Chapter XIX

187 95 26
                                    

CIELLO'S POV

Nagising ako sa kalabit ng isang pari, mukhang nag-alala ito sakin kaya sinubukan kong tumayo.

Shit. Hindi ko magalaw.

"Hija, bakit ka nandito? Sino kasama mo?" Tanong nito.

Inalayan niya kong tumayo at dinala sa labas. Naabutan ko si Jesse, Cyrill at Nicole.. lagot na.

"Pasensya na po talaga, hindi po kami pumunta dito para magnakaw" Ngumiti ito sa akin na mukhang alam niya bakit kami nandito..

"Hinahanap niyo ba si Anabella?" Tanong niya, pare-pareho kaming napatunganga sa kanya, Bakit niya kilala si Anabella?

"Nako hija, hindi ko magagawang sabihin sa inyo kung nasaan siya. Hindi mo dapat pinagtangkaang kuhanin ang kahon dahil hindi mo hawak ang susi. Siguradong babagsak ka lang sa kamay niya.."

"Ano po ang kailangan naming gawin?" tanong ni Nicole.

"Hanapin niyo muna ang susi, isa sa inyong angkan ang may hawak neto" sino?

Tumingin ako sa mga kasama ako at pati rin sila ay nakatitig sa akin, iniisip ko talaga kung sino ang may hawak neto.. Baka si..

Humarap ako sa pari ngunit wala na siya doon, agad kaming umalis sa Cathedral dahil siguradong mahuhuli talaga kami ng mga tao dito lalo na't maguumaga na.

*************

HINDI man namin nagawan ng paraan, pero sigurado akong ang tinutukoy na susi ng pari ay yung susi na hawak ni.. Mama..

"Sigurado ka ghorl?" Tanong sa akin ni Nicole, nag-iimpake kami ngayon para bumalik sa Manila. Tatlong araw na kaming nandito kaya kailangan na namin umuwi, siguradong hahanapin na si Nicole ni Tito Albert.

"Oo, si Mama lang ang alam kong may kaparehong susi katulad nung sa tita mo" Hindi ako dapat magkamali, dalawang linggo na lang ang meron ako.

Dumating kami sa Manila pasado alas tres ng hapon, naabutan ko si Mama sa kusinang nagluluto. Hindi niya ata kami napansing pumasok kaya dumiretso na kami sa kwarto.

"So paano mo hihingiin sa nanay mo yung susi? Eh wala nga siyang alam na minumulto na tayo eh" I know Mom, tutulungan niya kami.

"I trust Mom, Nicole."

Pumasok si Kyzer sa kwarto at may dala-dala itong libro. Inabot niya ito sakin at hindi ko alam kung paano niya ito nakuha..

"Ate, I don't understand anything.. Pero ate I like the map" Saad niya.

Huh?. Nagulat ako nang hinablot ni Nicole sa akin ang libro, halos mapunit niya ang bawat pahina hanggang sa may tinuro siya.

"Bitch! This would help us!"

Sa pinakahuling pahina ay mapa ng isang lugar. May mga nakadrawing na ekis at simbolo, pero ang kumuha sa aking atensyon ay ang mga pangalan..

"Nakalimutan kong sabihin sa iyo, As I was researching.. Ang mga labi nila ay nilagay sa jar, malaking jar ah! Then ipinaghiwa-hiwalay ito ng mga pari nung ililibing na nila. To prevent the spirits in taking revenge.."

"Ohh?" Winagwag ako ng winagwag ni Nicole, I don't really get it.. Para saan pa ang dybbuk box kung pinaghiwa-hiwalay rin naman nila?

"GOSH! Ibig sabihin.. Hindi lang box at susi kailangan natin.. Sige isipin mo! Anong gagawin natin pag nakawala kaluluwa ni Anabella? Titigan lang ganun?" Tumayo siya at kumuha ng whiteboard tsaka marker sa desk.

Nagdrawing siya ng triangle, bawat sides ay nilagyan niya ng label. Key, Box, Body. Sa loob ng triangle ay nilagyan niya ng Nun..

"We are literally, fighting against a demon.. Hindi lang spirit to.. If we need to double kill the bitch kailangan natin ng katawan niya. Kasi hindi lang yung dybbuk box yung naghohold kaya kahit sirain natin iyon hindi pa rin tayo titigilan.. You know what I mean"

**************

KINAGABIHAN ay umuwi na rin si Nicole, dinala niya ang susi at natira sa akin ang libro. Halos kalahating oras na rin akong nakatitig dito kasi siguradong hindi na rin katulad ng mapa ang mga lugar ngayon..

"Anak, baka matunaw iyan"

Nagulat ako ng kinalabit ako ni Mama, may dala siyang tray ng pagkain at nilapag niya ito sa tabi ko.

"Bakit ba sobrang ginugugol niyo ni Nicole ang oras niyo para diyan? 2 weeks ka nang absent simula nung sinugod ka namin sa ospital" Tanong sa akin ni Mama.

Hindi agad ako nakasagot at hinayaan ko lang si Mama na tingnan ang libro.

"Alam mo nak, meron din ata tayo neto eh" Agad umalis si mama ng kwarto, maya maya pa ay may dala siyang libro na halos kapareho ng hawak ko.

"Curious din ako diyan kasi kasama yan dun sa susi na binigay sakin ng papa mo" Shit, yung susi nga pala..

"Ma.."

Tumingin si mama sakin, dapat ko bang hingiin sa kanya yung susi?

"Ma, alam ko pong importante yung susi na binigay sa iyo ni papa.. kaso pwede ko ba mahiram?" tinigil niya ang paguusisa sa mga libro.. mukhang nag-aalangan siya.

"Ma I know it is something special for you, but I badly need it"

"Sige, pero kailangan kong malaman saan mo gagamitin"

Hindi na ko nag-atubili pa at isinalaysay ko kay Mama ang lahat ng naranasan ko simula nung dumating sa akin ang susi at libro. Kung paano ako nakapunta sa panahon ni Anabella at kung paano ko nakilala ang may sanhi ng lahat..

Sa una ay hindi naniwala si Mama, pero nang sinabi kong mayroon na lamang akong dalawang linggo para mahanap ang sagot dahil siguradong mamamatay o mawawala ako sa oras na tumuntong ako sa labingwalong taong gulang..

Nag-paalam si Mama para kuhanin ang susi, ako naman ay nanatiling nakatitig sa dalawang libro na nasa harap ko. Nakita ko rin ang mapa sa likod ng libro na hawak ni mama..

Wait..

Ipinagdikit ko ang libro at may napansin ako.. Iisang mapa lang ito, dinugtong ko ito at tamang tama ang pagkakadikit nila. Mas naging malinaw ang detalye sa mapa..

Anabella ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon