Chapter IX

252 136 48
                                    

ANABELLA'S POV

1772, Manila

"Ana, tulungan mo ang iyong ina sa kusina" Narinig ko ang tinig ni Ama sa labas ng kwarto.

Araw ng kaarawan ko ngayon kaya naman mas minabuti ni Ina na siya ang maghanda ng mga pagkain para sa kasiyahan.

Lumabas ako para tumungo sa aming kusina at inabutan ko si Inang nagluluto ng aking paborito... Adobo.

"Ina, ano pa po ang mga niluto niyo para sa akin?" Tanong ko, ngumiti siya sakin habang ihinuhulog niya ang mga rekados.

"Mayroong kaldereta at mechado akong ginawa anak, tawagin mo si Felicia para matulungan ako rito" Utos ni Ina.

Si Felicia ang aming katulong dito sa pamamahay, ang buong pamilya niya rin ay naninilbihan sa amin.

"Ano po iyon, Binibini?" Saad sa akin ni Felicia, ngumiti ito sa akin at tinuro ko si Ina, pinakiusapan ko siyang tulungan ito sa pagluto.

Lumabas ako sa salas at namataan ko ang mga bisita ni Ama. Lumapit ako sa kanya kung saan may kausap siyang tila isang heneral.

"Ana, ipinakikilala ko si Heneral Flores. Bagong Gobernador-Heneral ng Maynila, ipinadala siya ng Espanya rito at inanyaya ko siya para sa iyong ika labing walong kaarawan" Kwento sa akin ni Ama.

Ngumit si Heneral Flores sa akin at ako ay nagbigay galang sa kanya. Medyo may katandaan na ito ngunit makikita pa rin ang kagwapuhan sa kanyang mga mukha. Mistulang pansin rin ang kanyang kulay asul na mga mata.

"Buenas tardes mi señora"(Good Evening, My lady) Bati sa akin ng Heneral.

Nagbigay galang siya sa akin, iginaya ako ni Ama sa iba pa naming mga bisita.

Naroon rin si Felipe, ang aking kabiyak. Si Padre Dagohoy, Juanita at Madre Sofia. Sila ay mga importanteng tao sa buhay ko, kaya natutuwa akong naririto sila.

Lumapit ako kay Padre Dagohoy, siya ang nag gabay sa akin simula ng musmos pa lamang ako kaya tila isa na rin siyang parte ng Familia Fuentes.

"Padre, ikinatutuwa ko pong makita kayo sa aking kaarawan" Bati ko sa kanya, ngumiti ito pagkatapos ay may binigay siya sakin.

Isang susi..

"Ano po ito? Padre?"

"Iyan ay susi para sa regalo na ibibigay ko sa iyo, ngunit gusto ko ay ibibigay ko iyon mamaya pagkatapos ng salo-salo" Saad niya, pagkatapos ay nagpaalam siya at lumapit kay Ama.

Nagulat naman ako ng niyakap ako ni Juanita, ang aking matalik na kaibigan.

"Ana, hindi ko aakalaing dalaga ka na ngayon. Dati ay kasama lang kitang maglaro sa sapa, ngayon ay
malapit ka ng mag-asawa" Bungad niya sa akin.

Natawa lamang ako sa kanyang banat, itinakda na rin kasi kami ni Felipe ikasal sa katapusan ng buwan.

"Magandang gabi sa inyong lahat, narito tayo upang saksihan ang pagdadalaga ng aking anak na si Anabella Fuentes. Ang aking unica hija, maraming salamat sa lahat ng dumalo. Celebremos el cumpleaños de mi hija!" Agad pansin ang boses ni Ama.

Lahat ay tinaas ang kanilang mga baso ng alak.

Lumabas ako para tingnan kung naasikaso ng mabuti ang mga nagtatrabaho sa aming hacienda. Bagama't hindi sila makakapasok ay mayroon rin silang sariling selebrasyon.

"Binibini, Maligayang kaarawan" Tugon ni Mang Presko sa akin.

Siya ang pinaka matagal at matandang trabahador sa hacienda Fuentes. Tumango lamang ako at inutusan si Felicia na ilabas lahat ng para sa kanila.

Pumasok ako sa loob at sinalubong ako ni Felipe, may hawak siyang bungkos ng mga rosas.

"Maligayang Kaarawan, Mahal ko" Bati niya.

Abot tenga ang kanyang mga ngiti, ang kulay kayumanggi niyang mga mata ay tila nagliliwanag sa harap ng buwan.

"Maraming Salamat, Mahal. Pinasaya mo talaga ako." Iginaya ko siya sa salo - salo. Naroon si Ina, Ama, Padre Dagohoy, Madre Sofia, Juanita, Heneral Flores at iba pang nakikilala ko bilang kasama sa mga matataas na officiales.

"Feliz cumpleaños para la hija del gobernador Fuentes" (Happy Birthday for the daughter of Governor Fuentes) Umupo si Heneral Flores at nagsimula na ang salo - salo.

*********************

NAGISING na lamang ako sa pag katok ni Felicia.

"Magandang Umaga, Binibini. Ipinararating ng iyong ina na ikaw raw po'y maghanda para sa pagdating ni Heneral Flores" Rinig kong sambit ni Felicia bago umalis.

Ano kaya ang pakay ni Heneral?

Hapon na ng dumating ito, siguro ay dahil na rin sa dami ng kanyang mga ginagawa. Nakakasiguro akong importante ang pagkikita nila ni Ama dahil nagawa pa niyang sumadya dito.

"Buenas tardes,Gobernador Fuentes. Está lista tu hija?" (Good Afternoon, Governor Fuentes. Where is your daughter?)

Tumango lamang si Ama at iginaya ako ni Ina sa salas kasama sa kanilang pagpupulong.

"No somos culpables, general Flores." ( We are not guilty, General Flores)

Nawala ang ngiti sa mga mata ni Ama, anong sinasabi niya?

"Lo se mi amigo. Si concedes mi deseo, les diré que eres inocente. por cierto, ¿cómo estás mi señora?" (I know my friend, If you grant my wish then I'll prove them you're innocent. By the way, how are you my lady?)

Tumango ako at ikinagulat ko ang paghalik ni Heneral sa aking kamay, naglabas siya ng bungkos ng rosas at nagdala ang kanyang mga alipin ng iba't ibang handog. Mula sa alahas, saya, hanggang sa mga prutas at iba pa.

Hindi ko maintindihan...

"Iiwanan muna namin kayo ni Heneral Flores rito, anak. Mas magandang magkakilala pa kayong mabuti" Pagpaalam ni Ina.

Ngumiti siya at umalis kasama ni Ama. Hindi ko talaga maintindihan? Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasama namin ngayon ni Heneral.

"Eres hermosa hoy, mi señora" (You're so beautiful today, my lady) Ngiting tumitig sa akin si Heneral Flores.

Bakit parang tama ang kutob ko.

"General Flores, realmente aprecié sus regalos y todo, pero ¿por qué de repente?" (General Flores, I really appreciated your gifts and all. But why all of a sudden?) Tanong ko.

Nanginginig ang aking boses habang tinatanong si Heneral. Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.

"Tu padre y yo hicimos un acuerdo en el que nos casaremos" (Your father and I made an agreement in which I'll marry you)

"Disculpe por ser grosero, pero no aceptaré sus decisiones, general. Estoy dispuesto a alguien que amo!" (Excuse me for being rude but I won't agree to your decisions, General. I am arranged to someone I love!)

Sa sobrang pagkabigla, agad akong tumayo ako at akmang aakyat na sa kwarto ng hinawakan ng mahigpit ni Heneral Flores ang aking braso.

"No me desobedezcas, o pagarás!" (Don't disobey me or you'll pay) Nanlilisik ang kanyang mata sa inis.

"No soy un premio ni una marioneta, general. soy una mujer" (I am not prize nor a puppet, General. I am a woman!) Bulyaw ko.

Kumalas ako sa kanyang pagkakahawak at agad tumakbo paakyat sa kwarto.

__________________________________________

AUTHOR'S NOTE
THIS PART IS A PIECE OF MEMORY NI ANABELLA, I JUST WANNA GIVE A LITTLE BACKGROUND ABOUT HER LIFE.

Anabella ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon