Chapter XIV

207 111 44
                                    

1772, Manila

ANABELLA'S POV

Nagising na lamang ako dahil sa sakit ng aking katawan, agad akong tumayo at hinanap si Felicia. ngunit...

"Buenos días mi dama" (Good Morning, My Lady)

Isang bruskong boses ang nanggagaling sa aking likuran, nang ako'y lumingon nakita ko ang tindig at hubad na katawan ni Heneral Flores.

"Donde esta mi padre" (Where's my father?) Tanong ko.

Nakuha na niya ang gusto niya, siguradong papalayain na niya si Ama.

"¿Dónde? Yo tampoco se" (Where? I don't know either)

Tumaas ang dugo sa aking katawan, hindi ito oras upang makipagbiruan. Agad akong naglakad palabas ng bigla niya akong hinarangan.

"¿A dónde vas?" (Where are you going?)

Hindi na niya ko pinag salita at bigla siyang lumabas ng kwarto, nang bubuksan ko ang pinto ito ay nakasarado.

Invítame a salir!" (Take me out!)

"Estás siendo travieso, cariño. Ese es tu castigo" (You're being naughty, honey. That's your punishment) Umalingawngaw ang boses ni Heneral sa labas.

******************

Ciello's POV

Nagising na lamang ako sa kalagitnaan ng daan.

Tinapon ba ko ni Manong Saguinsin habang tulog ako?

"Gising na ate"

Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon, humarap sa akin ang isang dalaga. Ito ay nakasuot ng baro't saya kaya ako ay naguluhan. Huwag mong sabihin...

"Nasa panahon ka ni Binibining Anabella.."

Tumayo ako agad at pinagpag ang suot ko, bagama't nasa ibang panahon na ko, nanatili pa rin ang suot suot ko nung pinatulog ako ni Manong Saguinsin.

"Ako nga pala si Felicia"

"Felicia?"

"Oo, ako ay naninilbihan kay Binibining Anabella"

Lumingon-lingon ako at napansin kong nasa gitna ako ng isang malawak na hardin.

"Nasa hacienda Fuentes tayo, binibini"

"Nasaan si Anabella?"

"Nasa bahay ni Heneral Flores, ang iyong ninuno" sambit ni Felicia.

Lumingon ako sa kanya at pansin ko ang kanyang pagkamutla, naglakad ito papasok sa Mansyon nang napansin ko ang nakatarak na kutsilyo sa kanyang likod.

"Felicia! May nakasaksak sa iyo!" Nataranta ako at sinubukan ko siyang pigilan ng tumagos ang aking kamay.

"Binibini, ako ay isang kaluluwa lamang. Sa mga oras na ito, ako ay patay na" Saad niya.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa salas.

"Sino ang pumatay sa iyo?" Ngumiti lamang ito sa akin at siya'y tumingin sa dalawang babaeng nakaupo sa salas.

"Sila ay ang ina at kapatid ni Anabella, sila ang pumatay sa akin"

Nagulat na ako sa kanyang sinabi, tiningnan ko ang dalawang nakaupo at kapansin pansin na pag kamugto ng kanilang mga mata.

Anabella ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon