Chapter X

237 133 41
                                    

ANABELLA'S POV

1772, Manila

NAGISING ako sa pagkatok ni Ama sa  kwarto, agad ko siyang pinagbuksan at nagulantang ako sa aking nakita.

Puro pasa ang katawan ni Ama, duguan ang kanyang paa na tila pinukpok ng napakalakas. Agad kong pinapasok si Ama sa kwarto at tinawag si Felicia.

"Anak, nagmamakaawa ako..." Hindi ko alam ano ang gagawin ko, hindi ko mawari kung sino ang gumawa sa kanya nito.

"Binbini, eto na po ang mga kinakailangan niyo. Paakyat na rin po ang iyong ina."

Pinababa ko siya sa kusina upang kumuha ng makakain. Nilagyan ko ng yelo ang bawat pasa ni Ama, habang si Ina naman ay tumawag ng doktor upang gamutin ang paa ni Ama.

"Mahal, sino ang gumawa neto sa iyo?" Tanong ni Ina habang mangiyak ngiyakna pinagmamasadan si Ima.

Nakaluhod si Ina sa tapat ng kama habang humahagulgol. Siya'y aking inalalayan para makaupo. Naawa ako sa sitwasyon ni Ama, maghihiganti ako sa kung sino man ang gumawa nito.

"Heneral Flores"

Natigilan ako sa nasambit ni Ama, ngunit akala ko ba ay tunay na magkaibigan sila? Taksil.

"Mahal, Bakit niya ito ginawa sa iyo?" Tanong ulit ni Ina.

Tumingin lamang sa akin si Ama, mukhang alam ko na ang kasagutan.

"Dahil ba sa hindi ko pag payag ama? Ako ang haharap sa kanya!" Bulyaw ko, puno ng galit ang puso ko, ano ba talaga ang kanyang intensiyon?

"Huwag natin kalabanin ang Heneral, anak. Tiyak na ilulubog niya tayo sa ating kinatatayuan"

"Ngunit ama? Ayokong kinakakitaan niya tayo ng kahinaan! Ama, isa tayong Fuentes!"

Tumayo ako at umalis sa silid. Umalis ako ng hacienda at dumiretso sa kumbento ng Cathedral.

"Magandang Umaga, Binibini"

Ngiting bungad sa akin ni Padre. Lumuhod ako sa kanyang harapan at tila iyon ay kanyang kinagulat.

"Padre, Wala hong kasalanan ang pamilya ngunit bakit kami ay pinapahirapan?"

Humagulgol ako sa kanyang harapan, ako ay kanyang inalalayan para tumayo at iginaya sa isang silid-dasalan, Walang tao roon kaya naman hindi ko na pinigilan ang aking pagiyak.

"Ano ba ang nangyari, anak?"

"Padre, nandito si Heneral Flores para ika'y kausapin" Naputol ang aming paguusap ng may nagsalita sa pinto, biglang bumugso ang aking galitng marinig ko ang kanyang pangalan.

Lumabas kami ni Padre upang harapin si Heneral, buong tapang akong humarap sa demonyo.

"Padre, hay 3 sospechosos acusados ​​de la muerte de María." (Father, There are 3 accused suspects to Maria's death)

Pumasok si Heneral kasama ang kanyang mga sundalo, nanatili ako sa tabi ni Padre. Hindi niya ata ako napansin na nandito rin ako dahil ang kanyang mata ay nasa papel na kanyang hawak.

"¿Quién es esa gente, general?" (Who are those people, General?) Tanong ni Padre Dagohoy.

Magsasalita na sana ang heneral ng namataan niya ko sa tabi. Ito ay ngumiti at nawala ang kanyang tingin kay Padre.

"Como estas mi señora?" (How are you, my lady) Tanong sa akin ng Heneral.

Hindi agad ako nakapagsalita, hindi ko alam kung karapat dapat bang ibulalas sa harap ni Padre ang aking galit.

"Estoy bien" (I'm fine)

Peke akong ngumiti, bagama't puno ako ng galit ay mas pinili kong respetuhin si Padre Dagohoy.

"Hablaré contigo después de discutir este tema, mi señora." (I'll talk to you after we discussed this issue, my lady)

Lumayo sila at pumasok sa silid-dasalan. Ako ay naiwan kasama ng mga sundalo ni Heneral Flores. Alam kong hindi ako paalisin ng mga ito, lalo na't sigurado akong ibinilin ako ng mga ito.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang bulungan ng mga sundalo.

"La dama es bonita, apuesto a que es la amante del general." (The lady is pretty, I bet she's the general's mistresss)

Lumapit ako sa sundalo at agad siyang sinampal, wala akong pake kung sundalo ito. Mayroon akong karapatan bilang babae.

"No soy su amante, cierra la boca o te destrozaré!" (I am not his mistress, shut your mouth or I'll tear you apart)
Natigilan ang sundalo at tinutukan ako ng baril.

"Eres solo una mujer! una puta! una puta!" (You are just a woman! a whore! a slut!)

"Cómo te atreves a llamarla puta? Ella es mía." (How dare you call her a slut? She is mine.)

Natigilan ang sundalo at ibinaba ang kanyang baril. Lumapit ang heneral, at hinawakan ang aking kamay.

"Ejecutarlo" (Execute him)

Umalis ang ibang mga sundalo habang kinakaladkad ang sundalong nagtutok sa akin ng baril.

Humarap sa akin ang heneral at ngumiti.

"Deja de llamarme general, mi señora. Soy Leonardo Flores, tenlo en cuenta" (Stop calling me General, my lady. I am Leonardo Flores, keep that in mind)

"Todavía no soy tuyo!" (I am still not yours!) Sagot ko.

Ipinakita ko ang aking katapangan at lumisan ako mula sa kanyang kinatatayuan.

"Serás la razón, para que ellas sufran." (You'll be the reason, for them to suffer) May diin sa kanyang mga salita, tila siya'y nagbabanta.

"Y terminaré esto, Leonardo" (And I shall end this, Leonardo)

Lumingon ako sa kanya at siya'y nginitian pagkatapos ay ko nang nilisan ang Cathedral.

"Seguramente lo harás, mi señora"
You surely will, my lady..

Anabella ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon