Chapter XIII

222 123 50
                                    

CIELLO'S POV

KINAGABIHAN, ay agad naming pinuntahan si Manong Saguinsin, para naman mabigyan diin ang nangyayari sa amin ngayon. Sinamahan kami ni Cyrill at naiwan si Manang Krystal para maglinis at ihanda ang matutulugan namin mamaya.

Pagkarating namin sa bahay ni Manong Sagunsin, ay sinalubong kami ni Jesse. Ito ay may dalang tandang at naabutan naming naghahanda ng siga.

"Pasok kayo, inaantay tayo na kayo ni Tatay" Anyaya niya samin.

Nang pumasok kami ay naabutan namin si Manong Saguinsin sa sala. Napansin ko ang maraming dahon dahon na nakalapag sa kanyang lamesa.

"I-aadobo ka na ata sis" bulong sakin ni Nicole. Kahit kailan talaga..

"Magandang gabi sa inyo, kumain na ba kayo?" bungad niya sa amin, tumango lamang kami at nanatiling nakatayo habang pinapanuod siya.

"Ba't niyo pinapanuod si Tatay?"

Napalingon ang lahat ng biglang magsalita si Jesse, halos mamatay kami sa gulat ng biglang sumulpot siyang sa likod namin.

"Tingin mo girl? Alangang makialam kami sa ginagawa ng tatay mo" pagtataray ni Nicole, sabagay sino ba naman matutuwa eh halos matapilok siya sa gulat.

"Jesse, hehe para saan yung siga?" tanong ni Cyrill.

"Sabi ni Tatay magsiga daw ako, baka may pacamping---

"Kahit kailan talaga puro kalokohan nasa isip mo, Jesse. Dalhin mo ito sa labas ng matuwa ako sa iyo" Napakamot na lamang ito sa ulo ng pinadala ni Manong Saguinsin ang mga halamang gamot sa kanya.

Maya-maya pa ay inanyayahan na niya kami sa labas, malamig at ang buwan lamang ang nagpapailaw sa madilim na gabi.

Kinakabahan ako sa mga mangyayari ngayon, hindi ko alam kung dapat ba kong matakot o matuwa dahil magagawan na namin ng solusyon ang kakaibang nangyayari sa aming buhay.

"Pumikit ka" Utos sa akin ni Manong Saguinsin.

Pinahiga niya ko sa nakahandang higaan na nasa labas.

"Manong, bakit niyo siya pinapatulog sa labas?" rinig kong tanong ni Cyrill.

"Manahimik ka na lang bhe." Singit ni Nicole.

*************

THIRD PERSON'S POV

NAGLAGAY si Manong Saguinsin ng rosaryo sa kamay ni Ciello, makakatulong ito para hindi siya manatili sa kanyang pupuntahan.

Nilagyan niya rin ito ng ilang dahon dahon sa ulo at pinausukan ng insenso. Pagkatapos ay pinalapit niya si Jesse, Cyrill at Nicole para sumama sa kanyang dasal.

"Magiging okay lang po ba si Ciello?" tanong ni Nicole, tumango lamang si Manong ngunit kahit sa kanyang sarili ay hindi rin siya sigurado.

Sila ay pumalibot kay Ciello, nagsimulang mag-dasal si Manong Saguinsin, kasabay ng pagpikit ng tatlo. Sila ay binalalaan na wag bibitaw hanggat hindi pa nagigising si Ciello, sigurado kasing mawawala ang kaluluwa nito na sila ang nag gagabay.

Plano ni Manong Saguinsin, na dalhin si Ciello sa buhay ni Anabella, kailangan malaman at mahanap ni Ciello ang sagot sa hindi pag katahimik ni Anabella.

Walang kasiguraduhan kung babalik ito, ngunit ito lamang ang magiging solusyon.

"Kung mayroon mang bumabagabag sa inyong isipan at huwag niyong papansinin. Huwag kayong bibitaw at huwag kayong lilingon sa inyong likuran"

Sa balala pa lamang ni Manong Saguinsin ay halos magtaasan na ang balahibo ni Nicole, hindi niya mawari na ganito pala ang kakahantungan nila sa paghahanap ng solusyon.

Isang oras ang nakalipas at hindi pa rin nagigising si Ciello, kailangan nito magising bago mag alas dose, dahil siguradong matutuluyan ito.

Dalawang  oras na lamang ang natitira kaya kinakabahan siya, nagpapawis na rin ang kanyang mga kamay ngunit ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para hindi bumitaw.

"Nicole, Hayaan mo na si Ciello.. Hindi ka dapat mapasali rito"

Narinig ni Nicole ang boses ng kanyang tita, imumulat na sana niya ang kanyang mga mata ng maalala niyang patay na pala ito.

"Tita, go away na. Dead ka na remember?" Naramdaman niya ang malamig na kamay na dumapo sa kanyang balikat.

Nanginginig at kinakabahan siya, iniisip pa lamang niya na nasa likod ang tita niya ay halos tumakbo na ang kanyang puso.

"Pakawalan mo na si Ciello, Sila ang dahilan kung bakit naghihirap ang pamilya naten"

Tuloy pa rin sila sa pag dadasal, ngunit hindi nila namalayan ang pagbilis ng hininga ni Manong Saguinsin. Ito ay kanyang iniinda dahil ayaw niyang masira ang ginawa niyang ritual, hindi pa nakakabalik si Ciello. Hindi pwedeng masira ito.

Ramdam rin ni Manong Saguinsin ang malamig na kamay na bumabalot sa kanyang leeg, maya maya pa ito ay humihigpit.

Napansin ni Jesse na hindi na nagdadasal at bumubulong ang kanyang ama, hindi niya maiwasan kaya idinilat niya ang kanyang mata.

"T..Tayyy" Halos hindi siya makapagsalita, kita ng kanyang mga mata kung paano sakalin ng isang babae ang kanyang ama.

Nagulat ang lahat ng kumalas si Jesse at tinanggal ang kamay ng babaeng sumasakal.

"Tigilan mo si Tatay!" Tumalsik ang katawan ni Jesse palayo sa kanila.

"Huwag niyong tigilan an..ang pag d..dadas..al. B..Baka.. Hin..di maka..balik si Ciello" Kahit mautal utal ay pinilit magsalita ni Manong Saguinsin.

Wala silang magawa, hindi nila malapitan si Manong Saguinsin dahil sa babaeng sumasakal sa kanya.

"Anabella! Alam kong ikaw iyan! Ginagawa namin ito para matahimik na ang iyong kaluluwa!"

Unalingawngaw ang tawa ng isang babae, ilang segundo pa ay nakaharap na ni Nicole ang kinakatakutan ng lahat.

"Anabella?"

"Nosoy" (I am not)

Anabella ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon