CHAPTER XXIV

161 79 14
                                    

THIRD PERSON'S POV

NAGISING si Ciello sa isang malaking kwarto, nanghihina ang kanyang katawan pero nagawa niyang tumayo.

"Kamusta ka na?" Napalingon siya sa isang babaeng nakatayo malapit sa pintuan.

"Anabella?" Ibang-iba ito sa huling pagkakakita niya, mas maayos na ito tingnan at wala nang bahid ng sugat, pasa o kahit ano man sa katawan.

Kapansin pansin rin ang moderno nitong damit, naka tshirt at shorts ito at parang kaedad niya lang. May ngiti rin ito sa labi habang nakakatitig sa kanya.

"Nasaan ako?" Tanong niya.

"Sa bahay natin..."

"Sa bahay?"

"Yah! Gigisingin sana kita kasi pinapababa na tayo ni Mama.." Saad niya pagkatapos ay lumabas na ito ng kwarto.

Nagtataka man ay sinundan niya kung saan ito pupunta, halos matanggal naman ang kanyang panga nang makita ang mga tao na nasa hapag-kainan.

"Good Morning ladiess!"

Napako siya sa kanyang kinatatayuan ng makita ang lalaking kailanman ay hindi niya inaasahan muling makasama.

"Papa?"

Kahit mapatid siya sa hagdanan ay halos takbuhin niya ito upang yakapin ang ama, abot tenga ang kanyang ngiti nang maramdaman ang mainit na yakap mula rito.

"Papa.. miss na miss na kita.." Mangiyak ngiyak siya habang yakap ang ama, kailanman ay hindi niya inaasahan na mahawakan o mayakap ulit ito.

"Hahaha jusko naman nak, natulog ka lang miss mo na agad ako?" Saad ng kanyang ama.

Hindi niya alam kung anong nangyayari pero sobrang saya niya, parang panaginip ang lahat at ayaw niya nang magising pa.

"Oh tama na! Kumain ka na at maaga ka pa sa school!" Narinig niya ang boses ng ina, kakalabas lang ito ng kusina kasama si Manang Krystal. Kapwa silang nakangiti habang hawak hawak ang umagahan.

"Ciello, dito ka sa tabi ko.." Tumingin siya kay Anabella na nakaupo sa tapat ng kanyang ama, dali dali naman siyang umupo sa tabi nito at inantay ang mga pagkain.

"Huwag mong uubusan ate mo ah!"

"Sinong ate?" Tanong niya, nakakatitig ang lahat sa kanya na para bang nagtataka.

"Ate Anabella mo."

Napatingin siya sa kanyang katabi at nasilayan niya ang ngiti nito, ramdam niyang may mali pero pinasawalang bahala niya muna. Gusto pa niyang maging masaya, kahit ngayong araw lang.

Habang kumakain isang babaeng kaedad ng kanilang mga magulang ang pumasok sa hapag kainan, medyo sosyal ang pananamit nito at mukhang kagagaling lang sa abroad dahil na ein sa maleta na dala dala niya.

"I'm backkk! Wheres my pamangkins?"

Hindi kilala ni Ciello ang babaeng kaharap niya pero para bang may hinala na siya kung sino ito.

"Hahaha kain ka muna, Charmelle mukhang gutom ka.." Sabi ng kanyang papa.

Umupo ang babae sa isang bakanteng silya na nasa tabi niya, kinindatan siya nito bago magsimulang magkwento. Tinitigan niya lang ito at napansin na may hawig siya sa papa niya. Maganda, Mestiza at hindi pansin ang katandaan nito.

"hahaa gandang ganda ka naman, pamangkin.."

Napatikhim siya ng maramdaman ang hiya. Pagkatapos nilang kumain ay agad siyang hinatid ng kanyang tita sa Campus, habang nasa kotse ay pinagmamasdan niya ang lahat ng nadadaanan nila.

"Tita..."

"Yes darling?"

"Ano po nangyari sa inyo at ngayon ko lang po kayo nakita?"

"Hahaha i just went abroad.."

Tumingin siya sa rearview mirror at nabigla siya nang biglang mag-itim ang mata nito, kumurap siya at bumalik ito sa dati.

"Nandito na tayo.."

Pagkalabas niya ay nandoon si Nicole, kinakawayan pa siya habang naglalakad siya palapit dito. Napansin niya rin si Ma'am Fuentes na binabati ang mga estudyanteng papasok, ibang iba sa nakagisnan niya.

"Good Morning ghorll!"

Naging perpekto ang kanyang buong mag-araw, halos wala ngang naging kamalasan. Sa bawat taong dadaanan niya ay may ngiti ito sa labi, libre rin ang pagkain sa cafeteria na ikinataka niya.

Naalala niya ang nangyari kay Nicole pero inalis niya muna ito sa isip niya dahil sobrang saya ng naging araw na parang ayaw niya na bumalik sa katotohanan.

Pagkauwi sa bahay ay sinalubong siya nang nagtatawanan sa salas, nandoon ang kanyang ama, ina at nakakabatang kapatid na si Kyzer. Nandoon rin ang ate niyang si Anabella..

Nanuod sila ng movie hanggang mag alas dose, nag paalam na ang dalaga kasama ang kanyang ate para matulog. Nagulat siya nang sinabi ni Anabella na doon siya makikitulog sa kwarto niya, pumayag siya dahil marami siyang gustong itanong.

"Bakit ang saya ng araw ko?" Bungad niya nang makapag ayos na sila ng bagong kapatid niya.

Nakasuot ito ng bestida at nakalugay ang buhok, kapansin pansin ang ganda at hubog ng katawan.

"Kasi diba ito ang gusto mo?"

"H..Huh?"

Lumapit ang dalaga sa kanya, nakangiti ito at umupo sa tabi niya.

"Naalala mo ba yung hiniling mo sakin na ibalik ang lahat?"

"H..Hindi ko maalala.."

"Yung nalaman mong patay na silang lahat at ikaw na lang ang natitirang buhay kaya naisip mong humiling sa akin para maibalik sila.."

Nanatiling nakatitig si Ciello kay Anabella, nagulat siya ng maging itim ulit ang mata nito pero sa pagkakakurap niya ay nawala agad. Sakto naman ang pagtunog ng phone niya at nakita niya ang message ni Cyrill.

From: Cy
Ate.. nakita ko bangkay ng mama mo sa bahay ni mama.. ate patay na silang lahat..

Nanginginig ang kanyang kamay nang mabasa ang txt ni Cyrill, nagawi ang kanyang mata kay Anabella at nakangiti pa rin ito sa kanya.

"So peke lang lahat ng ito?"

Tumango si Anabella at tumayo, may kinuha ito sa aparador pagkatapos ay iniharap sa kanya.

"Hindi naman sa lahat ng oras ay magiging peke ito eh, gagawin kong totoo ang lahat kung gagawin mo gusto ko.."

Hindi siya agad nakapagsalita, nanatili lamang siyang nakatingin sa kahon na iniharap ni Anabella. Ano naman ang gusto nito?

"Ano ba gusto mong gawin ko?"

"Buksan mo to.."

"Ano? hindi kita maintindihan.."

Natawa ang dalaga at muling tumingin sa kanya, nakakatitig lang ito at mukhang inaantay amg sagot niya.

"Ibabalik ko lahat ng gusto mo, ibabalik ko lahat ng kinuhang buhay ng kahon.. basta buksan mo ito"

Ibinigay ni Anabella ang susi sa kanya, nalilito man ay pilit siyang nadesisyon.

"Ano na?"

Nanginginig ang kanyang kamay nang ipinasok ang susi sa butas, pagkabukas ay bigla siyang nilamon ng liwanag.

Anabella ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon