Chapter II

370 169 70
                                    

CIELLO'S POV

"TULONG!"

Natagpuan ko ang aking sarili sa isang malawak na lugar, napansin ko ang isang babaeng nagsisigaw habang pilit siyang binibitin ng mga sundalo sa lubid.

Sinubukan kong tumakbo para tulungan ang babae pero napako ako sa aking kinatatayuan. Lumingon ako sa aking gilid at nakita ko na naman ang sunog na babae.

"SINO KA?!" Sigaw ko.

Isang malademonyong tawa ang kumawala sa babae, pumikit ako upang iwasan ang tingin lalo na't hindi ko maatima tingnan ang kanyang ngipin na durog-durog.

Nang imulat ko ang aking mata ay napansin kong nakatungtong na ko sa isang kahoy na palapag, gusto kong umalit pero nakatali ang mga kamay ko.

Napansin ko ang mga sundalo na pilit akong pinapatong malapit aa lubid. Teka--- Bakit nila ako ibibitay!?

"TULONG!!" Sigaw ko.

Ngunit ko na nagawang magsalita ng ipasok nila ang ulo ko sa lubi at alisin ang kinatutungan ko.

Nagising ako habang hinahabol ang aking hininga, hawak ko ang aking leeg kung saan nakalagay ang lubid bago ako ibitay.

Nasan ako?

Inilibot ko ang aking tingin at nasa puting kwarto ako.. wala na sa kaninang malawak na lugar, napansin ko rin ang dextrose na nakakabit sa akin.

Namataan ko rin si Mama na nakatungo sa tabi ko, kaya naman tinapik-tapik ko siya para magising.

"Ma? Nasaan tayo?" Tanong ko, hindi niya sinagot ang aking tanong at bigla siyang umiyak..

Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

"Nak, Bakit ba kasi ang hilig mo magpagod.. kinabahan kami sa iyo"
Hindi pa rin matigil ang pag-iyak ni Mama, kaya dahan-dahan ko siyang inalo.

Tinatry ko naman siyang pakalmahin kaso miski ako ay hindi ko rin alam.

"Sabi ng doktor, over fatigue ang dahilan kaya kita naabutan sa kwarto mong nag seseizure"

Seizure? So nasa Hospital pala ako.

"Sorry ma, hectic lang talaga naging schedules ko sa school lately kaya siguro ako nag-over fatigue" Pagpapaliwanag ko.

Kumatok ang doctor at lumapit kay mama. Lumayo sila sa hinihigaan ko kaya mas pinili ko na lamang umidlip saglit at pinilit na alalahanin ang mga nangyari kagabi.

"Ciello"

Naalala ko na kung bakit ako nandito, kinakabahan na naman ako dahil nakakarinig na naman ako ng bulong..

Huwag mong sabihin na magpapakita na naman siya dito...

"Miss Flores, mas magandang huwag ka muna mag paka stress ngayon. Mahina ang immune system mo kaya kung mag papakapagod ka ay baka mag over fatigue ka ulit" Nagawi ang tingin ko sa doctor, hindi ako nakapagsalita nang lumabas siya ng kwarto.

Kasunod niya kasi ang tinutukoy ko..

Siguro naman may eksplanasyon sa mga nangyayari diba? Siguro hallucinations lang ito.. Tama! Baka dahil lang ito sa pagod. Pinaghiwa ako ni mama ng mansanas at binigay ito sakin pagkatapos ay tinulungan naman niya akong maka upo sa higaan. Habang kumakain, naisip kong itanong kay Mama kung kasama ba sa over fatigue ang Hallucinations

Anabella ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon