Prologue
"Papasok na daw si Van!"
"Nagtext si Shiela, nasa gate na nga daw siya."
Narinig ko na naman ang bulungan ng mga kaklase kong babae habang hinihintay ang pagdaan ni Vandale Ledesma sa aming silid. Ang hinihintay na lalaki ay sikat sa University namin dahil kanyang kagwapuhan at katalinuhan.
Maraming mga nagkakagusto kay Vandale, kahit sa ibang college department ay maraming nahuhumaling sa kagwapuhan ng lalaki.
"He's here!!!" medyo mahina pero patili na sabi ng kaklase ko na nasa pintuan.
Pasimple kong inayos ang uniform ko at ang buhok ko bago ako tumingin sa labas ng room. Binubura ko ang mga nakasulat sa whiteboard kaya malapit lang din ako sa pinto.
Lagi kong ginagawa ito kapag alam kong dadaan na siya.
"Mag-hi ka!" mahinang suhestyon ng isa ko pang kaklase na nasa pinto din. Tumango naman si Louisse.
Dumaan na ang pinakagwapong lalaking nakita ko sa university. Maayos ang pagkakasuot niya ng kanyang uniform habang nakasabit ang jansport nito sa kanyang likuran. May suot itong salamin na lalong nakakadagdag sa kagwapuhan niya. Bumabagay din ang seryosong ekspresyon niya sa kanyang perpektong mukha.
Pagkalagpas nila sa room namin ay pasimple kong ginalaw galaw ang eraser para hindi mahalata.
"Sabi ko mag-hi ka! Natulala ka na naman!" Narinig kong sabi ng kaibigan ni Louisse.
"Ang gwapo niya, grabe!" sagot ni Louisse.
Kahit na maraming nagkakagusto kay Vandale, kaunti lang ang mga babaeng nagpapahayag ng kanilang damdamin. Sobrang intimidating kasi si Vandale kaya palapit pa lang ito ay talagang mapapako na ang mga paa mo sa sahig at tila mapuputulan ka ng dila sa sobrang kaba.
Pagkatapos kong burahin ang mga nakasulat doon ay agad akong umupo sa pwesto ko bago pa dumating ang unang prof namin para sa araw na ito.
Huminga ako ng malalim at tuluyan nang nawala sa realidad.
Kumatok si Vandale na may dalang roses sa room namin kaya biglang nagtilian ang mga blockmates ko habang tahimik nagdadasal ang mga ito na sana ay para sa kanila ang mga bulaklak. Pero nabigo sila nang ngumiti sa akin si Vandale at saka ako nilapitan.
Kasing pula na ng mga roses ang mga pisngi ko habang tinatanggap iyong mga bulaklak. Tumayo ako para hindi ako maging bastos.
"Hindi ko kasi makita si Cristel, pakibigay naman sa kanya."
Nagising ako mula sa daydream ko. Huminga ulit ako ng malalim habang iniisip iyon.
Kahit sa panaginip ay malabong magkagusto siya sa akin. Paano pa kaya sa realidad? Ni hindi nga niya ako kakilala.
Hindi ako umaasa dahil alam kong wala akong pag-asa. Mayaman, gwapo, at matalino siya. Samantalang hindi ako makakapag-aral kung hindi ako magtatrabaho.
Magkaiba ang mundo namin, magkaibang magkaiba.
**
A/N: Another cliché story from me. Hihihi. Inspired po ako dahil nakita ko na naman si DJ kahapon and will see Kath on Sunday. ♥
#BiyahengForever
BINABASA MO ANG
Two Worlds, One Word
FanfictionThe moment I fell, I told myself not to hope for anything. Your world is different from mine.