Prologue

613 177 44
                                    

1772, Manila

"Bitawan niyo ko! Hindi ako mangkukulam!" Sigaw ng isang babaeng tinatali ng limang sundalo, siya ay inakusahan ni Heneral Flores bilang dahilan ng samu't saring mga kaganapan sa Maynila.

"Atarla!" (Tie her up)

Halos pinagkaguluhan ang babae ng dinala ito sa loob ng simbahan, bata o matanda ay galit sa kanya. Siya ang akusado sa halos limampung dalaga na nawala at natagpuang patay sa harap ng simbahang ring iyon. Bagama't walang may ebidensiya kung siya talaga ang gumawa, Maraming tao ang nakapagsabi na madalas siyang bumisita doon tuwing madaling araw

"Padre Dagohoy, Alam niyo pong wala akong kasalanan!" Pag mamakaawa niya ng lumapit ang pari upang siya'y basbasan.

Sa ngalan ng ama
anak
at ng espiritu santo..

Anabella ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon