CIELLO'S POV
Sissy! Buti naman at okay ka na. I really thought nabaliw ka din katulad ni Tita" Pagpasok ko pa lang ng classroom ay sinalubong agad ako ng yakap ni Nicole, I miss her.
"Ano ba kasing nangyari sa tita mo?" Tanong ko. Simula nang makuha ko ang susi ay kung ano ano nang nangyari sa kay Ma'am Fuentes at sigurado akong may malaking koneksyon gamit na iyon.
Nawala agad ang kanyang ngiti at napalitan ng panlulumo.
"Wala na si Tita" Sagot niya.
Patay na si Ma'am Fuentes? Pero paano?
"Patay na si Ma'am?"
Yayakapin ko na sana siya ng bigla niya akong binatukan, hindi ko expected ang ginawa niya kaya parang nabigla ulo ko. Ano bang problema ng babaeng ito?! Kasasabi niya lang na wala na si Ma'am Fuentes tapos ako tong nakikiramay ay galit na galit na siya.
"Hindi! Hindi lang talaga namin alam kung nasaan siya. Sinugod namin siya sa San Lazaro kahapon, kaso kinagabihan wala na siya sa room niya. Nakita namin sa cctv na tumakas siya ng hospital, bobo nung mga nurse hindi pinigilan".
Ano bang nangyayari kay Ma'am?.
"Nicole, gaano kaimportante yung susi?"
"Ewan ko, ako ba si Tita?"
Nilapag ko sa desk niya ang susi ni Ma'am Fuentes. Kinuwento ko sa kanya ang kakaibang nangyari sa akin, nung mga nakaraang araw.
Tila gulat na gulat siya habang sinusuri ang susi pero pareho kaming walang alam para saan ito.
"This would be interesting! Lupet nun, If we find out ano ba talaga purpose netong pesteng susi na ito para na tayong mystery buddies if ever! Yieeee" May pakilig kilig pa niyang saad sa akin.
Napailing na lang ako, mas magandang malaman namin kung ano ang purpose ng susi para naman malaman ko kung anong dahilan sa mga kakaibang nararamdaman ko lately.
Pagkatapos ng klase, sinabi ko kay Nicole na antayin niya ko sa exit ng school. Dadaan kasi ako sa headquarters para magsorry kay Hans at pati na rin yung magpaalam para sa leave ko ng ilang araw.
Nang malapit na ko sa headquarters, napansin kong nakaawang ang pinto kaya hindi na ko nagatubiling magantay at agad akong pumasok.
******************
"Shit, Hans.. Ugh!" Ungol ng isang babae pagkapasok ko.
Tumambad sa akin si Ashley na walang pambaba at si Hans na nilalamutak ang kanyang pagkababae. Agad akong tumalikod at lumabas ng kwarto dahil sa kahihiyan.
Ilang minuto pa ay lumabas si Hans na parang pugad ang buhok sa sobrang gulo, napangisi ito na para bang dapat ako pa ang mahiya sa ginawa niyang milagro.
Tumingin ako kay Ashley pero hindi ito makatingin sa akin at mukhang hiyang hiya sa kung ano mang nakita ko kanina. Mahiya ka talaga..
"Oh? Bakit ka nandito?" Bumalik ang atensiyon ko kay Hans, nakangisi pa rin siya hanggang ngayon.
Nabibwiset ako sa mukha neto..
"Gusto ko sanang magsorry about dun sa hindi ko pagdalo nung sabado, sinugod kasi ako sa hospital ni Mama. And I'll ask for a leave, Mr. President. May mga kailangan kasi akong asikasuhin."
Nakatingin lang sa akin si Hans. Kilala ko ito, binabasa niya ang galaw ko. Siguro iniisip neto ay magleleave lang ako dahil tinatamad ako pumasok.
"Fine. Bakit ka sinugod sa hospital?" Lumambot ang boses niya at ramdam ko ang pag-aalala.
"Basta. Thank you for your consideration. Aalis na ko" Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako.
"If there is something you need, nandito lang ako para tumulong. Ma. Ciello Flores."
"Hindi mo naman kailangan sabihin full name ko, Jedrick Hans Ramos"
Nginitian niya ako saka binitawan. Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang exit para salubungin si Nicole.
"Cieeellooooo!" Rinig ko ang sigaw ni Nicole, nagulantang ako sa lakas ngunit agad kong sinundan saan nanggagaling ang boses.
Malapit sa exit ang office ni Ma'am Fuentes kaya tumakbo ako papunta roon dahil doon ko naririnig ang boses ni Nicole. Pumasok ako at tumambad sakin
Si Ma'am Fuentes..
********************
NICOLE'S POV
Napalibutan ng pulis ang campus, kasama ko si Ciello na ngayon ay nakatulala pa rin dahil sa nasaksihan niya kanina.
Pati rin ako ay hindi makapaniwala sa nangyari.
Paano magagawa ni Tita ang magbigti?
/FLASHBACK/
"AHHHHHHHHHH" nagcecellphone ako ng marinig ko ang sigaw ni Ciello. Agad kong hinanap ang kanyang boses at nakita ko siyang nakatayo sa harap ng office ni Tita.
Lumapit ako at nakita ko ang nakabiting katawan ni Tita sa ceiling. Makikita sa mukha ni Tita ang takot habang siya'y nakabitin.
Niyakap ko si Ciello, at tumawag ako ng pulis at ambulansya.
/END OF FLASHBACK/
Natawagan ko na si Mama at paparating na sila. Tinawagan ko na rin si Tita Charlotte, which is yung mama ni Ciello para naman masundo siya. Hindi ko alam ang dapat kong gawin, kasi hindi talaga mawala sa isip ko ang nangyari.
Namataan ko sa malayo ang malanding magshota, si Hans at Ashley.
"Baby! Ano bang nangyayari?" naka angkla pa si Ashley sa braso ni Hans na agad namang tinanggal nito.
"Stop calling me baby, hindi naman tayo" WEWS.
Baka masapak ko pa itong dalawa kaya tinawag ko na si Hans dahil hindi ko na maasiwa yung mga pinag gagawa nila. Kailangan ba talagang anytime, anywhere ay maglandian sila?!
"Nicole? Ciello?!" Sigaw ni Hans.
Tumakbo si Hans papunta sa amin at iniwan si Ashley na nagdadabog. Mukhang ayaw ni Ashley na lumapit si Hans kay Ciello, selos na selos naman ang gaga nang makita si Hans na alalang alala sa kaibigan ko.
"What happen to Ciello?!" Jowa ka te? Grabe reaction ah.
"Jowa ka? Jowa ka?" Asar ko.
Inirapan ko lang si Hans pero hindi ito alintana sa kanya.
"Nicole, si Ma'am" Tiningnan ako ni Ciello kaya nag-iwas tingin ako.
Ayokong makita ang takot sa mga mata ni Ciello lalo na't ako rin natatakot. Sino ba ang may galit kay Tita? Tsaka bakit magbibigti si Tita? Wala naman akong maalalang problemado ito nung mga nakaraang buwan..
"What happened?"
"Hans? Ano ba nangyari?"
Napasapo na lang ako, kapwa walang alam ang dalawang ito. Gusto ko sanang sabihin na hindi na nila business iyon at huwag na silang magtanong pa dahil wala naman silang maitutulong.
Mabuti na lang at dumating si Tita Charlotte kasama si Kyzer.
Kitang kita sa mukha ni Tita ang pagkabalisa, akala siguro niya ay may nangyari na kay Ciello. Nagawi naman ang tingin ko kay Kyzer, I know he might be upset to see his ate na ganoon ang kondisyon pero bakit parang alam niya ang nangyayari?
Nagsimula siyang umiyak habang tinuturo si Ciello-- no! hindi si ciello! Likod ni Ciello ang kamyang tinuturo, kapwa kaming nagulat at lumingon sa likod.
Oh.. Shit..
BINABASA MO ANG
Anabella ✔️
Horror"Sometimes the people seen as holy are quite deceiving.." A horror story by: Maurence Geremillo Published: April 29, 2020