CIELLO'S POV
NAGISING ako dahil sa sobrang sakit ng ulo. Napansin kong nakahiga ako na naman ako sa hospital bed. Dalawang beses na itong nangyayari sakin at sigurado akong may mali nang nagaganap...
Let me guess, nasa ospital na naman ako noh?
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Manang Krystal. May dala siyang supot ng prutas at nakangiting sumalubong sa akin.
"Hija, buti naman at nagising ka na. Dalawang araw ka nang tulog dito sa Hospital eh" Bungad niya, natameme ako ng malamang dalawang araw na pala akong tulog. Wala naman akong maalala kung ano ang naging dahilan para maisugot ulit ako.
Umupo siya sa tabi ko at pinaghiwa ako ng mangga.
"Dahil ba yan sa sobrang pagod? Dalawang beses ka nang sinugod sa hospital, hija. Nakita ka raw ng nanay mong sumisigaw sa kusina niyo" Pagpapaliwanag niya na siya namang ikinabigla ko.
Sumisigaw? Bakit?
"Hindi ko rin po alam, Manang." Inabot sa akin ni Manang ang manggang nahiwa niya pagkatapos ay inalalayan niya rin ako para makaupo.
Naguguluhan na naman ako, ilang araw nang may kakaiba akong nararamdamn, hindi ko lubos maisip kung saan ito nagsimula lalo na't hindi naman ako gumawa ng masama. Mukha nang hindi ito dahil sa over-fatigue dahil bakit may mga napapanaginipan akong kakaiba? Bakit may nakikita akong hindi dapat? Napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil gusto ko na itigil lahat ng mga nangyayari dahil nakakasira ng bait.
Pumasok si Mama sa kwarto, mukhang puno na naman ito ng pag-alala ngunit napalitan rin agad ng sigla ng makita niya kong kumakain. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Buti naman at gising ka na! Nagaalala kami sa iyo!" Sabi niya sakin habang maluha luhang hinawakan ang pisngi ko.
Hindi ko talaga naiintindihan kung bakit ako nagkakaganito, ngunit mas pinili ko na lang manahimik.
"Alam mo bang naabutan kitang sigaw ng sigaw sa kusina? Puro ka Ana hanggang sa maisugod ka namin sa hospital. Kailangan ka pa mga itali ng mga doctor kasi ayaw mong tumigil sa pagwawala. Pero nak, sino si Ana?"
Kapwa napatingin si Manang Krystal at Mama sa akin. Hindi ko rin alam kung sino si Ana.
Binigay ni Mama sa akin ang phone ko kaya chineck ko na rin ang notifications.
NOTIFICATION
HANS; Ciel, where are you?
HANS: isang oras na, nasan ka na?
HANS: you're literally the one na kulang dito. Are you okay?
HANS: Please text me.
HANS: Hoyyyyyyyyy
NICOLE: Ghooorrrrrll sinugod na namin si Tita sa hospital
NICOLE: Ghorl bat di ka pumasok. TXT BACK ASAP
ASHLEY; Layuan mo si Hans********
HANGGANG ngayon ba naman ay pepestehin ako ni Ashley? Ashley WAS Han's Girlfriend, nakipagbreak kasi si Hans sa kanya dahil na rin sa pagiging psychotic ng babaeng iyon.
I was discharged at the hospital, 2 days after. Marami pa kasing test na ginawa sa akin lalo na't dalawang beses na kong naconfine sa hospital at ayoko nang umulit dahil siguradong mamamatay ako sa susunod na isugod ako.
BINABASA MO ANG
Anabella ✔️
Horor"Sometimes the people seen as holy are quite deceiving.." A horror story by: Maurence Geremillo Published: April 29, 2020