Chapter VIII

222 115 37
                                    

NICOLE'S POV

"Tita para saan yan?" Inabutan ko si Tita Alyra sa pasilyo ng eskwelahan, nagbabasa ito at mukhang hindi niya napapansin na nasa likod na niya ako.

"Titaaa? Uy?" Sinubukan ko siyang kalabitin pero hindi niya talaga ako nararamdaman.

Nakaisip ako nang kalokohan kaya medyo lumalayo kayo ako, hehe matatakutin kasi si Tita at alam kong sa gagawin ko ay siguradong papagalitan niya ko.. hehehe

"Alyra.." Tawag ko, natigilan siya sa paglalakad at hinanap ang boses ko.

"Alyraa.." Tawag ko ulit, mukhang bentang benta naman ito kay Tita kaya pinagpatuloy ko pa.

"Alyraa.." Sa pagkakataong iyon ay nakita ko siyang napaupo sa gilid at tinatakpan ang kanyang tenga.

Hindi ko expected na iyon ang magiging reaksyon niya, kalimitan kasi ay sisigawan niya lalo na't pinagtitripan rin siya minsan nang mga estudyante dito.

Naawa ako kaya nilapitan ko agad, nanginginig ito kaya mas lalo akong nakonsensya. Hindi ko talaga expected na ganito magiging reaksyon niya.

"Lumayo ka.."

Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpatinag at pilit siyang inaalo, ayokong masumbong kay Mama dahil siguradong grounded ako don.

"Alyra.."

Natigilan ako sa narinig ko.. tumigil na ko sa kakabulong ah? Bakit naririnig ko ang boses ko? Biglang bumilis ang tibok ng puso pero nanatili pa rin ako sa tabi ni Tita Alyra.

"Alyra.." Shit-- sino ba iyon? Ano ito? Another prank?

Tumingin tingin ako sa mga posibleng taguan ng nangtitrip sa amin, sigurado akong malapit lang siya dito.

"Nicole.. Huwag.." Narinig ko ang boses ni Tita kaya bumalik ako, tumayo ito at kinuha ang libro.

"Huwag mo na ulit gagawin iyon, hindi ko sasabihin sa mama no katarantaduhan mo." Saad niya, normal itong bumalik sa paglalakad na parang walang nangyari.

Kahit naguguluhan ay sumunod ako sa kanya, hindi ko na naisipang lumingon dahil baka kung sino lang iyon.

*******

Halos limang oras na ko nag-sesearch dito sa laptop, feeling ko naman kahit anong baliktad ko sa World Wide Web, eh wala naman itong ilalabas na makakatulong sa akin.

Napasalampak ako sa sofa habang inaantay ang niluluto ni Ciello sa kusina, gutom na gutom na rin ako kahit pinagmeryenda kami ni Manang Krystal.

"Ghorl! Tagal pa ba yan!?" Bulalas ko.

Hmmm? Tagal naman ata? Pancit Canton lang yon ah?

Napagdesisyunan kong tumayo at magtungo sa kusina, naririnig kog kumakanta si Ciello kaya naisip kong lokohin ang gaga.

Nagtago ako sa gilid at pinapanuod siyang nagluluto, humahagikgik ako habang iniisip ang magiging reaksyon niya.

"Ciello.."

Tumigil ito sa pagluluto at nagpalinga-linga sa kanyang gilid, bigla itong namutla at mukhang nagsisimula nang matakot.

Anabella ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon