II
INALIS ko ang luhang tumulo sa aking mga mata, ito ay pawang kasama na lamang sa aking alaala. Simula nang ikasal si Alfonso at Maria, ay nanirahan na ko rito sa kumbento. Isang dekada na rin ang nakalipas, siguradong sila ay may supling na. Wala na rin naman akong balita sa kanila dahil ang pagkakaalam ko ay dinala ni Alfonso ang aking kapatid sa probinsya.
Tumingin ako sa salamin at nasisilayan na ang bunga ng aking katandaan, hindi ko na dapat pinagkakaabalahan ngunit bakit parang ito pa ang dahilan kung bakit ako nauwi rito sa kumbento?
Napilitang ikasal ang aking kapatid kay Alfonso, dahil na rin sa ginawa nito. Nalaman kasi ni Ama ang nangyari lalo na't may nagsumbomg sa kanya tungkol doon. Pinatawad ko ang aking kapatid dahil alam kong hindi naman niya kasalanan, ngunit hindi ba talaga?
Dumating si Gregorio sa aming tahanan, isang buwan pagkatapos ikasal si Maria at ang aking dating kasintahan. Natuwa si Ama ng siya'y dumating ngunit tila iba ang hanap ni Gregorio..
Naalala ko pa kung paano siya magalit nang mapagalaman niyang ang kanyang minamahal na si Maria ay ikinasal sa kanyang kapatid. Tunay na pareho ang aming nararamdaman, hindi niya rin ito nagawan ng paraan at winakasan na lamang ang kanyang buhay. Hindi niya rin kasi matanggap na ako ang ikakasal sa kanya.
Kinuha ko ang isang puting panyo mula sa aking lamesita, kinuha ko rin ang krus na nakadikit sa pader ng aking silid.
Tumingin muli ako sa salamin..
Obligo animam meam in commutatione pulchritudinis, Commutare animum praebeo aeternae iuuentutis,
Et non opus est laudare Deum,(I Offer my soul in exchange of beauty,
I offer my soul in exchange of eternal youth,
I no longer need to praise God)Kinuha ko ang kutsilyo at sinugatan ang aking daliri. Pinatulo ito sa panyo at ipinunas ang panyo sa aking mukha. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang anghel na kumalaban sa Diyos.
Lucifero..
Pinunas ko ulit ang panyo at nakita ko kung paano ulit bumata ang aking mukha, ang mga bakas ng katandaan ay nawala.
******************
NAGISING ako ng may kumatok sa aking silid.
"Madre Sofia may gustong bumisita sa iyo.."
Nag-ayos ako at sinalubong ang aking mga panauhin, isang babae na may hawak na sanggol at may akay na batang babae.
Maria..
Matamis na ngiti ang sumalubong sa akin, ang kanyang mata ay umaapaw ng luha.. Tila ang saya niya na makita ako
Ngunit bakit hindi ganoon ang nararamdaman ko?
"Anabella, ipinakilala ko sa iyo ang kapatid ko"
Lumapit sa aking ang batang babae at nagulat na lamang ako ng ako'y kanyang yakapin.
"Ano po pangalan niyo po?" Tanong ng batang babae sa akin, umupo ako upang kami ay maging magkasingtangkad. Ngumiti ako sa kanya at nagpakilala...
Walong taon ang nakalipas..
Ako ay nagsilbing guro ni Anabella hanggang siya ay mag labing walong taong gulang, tunay na naging malapit ang kanyang loob sa akin ngunit hindi ganoon ang aking nararamdaman..
Sa tuwing nakikita ko siya ay nakikita ko si Alfonso, hindi ko mawari kung bakit sa tagal ng panahon ay hindi pa rin mawala ang sakit na aking nararamdaman.
Mali ang magtanim ng galit ngunit hindi ko maalis ang mainis sa kung paano naging masaya ang kanilang buhay."Madre Sofia, iniimbitahan ka ni Gobernador Fuentes para sa kaarawan ng kanyang anak na si Binibining Anabella"
Kinuha ko ang sulat, siguradong magkikita kami ni Alfonso, bagama't ako ang guro ni Anabella, kailanman ay hindi bumisita siya bumisita rito.
Ilang linggo ang nakalipas at kaarawan na ni Anabella, pagpasok ko ng kanilang hacienda ay namangha na lamang ako sa ganda. Ang kasiyahan ay hindi lanang sa loob ngunit ang kapaligiran ay namumukadkad sa kaligayahan.
Ang puso ko ay napuno ng inggit, kung ako kaya ang nasa katayuan ng aking kapatid? Magiging ganito rin kaya ang buhay namin ni Alfonso?
Bumaba ako ng kalesa at pumasok sa kanilang tahanan, sumalubong sakin si Maria, kasama ang kanyang bunsong anak.
"Magandang gabi, kapatid. Halika na sa salas, para makita mo si Anabella" Anyaya ni Maria.
Ngumit lang at pumasok, maraming bisita ang nag sidalo sa kaarawan ng kanyang anak, napapaisip na lamang ako kung ganito rin ang magiging kaarawan kung nagkaroon ako ng anak.
Hindi ko namalayan sa aking pagmamasid na mayroon na pala akong nabangga..
"Sofia?"
Ang boses na iyon, hindi ako nagkakamali.
"A..Alfonso?"
Nanginig ang aking tinig, labingwalong taon kong hindi nasilayan ang kanyang mukha. Kakikitaan siya ng katandaan ngunit hindi pa rin nawawala ang taong minahal ko noon pa man.
"Magandang gabi, Madre Sofia. Inaantay ka na ni Anabella, pag pasensiyahan mo at hindi kita makakausap pa ng mas matagal, inaantay ako ni Heneral Flores" Pamamaalam niya.
Ilang lang segundo ay agad siyang lumisan, tila ako'y kanyang iniiwasan.
Makalipas ang kalahating oras, inanyayahan ang mga bisita sa hapag-kainan. Habang ang lahat ay kumakain, ang puso ko naman ay nilalamon ng inggit. Paano ko ba ito matatanggal?
Nahuli ko ang titig ni Heneral Flores sa akin.. Alam ko na ang solusyon
Habang nagtatagal ang gabi ng kasiyahan, mas lalong napupuno ng kapighatian ang aking puso, galit ay umaapaw rin sa aking mga kalamnan. Hindi pwedeng tumayo lang ako rito at hayaan silang sumaya!
Nahuli ko ulit si Heneral Flores na nakatitig sa akin, lumapit ako sa kanya at ngumiti.
"estás disfrutando la fiesta?" (Are you enjoying the party?)
"No, todavía no he encontrado el plato principal." (No, I haven't found the main course yet)
Makailang sandali, natagpuan ko ang sarili sa mga labi ng heneral. Bagama't ako'y madre, kailangan kong patulan ang kanyang kahayokan.
"Déjame violar ese cuerpo tuyo" (Let me ravish that body of yours) Pinigilan ko siya at ngumiti.
"Hazme un favor primero" (Do me a favor first)
"¿Qué es?" (What is it?)
"Derriba a esta familia" (Bring this family down)
BINABASA MO ANG
Anabella ✔️
Terror"Sometimes the people seen as holy are quite deceiving.." A horror story by: Maurence Geremillo Published: April 29, 2020