"Pu..tang..ina.." Kailangan na naming umalis, agad kong hinatak si Nicole palabas ng opisina. Nagsimula kaming tumakbo pababa, palamig ng palamig ang atmospera habang pababa kami ng hagdanan.
"Kahit anong takbo natin, siguradong mahahabol niya ren tayo" walang ganang sagot sa akin ni Nicole, tumingin ako sa kanya at tumigil ang mundo ko..
"Oh? Bakit ka tumigil?"
Hindi niya ba nakikita sarili niya ngayon? Halos matanggal na ang balat mula sa kanyang mukha, tumutulo ang dugo sa hagdanan at ang mas ikinandiri ko pa ay ang kamay niyang malapit nang matanggal sa braso niya.
"Oy? Ciello?"
No... Ilusyon lang ito. Hinatak ko pa rin siya kahit hindi ko maatimang isipin na ang hawak kong kamay ay halos matanggal na sa braso niya.
"Bakit ba ganyan tingin mo sa akin?"
"W.. Wala.."
Nang makababa na kami ay agad kong hinanap kung saan ko ipinarada ang motor. Tumakbo ako sa pinakalikod ng CityHall pero napansin kong bumabalik lang din ako sa kinakatayuan ko.
"C..Ciello.." Kanina ko pa siya hatak hatak at hindi ko magawang tumingin sa kanya. Kailangan kong isipin na ilusyon lang ito..
"AHHHHHHH!" Nagulat ako ng bumitaw si Nicole sa akin, lumingon ako sa kanya at bumalik na siya sa dati niyang anyo pero ganoon na lamang ang pagkatakot niya sa akin.
"TANGINA HUWAG MO KONG LAPITAN!" Bulyaw niya, gusto ko man lapitan ay panay ang layo niya.. siguradong nagiilusyon din siya.
"Nicole! Makinig ka sa akin! Ilusyon lang ito!" Pagpapakalma ko sa kanya, tumigil ang tibok ng puso ko nang may nilabas siya.
Baril.
"SOFIA CERVANTES! SUBUKAN MONG LUMAPIT SA AKIN! PAPATAYIN KITA!" Lalo pa siyang nagwala, isang kalabit niya lang ay siguradong patay ako.
"No, Nicole! Si Ciello ito.." Pagmamakaawa ko pero parang hindi niya ko naririnig. Hindi na ko nagatubili pa at sinubukan kong agawin ang baril sa kanya.
Hindi ako pwedeng mamatay sa kamay ng kaibigan ko at lalong hindi siya pwedeng mamatay dito. Nagsimula akong makipag-agawan sa kanya, umiiyak siya at pilit na binabawi ang baril.
"Nicole, makinig kaa.. si Ciello ito!" Naiiyak na rin ako dahil siguradong isang maling kalabit lang ng baril ay may mamamatay isa sa amin.
Isang malakas na ingay ang umalingawngaw sa buong lugar, nanginginig ang kamay ko dahil wala akong maramdaman na sakit.
Hanggang sa sumalampak ang katawan ni Nicole sa sahig..
"H..Hindi.." lumuhod ako sa harap, pinipilit buhatin ang naghihingalo niyang katawan.
"Takbo" bulong niya sa akin, tumingin ako sa harap at nakatayo ang madreng dahilan ng paghihirap namin.
Bagama't maiiwanan ko si Nicole doon ay tumakbo na ko para hanapin ang susunod na kahon. Buti na lang at nadala ko ito bago kami lumisan ng opisina.
Tiningnan ko ang mapa at hinanap ang pangalang Sofia Cervantes, pinagiisipan ko kung saan ang itinutukoy ng mapa.
Hacienda Cervantes..
Hindi ko alam kung paano ko naisip iyon, pero hinarurot ko ang motor papunta sa isang bahay..
Tinahak ko ang madilim na daan, umaasang hindi maabutan ng nilalang. Kung tama ang nasa isip ko siguradong matatapos ko na ang problemang ito.
***********
Isang oras ang nakalipas, natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng bahay nila Manang Krystal. Kung tama ang nasa isip ko, ito ang Hacienda Cervantes.
Balak ko sanang kumatok ngunit ayokong makasagabal sa tulog nila, naisipan kong umakyat sa bakod at dumiretso sa bakuran nila. Pagkakasabi mula sa mapa, ito ay nasa hardin ng Hacienda Cervantes.
Ngayon ay ang bakuran nila Manang Krystal.
Kinuha ko ang pala na nakasabit, sinimulan kong maghukay nang maghukay sa kung ano mang tingin ko ay nakalibing ang kahon.
Isang oras ang nakalipas, kahit isang tanda ng matigas na bagay ay wala akong makita.
"Psst, Binibini" tumingin ako sa pinanggalingan ng boses, isang pamilyar na pigura na naman ang sking nakita.
"Felicia.." Lumapit ako kay Felicia at bigla siyang nawala. Pumasok sa isip kong hukayin ang kinatutungtungan niya kanina.
"Shit" Napamura ako nang nasimulan kong maaninag ang isang kahon na gawa sa kahoy. Hindi ako nagatubiling kuhanin ito.
Isang matinis na boses ang biglang kumawala, dahil dito ay nabitawan ko ang susi at nahulog sa hukay. Inabot ko ito ng maramdaman kong may tumulak sa akin diretso sa lupa.
Ang hukay na kanina ay mababaw, ngayon ay biglang lumalim.
"HINDI MO TALAGA AKO TITIGILAN!" Bulyaw ko, alam kong pakana na naman nya ito. Nagsimulang magkaroon ng tubig ang hukay, kulay pula ito at sobrang labo.
Hindi ito ang makakapigil sa akin, nandito na ko kailangan ko na itong tapusin. Sinimulan kong halukayin ang lupa kahit pataas ng pataas ang tubig, hanggang sa kailangan ko nang magpigil ng hininga kapag kakapain ko dahil hanggang baywang na ang tubig
Ilang segundo pa ay may nakapa akong parang susi, agad ko itong kinuha ng nakaramdam ako ng may humawak sa akin.
Shit..
Hinatak ko nang hinatak ang kamay ko mula sa pagkakahawak ng kung ano mang nilalang. Buti na lamang ay may kung anong pwersa ang tumulong sa akin para hatakin ang aking sarili. Nang makuha ko ang susi ay agad akong umakyat papunta sa pinakataas.
"SAAN KA PUPUNTA!" Isang malakas na boses ang halos magpabingi sa tenga ko, lumingon ako at nakita ko na naman siya.
"BWISET KA SA BUHAY KO! BITAWAN MO KO!" Sigaw ko, Hindi niya tinitigilan ang paa ko at hinili pa niya ko pababa.
Sumalampak ang pwet ko sa lupa, nagulat ako ng bigla niya kong sakalin at pilit na inilulublob sa tubig.
"Mamamatay ka!" Ikaw ang mamatay! Putangina! Pilit kong hinahabol ang aking hininga, hindi ako pwedeng mamatay sa kamay ng demonyong ito.
Hindi ko pa rin tinatanggal ang pagkakahawak ko sa susi bagama't hirap ako sa paghinga. Pakapos ng pakapos ang inilalabas kong hangin at ramdam ko na maya maya ay mahihimatay na ko..
"No mates a mi nieta!" (Don't kill my grand daughter!)
Isang barakong boses ang umalingawngaw sa hukay. Nakita ko si Heneral Flores na pilit na pinipigilan ang demonyo sa pagkakasakal sa akin. Nakakuha siya ng tiyempo at nagawa niyang sakalin ito.
"Date prisa, mi princesa!" (Hurry up my princess!)
Hindi ko man siya naiintindihan ay agad na akong umakyat, pinilit kong humawak sa madulas na lupa para makasampa ako sa taas.
"HINDI PWEDE!" Sigaw ng demonyo.
"¡Abre la caja!" (Open the box!)
Pilit pa ring kumakalas ang madre sa hawak ni Heneral Flores. Agad kong ipinasok ang susi..
Abot ngiti sa aking tenga, nang biglang magbukas ang kahon. Isang matinis na boses pa lalo ang kumawala sa lugar, tiningnan ko ang hukay at nagsisimula na itong gumuho.
"¡He cometido un pecado que arruinó mi clan! ¡Ahora te arrastraré al infierno conmigo!" (I have done a sin that ruined my clan! Now I'm gonna drag you to the hell with me!)
Ngumit si Heneral Flores sa akin na para bang namamaalam. Biglang nanlambot ang puso ko kahit ako ay may galit sa ginawa niya.
"Lo siento mi princesa" (I am sorry, my princess)
At tuluyan na silang nilamon ng lupa.
BINABASA MO ANG
Anabella ✔️
Horror"Sometimes the people seen as holy are quite deceiving.." A horror story by: Maurence Geremillo Published: April 29, 2020