THIRD PERSON'S POV
NAGISING si Ciello at naabutan ang isang babaeng sumasakal kay Nicole. Naabutan niya rin si Manong Saguinsin na nakasalampak sa lupa at si Jesse na malayo ang binagsakan.
Si Cyrill naman ay nakatulala lamang sa babaeng sumasakal kay Nicole, putlang putla ito sa takot kaya naman agad siyang tumayo.
"SOFIA CERVANTES!"
Agad lumingon ang babae sa kanya, tama nga si Felicia. Iba ang gumagambala sa kanila.
Lumapit ang babae sa kanya at kita sa mukha ang galit,ang mga mata nito ay nagaapoy, ang bulok na ngipin nito ay nangingitngit. Handang kainin siya ng buhay..
"Inosente si Anabella! Ikaw ang dahilan ng paghihirap ng Flores at Fuentes! Kasalanan ba namin na hindi ka pinili ni Ginoong Fuentes?!" Bulyaw niya.
Halos mabingi silang lahat sa pagpapakawala nito ng matinis na sigaw, lahat ay nagtakip ng kanilang tenga ngunit nanatili si Ciello na nakatindig at buong tapang na hinaharap ang babae.
"No sabias nada" (You knew nothing)
"lo se todo" (I know everything)
Agad tumakbo si Cyrill sa kusina at kumuha ng asin, tinapon niya ito sa babae na nagpakawala ulit ng matinis na boses. Inubos niya ang asin sa garapon at unti unting nawala ang babae.
"Ate Ciello, Ayos ka lang ba?" Tanong ni Cyrill.
"Kailangan nating makapunta sa Manila Cathedral.. Kailangan nating palayain ang kaluluwa ni Anabella"
Lumapit si Nicole sa kanila.
"Hindi ba't si Anabella ang napalaya natin?" Umiling lamang si Ciello at tinulungan si Jesse na makatayo.
Pumasok silang lahat sa bahay ni Manong Saguinsin, at ginamot ni Ciello ang bawat isa na may sugat. Awang-awa siya habang nakikita ang kanyang mga kasama na naghihirap, dahil sa sarili niyang kasalanan ay nakakadamay siya ng iba.
"Pasensya na ho at nasama pa kayo sa gulo ng aming pamilya"
"Obligasyon ko ang tulungan kayo, kaya huwag ka na mahiya sa akin."
Isang matamis na ngiti mula kay Manong Saguinsin ang nagpagaan sa loob ni Ciello.
Nagdesisyon sila na pumuntang Manila Cathedral ng gabi, sigurado kasing hindi sila papasukin sa pinaka ilalim neto kaya naman mas napagdesisyunan na lang nilang pumasok ng walang may alam.
Kailangan nilang mahanap agad ang kahon dahil siguradong hindi sila titigilan ng Madre.
"Sure ka ba na nandito?" tanong ni Nicole, tumango lamang siya dahil tandang tanda pa niya ang paglagay ng madre dito.
"Tingin ko hindi mo agad iyon makukuha" Opinyon naman ni Jesse, may dala itong asin at bawang na nakasabit sa kanyang balikat.
"Tingin ko ren, kasi tingin mo ba te titigilan tayo nung madreng sinasabi mo?"
Bagama't patuloy ang pag kekwentuhan ng kanyang mga kasama, napansin niya ang parang pamilyar na pigura malapit sa altar. Siya'y lumapit at napag alaman niya kung sino ang taong ito..
"F..Felicia?" Lumingon ang babae at siya'y nakakasigurado na si Felicia ito, ngumiti ang babae at nag simulang maglakad papunta sa may kurtina, sinundan niya ito.
Napunta sila sa isang kwarto, sa kwartong iyon ay tumapat si Felicia sa parang lampara na nakadikit sa pader. Ito ay nagliliwanag kung saan nagbibigay nang ningning sa kanyang mata.
"Hawakan mo, Binibini" Utos ni Felicia sa kanya.
Sinunod niya ang sinabi nito at nagulat na lamang siya ng magbukas ang pader kung saan kanina ay nakadikit ang lampara, lumantad ang isang hagdanan pababa. Madilim ang hagdanan at hindi naaninag ang ilalim.
"K..Kailangang malaman nila ito"
"Huwag mo na ipaalam, Binibini"
Nagtaka siya sa sinabi ni Felicia, ngunit ito ay kanyang sinunod. Naglakad siya pababa at nakita niya ang kanyang sarili sa isang madilim na silid. Isang pamilyar na silid, pinagmamasdan niya ang hitsura nito at napako siya sa kinakatayuan nang maalala niya..
"I..Ito nga.." Saad niya.
Lumingon ito para pasalamatan si Felicia ngunit hindi na niya ito nakita. Inalala niya kung saan nilapag ni Madre Sofia ang kahon ni Anabella.
"te encontre" (I found you)
Isang matinis na tinig ang umalingawngaw sa kwarto! hinanap niya kung saan ito nanggagaling ngunit mas lumakas ang tinig nito.
"Putangina!"
Dali dali siyang umakya sa hagdanan upang bumalik sa kanyang mga kasama, ngunit biglang may kumuha sa kanyang paa at hinatak siya pababa. Ang kanyang ulo ay sumalampak sa sahig dahilan para mawalan siya ng malay.
*********
NAGISING siya sa isang pamilyar na kwarto..
"Gising ka na pala" Isang pamilyar na mukha ang kanyang naaninag.
"Anabella"
Ngumiti ito at binigyan siya ng tubig. Ito ay kanyang kinuha at ininom. Napakaamo pa rin ng mukha nang dalaga, ngunit kapansin pansin ang ilang sugat na naghihilom at ang iba ay bago pa sa kanyang katawan. Mukhang galing ito sa pagkakalatigo.
Nasilayan niya rin ang leeg nito, bagama't may nakasabi na kwintas ay halatang halata pa rin ang nangingitim na bahid mula sa kanyang pagkakabitay, kung saan ang tali ay bumaon bago siya mamatay.
"Bakit mo gustong makuha ang kahon?" tanong ni Anabella, habang nakakatitig sa kanya. Hindi niya alam ang gagawin, hindi niya rin alam kung dapat ba niya itong pagkatiwalaan.
"Gusto ko kasing matigil ang sumpa sa amin" Tinitigan niya ito at kapansin pansin rin ang isang malaking hiwa na nasa kanyang pisngi, hindi siya kahindik-hindik pagmasdan. Nakakaawa nga sa katunayan..
"Sumpa? Sinumpa ko man ang pamilya niyo ngunit agad ko rin kayong pinatawad. Alam ko kasi sarili ko, na kailanman ay ayokong madamay ang magiging supling ni Heneral Flores ng dahil sa kanyang kasakiman" pagpapaliwanag ni Anabella.
"Ngunit, bakit sa tuwing tumuntong ang edad ng babaeng flores sa kanyang ika-labingwalong kaarawan ay bigla na lang itong nawawala" Natahimik si Anabella at tumayo, hinawakan niya si Ciello sa kamay at hinatak ito palabas ng kwarto.
Ngunit liwanag lang ang kanyang nakikita.
"Kailangan mo nang bumalik.." Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pagmamadali nito, hinatak siya ng hinatak hanggang mahawakan niya na ang liwanag.
"Pero.. Paano ko ititigil ang sumpa?"
"Sirain mo ang tanging alaala"
Naguguluhan siya sa huling sambitla ni Anabella, hindi niya alam anong alaala ang kanyang sisirain. Anong kinalaman nito kay Sofia? Anong kinalaman nito sa susi?
AUTHOR'S NOTE!!!
If may magtatanong anong ginamit kong language, Spanish po iyon.THANK YOU! Kasi nakaabot ka dito sa chapter ba ito, keep reading alam kong atat ka na rin malaman ano nangyari..
![](https://img.wattpad.com/cover/216815723-288-k767404.jpg)
BINABASA MO ANG
Anabella ✔️
Terror"Sometimes the people seen as holy are quite deceiving.." A horror story by: Maurence Geremillo Published: April 29, 2020