CIELLO'S POV
"Ciello, Hindi mo ba ito ibibigay kay Ma'am Fuentes?" Halos mapalundag ang puso ko ng magsalita mula sa likuran si Nicole. May mga dala siyang libro na bigla naman niyang pinagpapatong sa dala ko.
"Ano ito?" Tanong ko, ang bigat na nga ng dala ko, dinagdagan pa niya lalo. Habang sinisiyasat ko ang nilagay niya, napansin kong kakaiba ito sa ibang mga pinadala sa akin.
"Ewan, pinapadala lang ni Ma'am Fuentes sakin kahapon. Diary ata ni Tita-Ma'am yan hindi ko nga alam kung bakit binigay sakin eh" Aniya pagkatapos ay nagtatakbo paalis.
Para namang ewan, edi sana tinanong niya kung bakit, tutal tita naman niya iyon.
Agad akong umakyat sa office ni Ma'am Fuentes. Nadatnan ko siyang aligaga sa kanyang opisina, hindi na ko nagtaka dahil parati namang may kakaibang gawain ito si Ma'am. Minsan ay makikita mo siyang naglalakad sa pasilyo nang nagdarasal o hindi kaya ay mapapansin mo siyang nakasilip sa bintana ng kanyang opisina.
Usap-usapan nga sa campus na wala daw sa katinuan ito o kaya naman ay kinukutya siya bilang "Gurong natanggalan ng turnilyo"
"Ma'am? ito na po iyong pinapadala niyo sa akin kanina. May dinagdag din po si Nicole dito, yung mga binigay niyo daw po sa kanya kahapon" Singit ko habang busy siya sa paghahalungkat, nakuha ko naman ang kanyang atensyon at mukhang nagtataka pa ito kung bakit ako nakapasok.
Tinigil ni Ma'am Fuentes ang paghahanap at tiningnan ako, agad naman siyang tumayo upang kuhanin ang mga libro na binigay ni Nicole sa akin kanina.
Balisang balisa ang mukha ni Ma'am habang hinahalukay niya ang bawat pahina ng libro, sigurado akong may nakaipit na importante sa mga pinadala ng pamangkin niya.
Hmmmm, ano kaya?
"Saan ko po ilalagay itong mga pinadala niyo sa akin, Ma'am?" Tanong ko ulit.
Mukha siyang wala sa ulirat dahil ilang minuto pa niya kong tinitigan bago magsalita.
"S..Sorry, kahit diyan na lang sa kabilang lamesa" Napansin ko naman ang pagutal-utal ng kanyang boses.
Inusisa ko siya at sinubukan kong basahin ang kanyang iniisip. Kanina pa kasi siya gulong gulo at balisa simul nang pumasok ako.
Gaano ba kaimportante yung hinahanap niya para kumilos siya ng ganyan..
"Ma'am, may nawawala ka po ba?" Hindi ko na maatima ang pag-usisa at tuluyan na kong nagtanong
"Oo, yung susi ko" Tipid niyang sagot.
Pero bakit parang takot na takot siya? susi lang naman iyon ah? May dapat ba siyang ikatakot kung pwede naman mag paduplicate.
"Susi po ba ng bahay ma'am? Tulungan ko na po kayo" Lalapit na sana ako para tumulong nang bigla niya akong hinarangan.
Ano bang klaseng susi iyon? Ginto ba iyon?
"Ah? Haha Huwag na, Baka na misplace ko lang somewhere dito sa office. Sige na, Ciello. Pwede ka nang umuwi" Nagpaalam na rin ko dahil wala talaga siyang plano mag patulong.
Dumaan ako sa pasilyo at napansin kong wala ng liwanag. Mahirap talaga pag kasama ka sa SSG, yung tipong parati na lang akong ginagabi ng uwi.
Hindi rin naman bago sa akin ito, kaso may something ngayong araw na nagsasabi sa akin na umuwi na ko.
"Ciello?" Agad akong lumingon at tumambad sa akin si Sir Paulo, adviser ko. Matangkad at matipuno kung titingnan. 27 pa lang naman kasi siya kaya halos lahat ng kaklase kong babae ay nagkakaroon ng gusto sa kanya.
BINABASA MO ANG
Anabella ✔️
Horror"Sometimes the people seen as holy are quite deceiving.." A horror story by: Maurence Geremillo Published: April 29, 2020