Chapter VII

265 147 60
                                    

CIELLO'S POV

NASA sala kami ngayon ni Nicole, nagsisimula kaming magresearch about sa background ng great grandmother niya. Pinipilit niya sa akin na ito ang dahilan nang mga nangyayari, pero ramdam kong may mali.

Hindi namin matanong si Tito Albert dahil wala rin naman siyang masyadong alam tungkol dito, tsaka mas maganda hindi na kami mang-damay nang iba dahil sa oras na may mangyaring masama ay ayaw naming makapahamak.

Napapaisip nga ako ei.. Napaka tagal na panahon na iyon, kaya bakit hindi pa rin natatahimik ang kaluluwa ni Anabella? Ano bang kasalanan namin?

"Mukhang busy kayo ah"

Lumapit sa amin si Manang Krystal dala dala ang meryenda. Nakangiti itong bumungad sa amin, sabay kuha naman ni Nicole sa dala ni Manang Krystal bago bumalik sa laptop.

"Research Project ba yan? mga hija?" tanong ni Manang.

Umiling lamang ako at pinakita sa kanya ang libro ng Hidden History. Matanda na si Manang Krystal at alam kong mapagkakatiwaalan ko siya pagdating dito, namangha ang kanyang mga mata at mukhang pamilyar sa kanya.

"Alam mo bang ito ang matagal nang hinahanap ng Lola mo?" Saad niya.

Nagulat ako sa aking narinig, anong pakay naman ni Lola sa librong ito? Lumihis ang atensyon ni Nicole dahil nagsimulang magkwento si Manang Krystal.

"Apat na taong gulang pa lamang ako noon at ang iyong ama ay kapapanganak pa lamang. Parati akong sinasama ng nanay ko rito sa bahay niyo. Mahilig akong pumunta at sumama sa paglilinis, kaya isang araw aksidente kong nabuksan ang kwarto ng lola mo. Mayroong nakapaskil sa kanilang pader, Parang mga lugar, tsaka mga punit punit na pahina sa Diyaro. Nakita ko ang ganyang libro sa mga larawan na iyon" Kwento ni Manang.

Ano kaya ang ibig sabihin noon? Magkakakonekta ang pamilya namin noon pa lamang?

"Maybe, ninuno mo si Heneral Flores kasi nga dibaaaaa Flores ka ren. Slow mo gurl"

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Nicole, kailangan ko lamang ay maitigil ang mga pangyayari ngayon, dahil siguradong hindi lang si Ma'am Fuentes ang mawawalan ng buhay kung hindi namin ito mareresolba.

"Manang, alam mo ba kung saan nakatago ang mga gamit ni Lola?" tumango ito at tumayo, hinatak ko si Nicole para sumunod kay Manang.

Dinala niya kami sa Attic, at pinakita ang isang baul. Naka ukit dito ang pangalan ni Lola. Ngayon ko lang ito nakita dahil hindi naman ako parating pumupunta dito, lalo na't hindi nalilinis ang bahaging ito ng bahay.

"Teresita Flores"

Binuksan ko ito at namangha ako sa iba't ibang uri ng gamit na nakalagay. Mula sa damit, alahas, libro atbp.

"Iyan ay pinatago ni Sir Liam bago siya mawala" Si Papa?

"Alam ba ito ni Mama?" Tanong ko.

Umiling ito at ngumiti. Bakit tinago ni Papa ito kay Mama?. Naguguluhan na ko sa mga pangyayari. Hinalukay ko pa ang baul at hindi ko nahanap ang magbibigay impormasyon sa amin tungkol sa Hidden History.

"Siguradong sinunog na iyon ni Sir Liam" Suhestyon ni Nicole.

Ano ba ang koneksyon ng pamilya namin sa mga pangyayari? Bakit nila hinahanap ang librong nasa akin?

Bumaba kami sa may salas, at binantayan kami ni Manang habang kami ay nagreresearch. Dala dala niya ang diary ni Lola st sinimulan niya itong basahin dahil baka sakaling may mahanap siyang clues tungkol dito.

"Alam mo girl, hindi ko talaga mahanap yung karagdagang information tungkol kay Anabella Fuentes. Bukod sa Anak siya ni Alfonso Fuentes at Maria Fuentes, tapos pinatay siya sa dahil na rin siya raw ang dahilan ng sunod sunod na pagkawala at pagkamatay ng halos limampung dalaga sa Manila..... hmmm.... so Cannibal siya? Witch?" Tanong ni Nicole.

"Witch"

"Eh feeling ko naman wala siyang kasalanan dun, ghOrrrl ano naman gagawin niya sa limampung dalagang iyon? Iinumin niya dugo? Iaalay niya sa demonyo? Judgemental naman kasi mga tao noon. Naloloka ako! Kung hindi naman kasi nila binigti edi sana happy life tayo! Beastmode ako Ghorlll! Gusto kong bumalik sa nakaraan tas sabunutan si Heneral Flores!"

"Hija, sabi rito kaya hinahanap nila ang libro para mawala na rin ang sumpa" Singit ni Manang, natigil sa pagwawala si Nicole at lumihis ang atensyon sa kanya.

Anong sumpa?

"Nakalagay rito, Ayaw niya raw mawala si Charmelle, dahil sa oras na magdalaga ito ay mamamatay rin katulad ng nangyari sa kanyang kapatid"

"Hala? May tita ka ghOrl?"

"Hindi ko alam kung bakit dumadaloy sa dugo namin ang sumpa, kailangan kong mahanap ang libro bago pa man dumating sa ikalabing walong kaarawan ang aking anak na si Charmelle, Ayokong matulad siya sa aking kapatid" Binasa ni Manang Krystal ang nakasaad sa Diary.

So Tama nga? May Tita ako? Siguradong hindi niya ito nahanap dahil wala akong nakagisnang kapatid ni Papa.

"Nako girl, mag eeighteen kaaa naaaaaaa!" Sabi sa akin ni Nicole habang winawagwag ako.

Kinabahan ako bigla, mag eeighteen na ko sa susunod na buwan, ayokong malaman kung paano nawala si Tita Charmelle dahil siguradong pag nalaman ko iyon ay wala na ko.

"Manang, may kakilala ba kayong makakatulong sa amin?" Naguluhan siguro si Manang sa tanong ko.

"Hinahunting po kasi kami ng ghosst, may kakilala po ba kayong ghostbuster? este makakatulong sa amin para makausap namin yung multo?" Tanong ni Nicole.

Natigilan si Manang, tumayo ito at pumunta sa kanyang kwarto. Ilang minuto namin siyang inantay at may dala dala itong sulat.

"Tawagan niyo ang numerong ito, Baka makatulong si Manong Saguinsin. Siya ang kilalang albularyo sa amin. Siguradong may alam tungkol sa pakikipagusap" Binigyan niya ako ng isang kapirasong papel na may numero.

Tumango ako at tumayo na si Manang Krystal para magsimulang maglinis.

*****************

KINAGABIHAN ay natulog si Nicole sa kwarto ko, ayaw niya raw matulog sa guest room dahil baka pakitaan daw siya ng multo. Hindi ako makatulog kaya pumunta ako sa balcony para magpahangin. 

Napaisip kasi ako, kung dumating man ang kaarawan ko at hindi namin naresolba ang mga pangyayari.

Mawawala rin kaya ako? Anong sumpa ba ang hatid ng libro sa aming pamilya? ninuno ko ba talaga si Heneral Flores?

"Ciello"

Narinig ko na naman ang bulong, nagulat ako ng may humawak na malamig sa aking kamay. Tumingin ako sa isang babaeng mayroong tali sa kanyang leeg ang nagpakita sa akin.

"Wala akong kasalanan"

Tumitig ito sa akin at hindi ko magawang gumalaw, hinawakan nito ang pisngi ko at ngumiti. Maamo ang kanyang ngiti ngunit may bahid ng lungkot.

"Un alma es el pago por la codicia." At nawala na lamang ito bigla, hindi ako makagalaw at naramdaman ko na lamang ang pagkahilo.

Alam kong ilang minuto na lang ay mawawalan na ko ng malay. Umupo ako sa may upuan na nasa balcony namin dahil sigurado akong hindi na ko makakaabot sa kwarto. Ilang sandali pa ay nawalan na ko ng malay.

Kaluluwa ang bayad sa kasakiman....

Anabella ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon