CIELLO'S POV
"SAAN tayo magsisimula?" Tanong ni Nicole.
Inutusan ko siyang kuhanin ang dalawang libro na nasa likod ng backpack ko, ipinadikit niya iyon habang pinapatakbo ko ang motor.
"Manila Cathedral ang may ekis, nakalagay daw ang labi ni Anabella Fuentes sa isang kabaong"
"Puta alangan"
Mapapamura ka na lang talaga sa sinabi niya, Saan ba dapat ilagay ang patay?
"No.. Parang alam ko ito.."
Hinayaan ko siyang makapag-isip, literal kong pinapatakbo ang sasakyan sa kawalan dahil hindi ko talaga alam saan kami pupunta.
"Alam ko na! Manila City Hall!" Huh? Paanong naging kabaong iyon?
"Paanong naging kabaong iyon?"
"Basta mamaya ko na lang i-explain" Agad kong hinarurot ang sasakyan sa Manila City Hall.
30 mins after, nakarating na kami roon. I really don't know saan kami magsisimula, basta ang alam ko na lang ay sinusundan ko si Nicole papasok.
"Alam mo ba talaga saan tayo pupunta?" Tumango lang siya, biglang siyang tumahimik kaya hindi na ko nag-abala pang mag-salita.
Sarado ang mga pinto kaya pinilit namin ni Nicole na pumasok sa pinakalikod kung saan pwede naming sirain nang hindi nakikita sa mga CCTV.
"Saan dito?" Nagulat ako ng hinatak niya ko sa hagdanan. Bakit parang alam na niya kung saan kami pupunta?
"Uy, Nicole? Okay ka lang? Alam mo ba talaga saan pupunta?" Nanatili siyang tahimik, kailangan ko na ba siyang sigawan?
"Anabella Nicole Fuentes!" tumingin ito sa akin at ngumiti. Nakakaramdam ako na parang may mali, ilang beses na kong nahulog sa patibong dahil sa mga ngiti na iyan.
Dumating kami sa isang kwarto, mukhang office ng isang employee dito. Tiningnan ko ang nakalagay na name plate na nasa wooden desk.
"Charlotte Flores"
Mama? Naalala kong nagtatrabaho si Mama sa government pero hindi ko alam bakit alam ni Nicole na dito office ni Mama.
"Nicole, Paano mo nalaman na--" Natigil ako ng binigay niya sa akin ang isang makalumang kahon.
"Palayain mo na ko at tutulungan kita" Tinignan ko lang si Nicole at parang nakakaramdam na ko kung sino ang kaharap ko.
"Anabella?"
Kinuha ko ang susi na nakasabit sa leeg ni Nicole, muli kong binasa ang nakaukit na pangalan sa susi
"Anabella Fuentes"
Binuksan ko ang kahon at tumambad sa akin ang isang kwintas. May nakaukit na Anabella Fuentes rito at isang papel na may nakasulat, kinuha ko iyon at muling tiningnan ang pamilyar na mukha sa aking harapan.
"Salamat" Nakita ko muli ang mukha ng babaeng walang kasalanan. Nagliwanag ang kanyang katawan hanggang sa mawala ito, bumagsak ang katawan ni Nicole na agad ko namang sinalo.
"N..Nicole.." Tinapik - tapik ko ang mukha ni Nicole hanggang sa magising siya.
Naalala ko ang sulat na nakita ko sa kahon ni Anabella. Binuksan ko ito at binasa.
Mahal kong anak,
Feliz cumpleaños, Binibini.
Naalala ko pa noong una kang dinala ng iyong ina sa kumbento. Ang saya saya ko dahil ikaw ay isang napakasigla na bata, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nagawa ka naming gabayan hanggang sa ikaw ay magdalaga.Nagpapasalamat ako sa iyo dahil nung mga oras na kinailangan ka ng mamamayan ay nandun ka para tulungan sila. Mula sa mga simpleng bagay hanggang sa humingi ka ng pabor sa iyong ama para patagalin pa ang palugid sa bahay ni Mang Presko.
Napakabait mong bata, Anabella. Gagawin ko sa abot ng aking makakaya na iligtas ka, Hindi ko man maipapangako pero tandaan mong ikaw ay aking ilalakad hanggang sa huling hininga ko upang mailapit ka lang sa Maykapal.
Nagmamahal,
Padre DagohoyNaramdaman ko ang luha na umaagos sa aking mata, bagama't hindi ako si Anabella ay ramdam ko ang pagmamahal mula sa sulat na ito.
"Alam mo ba? Minsan hindi lang sa masasamang espiritu ang dybbuk box" Nagulat ako ng magsalita si Nicole, nakaupo na pala ito sa tabi at sinisiyasak ang binuksan kong kahon.
"Minsan ginagawa ito para maprotektahan ang kaluluwa ng isang taong pinakamamahal"
Huh? Hindi ko maintindihan.
"Malay mo, Hindi talaga ginawa ito ni Sofia Cervantes para ikulong si Anabella. Malay mo itong kahon na ito ay ginawa ni Padre Dagohoy dahil alam niyang may balak na yung pesteng madre na iyon na ikulong ang kaluluwa ni Anabella" Pagpapaliwanag niya, medyo naguluhan ako sa eksplanasyon niya at mukhang naintindihan naman niya dahil gulong gulo naman talaga yung hitsura ng mukha ko.
"What I mean is, Baka alam na ni Padre Dagohoy ang mangyayari kaya siguro ginawa niya ito kasi imbes na ikulong ng pesteng madre na iyon ang kaluluwan ni Anabella mas pinili na lang ni Padre na siya ang gumawa para atleast sa oras na palayain natin ang kaluluwa niya hindi yung pesteng madre makikinabang"
Mas lalo kong naintindihan ang pangyayari, siguro nga iyon ang pinapahiwatig niya sa sulat. Siguro nga wala siyang magagawa para iligtas ito mula sa kamatayan pero may ginawa niya ang lahat para mailapit ang kaluluwa ni Anabella sa Diyos.
"Oy! Sis!" Nagsimula na naman akong wagwagin ni Nicole, ano na naman ba?
"Nakakalimutan mo atang may madre pa tayong kalaban at siguradong hinahabol na tayo" Shett..
Nakakasigurado akong papalapit na siya ng bumaliktad ang krus sa opisina.
BINABASA MO ANG
Anabella ✔️
Horror"Sometimes the people seen as holy are quite deceiving.." A horror story by: Maurence Geremillo Published: April 29, 2020