Chapter XVI

175 91 22
                                    

THIRD PERSON'S POV

BAGAMA'T pinakiusapan ni Ciello na sumama si Manong Saguinsin papunta ng Cathedral ay tumanggi ito, mas gusto niya raw gabayan sila mula sa kanyang mga dasal.

Bumisita si Manang Krystal sa tahanan ni Manong Saguinsin, napag-alaman niya kasi ang plano ng mga bata. Natatakot man ay pinayagan niya rin si Cyrill dahil nagpupumilit itong sumama, ayaw niyang biguin ang anak ng kanyang amo kaya sa kalaunan ay hinayaan niya na lang ito sumama.

Dumating rin si Charlotte, ina ni Ciello at si Criselda, ina ni Nicole. Tinawagan ito ni Manang bago pa siya pumunta dito dahil ayaw niyang walang kaalam alam ang dalawa kung may mangyaring man masama sa dalawang bata.

"Ano ba ang nangyayari?!" Tanong ni Charlotte, ramdam sa kanyang boses ang panginginig at takot.

"H..Hindi.. Nalaman niya na.." Lutang naman si Criselda at parang nagsisisi sa kanyang ginawa.

"Ano ho bang nangyayari, Manong?" Nanatiling kalmado si Manang Krystal, puno na ng tensyon ang silid at ayaw niya ng makadagdag pa.

"Ang inyong mga anak, kasama ng anak ko ay nagpunta sa Cathedral. Madaling araw na mas magandang hintayin na lang natin sila kinabukasan." Kalmadong sagot ni Manong Saguinsin.

"Hindi! Hindi ako matutulog hangga't hindi ko nayayakap anak ko!" Tuluyan nang humagulgol si Criselda, gulong gulo sila kung bakit ganoon na lamang ang kanyang inasta.

Kanina pa kasi mula nang sila ay dumating ang pagiging lutang at may kakaibang kaba ang pinapakita ni Criselda, mukhang may alam ito sa pangyayari.

"Ano ba ang alam mo?" Tanong ni Manong Saguinsin, tumigil sa pag-iyak ang ina at gulat sa naging tanong niya.

"Namatay ang kapatid ko dahil sa pesteng susi na iyon.."

"Yun lang ba?" Tanong ulit ni Manong.

"Nung mga bata kami, alam kong isa samin ay magiging bantay ng susi. Ginawa ko ang lahat upang maging normal ang buhay ko, ginawa ko lahat para maging paborito ako ni Mama. Hindi ko inisip ang mangyayari sa kapatid ko dahil gusto ko lang na makapag-asawa at mag-kaanak." Pagkekwento nito.

"Binigay ni Mama ang susi kay Alyra noong nag labin-walong taong gulang siya, simula noon ay nagbago na ang ugali nito. Mas naging mailap at mas naging mapagisa.."

"Masaya ako dahil ako ang nanatiling normal, hindi ko na kailangang mabuhay na parang baliw at magkakaroon na ko ng masayang pamilya.. pero heto pagkatapos ng ilang dekada ay hinahabol pa rin pala kami ng sumpa.."

Nagsimula na namang umiyak si Criselda, puno ng pagsisisi ang kanyang mga salita. Takot na takot siya sa magiging kapalaran ng anak, ayaw niyang dumating sa oras na mawala ito dahil sa kanyang kasalanan.

"Alam ko na kung bakit.. sila ang pinili ni Anabella." Sagot ni Manong Saguinsin.

"Anabella? Anabella Fuentes? Nabuhay siya?" Sunod-sunod na tanong ni Criselda.

Tumango laman ang matanda, naguguluhan si Krystal at Charlotte sa pinaguusapan ng dalawa, wala silang kaalam alam sa mga nangyayari

"Pero.. pero bakit napasama ang anak ko?" Tanong ni Charlotte.

"Kasi siya ang hinirang.."

"Kasakiman ang naging dahilan nang pagkamatay ni Anabella, nagsimula sa kanyang angkan hanggang ngayon ay nanalaytay pa rin.."

"Hinirang si Ciello dahil nakikita niya ang lahat, konektado siya sa bawat pahina ng libro.. Hindi niya aksidenteng natagpuan ang susi ngunit ang susi ang nakatagpo sa kanya"

Anabella ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon