] Heto na naman ang kasungitan ni Dwayne.

"May pasabi-sabi ka pang 'By the way, If you need something, just tell me'" Ginaya pa ni Paisley kung paano sinabi ni Dwayne ang mga linyang iyon kanina. "Tapos ngayong sinabi ko na yung kailangan ko, ayaw mo naman ibigay! Psh!" Napa irap nalang si Paisley dahil sa inis.

[Bakit, kailangan ba yan ng batang dinadala mo?] Sumbat naman sakanya ni Dwayne.

"Kapag hindi ako kumain, magugutom rin ang bata!"

One Night With My Professor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon