CIELLO'S POV
It's been 2 weeks after the weird happenings, I also have 2 weeks para tapusin ito. It's either I win or I die.
Pagkapasok ko ng classroom ay agad kong hinanap si Nicole. Dinala ko yung dalawang libro pati na rin ang susi na binigay sa akin ni Mama. Nakita ko siya sa pinakadulo ng classroom kung saan kausap si Hans, nagtatawanan sila kaya agad na akong sumingit.
Nagulat si Nicole pero lumihis ang tingin niya sa suot ko.
"Iyan ba ang tinutukoy mo?" Tanong niya, tumango ako at umupo sa harap ng desk niya.
"I also found this"
Nilapag ko sa desk niya ang dalawang libro, tinitingnan lang kami ni Hans kaya sinenyasan ko siyang umalis muna. Binuklat ko sa pinakalikod na pahina ang dalawang libro at ipinagdikit iyon.
Nanatiling tulala si Nicole, kaya iniwan ko muna siya. Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na ang professor namin, actually mukhang subsitute ni Ma'am Fuentes ang dumating dahil subject niya dapat ang first period namin.
"Okay class, turn your books to page 204"
"Ciello, pakibasa ang first paragraph" Tumayo ako at nagbasa..
In this world of sadness
Sometimes we need to treasure hunting,
In order to find happiness,
That we are keep on longing...Hindi ko napagpatuloy ang pagbabasa ng makaramdam ako ng parang tumusok sa tagiliran ko. Naibagsak ko ang libro kaya nakatingin ang buong klase sa akin. Agad lumapit ang prof ko para tulungan akong tumayo.
"AHHHH! Huwag! Masaket! AAAAh"
Sa bawat hawak niya ay parang kutsilyong tumutusok sa akin, binuhat ako ng isa sa mga kaklase namin papuntang clinic. Sa bawat pagtapak ng paa niya ay nakakaramdam ako ng sakit at pagtusok sa tagiliran ko.
"Tama naaaaa" Pagmamakaawa ko, hindi ko na kaya itong nararamdaman ko. Ramdam kong mamaya ay hihimatayin na ko.
"Ciello"
Yung bulong na naman, nagsimula na kong magsisigaw sa clinic kaya hinawakan ako ng mga kaklase ko sa kamay at paa. Then I saw her..
Ang babaeng nakatayo sa pinakadulo ng kwarto, nakaitim at may krus sa kanyang dibdib..
"TIGILAN MO NA KO SOFIAAAA CERVANTESSSS!" Bulyaw ko na halos ikinatakot ng mga tao sa loob ng clinic, hindi nila makita kung ano nakikita ko.
Nagsimulang lumapit ang demonyo sa akin, dahil sa higpit na pagkakahawak ay hindi ko maigalaw ang aking sarili.
"PUTANGINA! TANGGALIN NIYO ANG MGA HAWAK NIYO SA AKIN!"
Ilang saglit pa ay kaharap ko na siya, nakalutang siya at nakangiti sa akin.
"TIGILAN MO KOOOOOOOOOOO!"
Lumapit ang isang doctor sa akin at tinurukan ako ng kung anong likido. Ilang minuto pa ay naramdaman ko na ang nakakaantok na sensasyon..
**********
Nakita ko ang aking sariling nakatayo sa harap ng bahay namin, pumasok ako at dumiretso sa kwarto.
Pagdating ko sa kwarto ay may nakaupong pigura sa kama, nilapitan ko ito at napag alaman kong si Mama.
"Ma, ano ginagawa mo dito?" Hindi ito umimik kaya dumiretso ako sa banyo. Binuksan ko ang ilaw at tumambad sa akin ang.. sarili ko
BINABASA MO ANG
Anabella ✔️
Terror"Sometimes the people seen as holy are quite deceiving.." A horror story by: Maurence Geremillo Published: April 29, 2020