CIELLO'S POV
NAGISING ako sa katok ng pinto, binuksan ko iyon at tumambad sakin si Kyzer, namumutla ito at nanginginig.
"What's wrong, Kyzer?" Tanong ko,
tumingin ako sa orasan at alas tres pa lang ng madaling araw."Babi and I wants to sleep with you, ate" Saad niya sa akin, hindi pa rin matigil ang panginginig niya kaya nag-alala ako. Chineck ko ang temperature niya dahil baka nilalagnat ito.
Bakas ang takot sa kanyang mukha habang yakap yakap ang kanyang laruan, kaya agad ko na siyang pinapasok.
"I'm scared, Ayaw ako patulugin ng friend mo ate" Umakyat siya sa kama ko at humiga, niyakap niya ko habang mangiyak-ngiyak.
Nagtataka naman ako at medyo kinakabahan, nung isang araw pa kasi yung sinasabi niyang kaibigan ko.
"Ano hitsura nung friend ko baby?"
"Well, Maganda siya ate pero she's scaring me" Buti naman at hindi sunog dahil literal talaga akong magpapa-albularyo pag nagkataon.
Sino kaya ang tinutukoy niya?
Humiga ako sa tabi ni Kyzer at kinantahan siya hanggang sa makatulog, napansin kong parati niyang nakikita lahat nang nararamdaman ko.
Sana ay hindi makaapekto ang mga nangyayari sa kapatid ko..
*************
4:01 am
Hindi pa rin ako makatulog, paikot ikot na ko sa higaan pero wala pa rin. Gusto ko nang iuntog sarili ko dahil inaantok na ko pero pag pinikit ko naman ay nawawala..
Hindi ko mawari saan nagsimula lahat ng kakaibang nangyari. Maybe because of that key, or maybe because of that book. Simula kasi ng nasa kamay ko ang mga bagay na iyon ay tila marami nang nangyari.
Buti na lang at naibalik ko na kay Nicole.
Hmmm? Ano na kaya nangyari dun?. Tutal ay hindi na rin naman ako makatulog ay naisipan kong tawagan ang kaibigan ko, kinuha ko ang cellphone sa side table.
Naaninag ko ang katabig libro nito, wala naman akong maalala na nagbasa ako kahapon kaya tiningnan ko kung ano ito--- puta! Bakit nandito to?! Hindi! Naibalik ko na to!
"Ciello"
Tumingala ako at nakita ko na naman. Naluluha ako habang tinitigan ang babaeng nasa harap ko.. Ayoko na... Tama na!
Ang kanyang sunugang balat ang halos sa akin ay magpasuka, hindi lang kasi ito literal na sunog dahil may mga balat ring natutuklap at sa tuwing nagsasalita ito ay natatanggal.
Hindi.. Hindi ito totoo..
Kahit nanginginig ay pinili kong tumayo, ayokong magtatakbo dahil siguradong magiging si Kyzer. Ayokong makita ni Kyzer ang pesteng babae na ito.
Mahinahon akong lumabas at naglakad papuntang balcony, nakita ko pa rin ang babae sa peripheral vision ko pero hindi na ko lumingon.
Kahit walang lakas ang buong katawan ko ay sinubukan kong tawagan si Nicole. Gusto kong malaman niya na ang lahat..
"Yesss ghorl? 4 am palang ng umaga? Don't tell me hinahunt ka na diyan ni Tita" Saad niya sa kabilang linya.
Hindi ako mapakali at hindi ko alam anong sasabihin ko.
"No, Naibalik ko na sa iyo yung susi at libro diba?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Anabella ✔️
Horror"Sometimes the people seen as holy are quite deceiving.." A horror story by: Maurence Geremillo Published: April 29, 2020