NICOLE'S POV
NAGISING ako dahil sa kalabog na nagmumula sa balcony, gusto ko sanang tumayo pero hindi ko magalaw ang sarili ko.
Gosh. This can't be.
May nakita akong pumasok sa kwarto pero hindi ko makita ang mukha nito. Parang anino lang kumbaga, mas lalo ko pa itong tiningnan nang palapit ng palapit ito sa akin. Kahit lumapit ito ay anino pa rin ang nakikita ko, natagpuan ko na lamang ang anino na nakapatong sa akin.
"ayuda" (Help)
This bitch needs to know na hindi ako marunong mag spanish, pumikit ako at nagdasal. Pagtingin ko ulit ay nakita ko si Ciello na nakapatong sa akin.
Wait... Hindi ito si Ciello..
Pumikit ako at nagdasal.
"Nicole! Nicole! Gising!" Bumalikwas ako sa higaan at nagising. Panaginip lang pala iyon, nakita ko ang pagaalala sa mukha ni Ciello, siguradong binabungongot ako.
************
THIRD PERSON'S POV
NAGPAALAM si Nicole at Ciello na magbabakasyon sa bahay nila Manang Krystal. Hindi na nila naisipan pang tawagan ang numero dahil pupunta rin naman sila doon.
Ang bahay ni Manang Krystal ay sa Bacoor, Cavite pa matatagpuan. Ganoon na lamang ang pagkahanga ni Ciello nang maisip niya ang araw araw na pagpunta ni Manang mula sa kanila.
"Bakit mas pinili niyo pag silbihan ang pamilya namin, manang?" Tanong ni Ciello.
"Parang kapatid ko na rin kasi ang Papa mo, Ciello. Hindi ko maiwan ang Papa mo lalo na nung bata pa kami dahil na rin parating wala si Ma'am Teresita."
Dumating sila sa bahay ni Manang Krystal, bandang ala una na ng hapon. Mainit naman silang sinalubong ng anak nitong si Cyrill, ito ay mas bata ng dalawang taon kay Ciello ganun din kay Nicole.
Naghanda ng makakain si Manang Krystal, habang sila ay nasa sala. Nagdala si Cyrill ng Scrabble Board kung saan inaya niya ang dalawa. Agad naman din itong tinaggap ni Nicole at napapayag na rin si Ciello.
"Hmm, ate bakit po ba kayo napasadya sa bahay namin?" Tanong ni Cyrill, nginitian ni Ciello ang dalaga ngunit mas minabuti na lamang niyang manahimik.
"Pupuntahan sana namin si Manong Saguinsin, sabi ng mama mo ay kilala itong albularyo rito. Tama ba?"
Matamis ang kanyang nguti na parang kinikilig. Nagulat naman silang dalawa sa kinilos ng dalaga.
"May crush ka kay Manong Saguinsin?" bulalas ni Nicole.
"Hindi, sa anak niya oo hihi"
"Sino?"
"Si Jesse hehe" Abot tenga naman ang ngiti ni Cyrill nang mabanggit ang pangalan ng anak ni Manong Saguinsin.
"Nako nako, ambata mo pa, nak" Bungad ni Manang Krysal.
Pumasok si Manang Krystal sa salas dala ang tray ng juice. Namula naman ang mukha ni Cyrill ng mapag alaman niyang narinig ito ng kanyang ina.
"Nako! Hayaan mo na, Manang. Ganun rin kasi ako ei hihi" biro ni Nicole, natawa lamang si Ciello sa inakto ng kaibigan.
"Kung gayon ay babalik na ko sa kusina, kung gusto niyo ay pwede na rin kayong sumaglit sa bahay ni Manong Saguinsin. Anak, ihatid mo sila sa bahay ni Manong tiyak ay matutuwa rin si Jesse makita ka" Agad namang umalis si Manang Krystal at dumiretso sa kusina.
***************
CIELLO'S POV
HINATID kami ni Cyrill sa bahay ng albularyo, labas pa lamang ng bahay nito ay may mga nakatanim ng halamang gamot sa bawat sulok.
Naabutan naman namin ang isang binata na nakaupo at nagbabasa sa may bungad ng tahanan nila.
"Te, si crush"
"Hehe gwapo naman akin na lang"
"Hala te! Akin yan ei!"Rinig ko ang dalawang humahagikgik sa aking likuran, mas minabuti ko na lamang lapitan ang binata. Bumungad naman sa akin ang kanyang matamis na ngiti.
"Ano po ang kailangan niyo ate?" Tanong ng binata sa akin.
"Nariyan ba ang iyong ama?"
"Ah opo! Kaso nagsiesiesta, pero pwede rin ko namang istorbohin"
Umakyat ito sa kanilang tahanan, sinenyasahan niya kong umakyat at sumunod naman si Nicole at Cyrill.
Naabutan ko si Manong Saguinsin na papunta sa salas.
"Kay tagal ko rin kayong inantay"
Inantay? Alam niya bang pupunta
kami?"Ay taray, alam niyang pupunta tayo" bulong sa akin ni Nicole.
"Tungkol ba ito kay Anabella?" Nagulat ako ng sinambit niya ang pangalang iyon, siguradong alam niya rin paano namin iyon mapapatahimik
"Ay taray mo naman po manong, sige anong itatanong namin?" Tanong ni Nice, binatukan ko ito dahil nakakawalang respeto na siya.
"Kung itatanong niyo ang magpapatahimik sa kanya, ay wala sa akin ngunit nasa iyo"
"Pero manong, matutulungan niyo po ba kami malaman iyon?"
"Oo naman, bumalik ka sakin mamayang gabi at tutulungan ko kayong matahimik ang kaluluwa niya..."
Ngumit ito sa amin, hinanap ko si Cyrill para na rin makapag paalam kami.
"Ay taray, di lang ata crush ni Cy, jowa niya rin ata. Sana ol" Bulong sa akon ni Nicole.
Tinawag ko si Cyrill na kasalukuyang nakikipagusap kay Jesse. Pagkatapos ay nagpaalam na rin kami kay Manong Saguinsin.
Pagkabalik namin sa bahay ay inabutan naming naghahanda si Manang Krystal ng kakainin sa hapag kainan. Ngumiti ito at inaya kaming umupo sa lamesa.
"Nalaman niyo ba ang kakailanganin niyo?" Tanong ni Manang.
Umiling ako, hindi ko maintindihan ang sinabi ni Manong Saguinsin kanina. Paanong nasa akin?
"Gurl? You okay?"
"Nasa akin raw ang sagot, manang hindi ko siya maintindihan"
"Baka siguro hawak mo ang sagot pero hindi mo lang alam, o di kaya nasa loob mo ang sagot" Pagkatapos ng maikling paguusap ay kumain na rin kami.
Sa ngalan ng ama
Anak
At ng espiritu santo"WALA AKONG KASALANAN!"
Idinilat ko agad ang aking mata at nagsimulang kumainc, kung ano man ang nagflash ay siguradong hindi ko iyon sariling alaala.
BINABASA MO ANG
Anabella ✔️
Horror"Sometimes the people seen as holy are quite deceiving.." A horror story by: Maurence Geremillo Published: April 29, 2020