CHAPTER V

250 124 31
                                    

ALYRA'S POV
Ininom ko ang pang anim kong kape ngayon, ilang araw na kong hindi nakakatulog dahil pilit kong ginigising ang aking sarili para mahanap ko agad ang susi.

Nandito ako sa opisina, nakatulala, putlang putla at hindi malaman ang gagawin. Inaalala ko kung saan ako nagpupunta noong mga nakaraang araw at ni isa dun ay walang nakakita sa susi.

Sabihin na nilang baliw ako, pero ang susing iyon lang ang nagpapanatili ng payapang buhay sa aming angkan.

Naalala ko nang una kong nakuha ang susi, piniling ipamana ni Mama ito sakin imbes na kay Criselda lalo na't mas paborito niya ang nakakabata kong kapatid kaysa sa akin.

Natatawa ako habang inaalala kung paano ako nagmistulang baliw sa mata ng mga tao para lang mapanatili ang kaligtasan ng angkan ko, halos sinira ko ang buhay ko dahil parang gumigising lang ako araw araw para bantayan yung pesteng susi na iyon.

Ano ba mahalaga doon? Mapakla akong natawa, nang sumagi ang katanungan sa isip ko.

Siyempre, sa oras na mapasakamay nang hinirang ang susi na iyon ay siguradong mamamatay ang taga-bantay. Kung sino man ang makapagpalaya sa kaluluwa ng pesteng madre na iyon ay siguradong pare-pareho kaming mamamatay.

Sofia Cervantes.. hahahaha. Bwiset ka talaga..

"Alyra.."

Natigilan ako sa pagtawa nang marinig ang isang pamilyar na boses. Dumiretso ang tingin ko sa pinto dahil baka may pumasok sa opisina, kaso wala namang nakakaalam sa pangalan ko dito sa Campus bukod kay Nicole.

"Alyra.."

Pamilyar ang boses at sigurado akong narinig ko na ito kung saan, lumingon lingon ako at napansin ko ang isang matandang babae na nakatingin sa bintana.

Tumayo ako para lumapit dito, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero kusang lumalakad ang paa ko papunta sa matandang babae.

Likod pa lamang niya ay nakakaramdam na ako kung sino ito, nagsimulang tumulo ang luha ko nang mapag-alaman ko kung sino ang babaeng kaharap ko.

"Mama?"

Humarap sa akin ang matandang babae at tama ako, abot tenga ang aking ngiti nang muli kong masilayan ang kanyang mukha. Ilang taon ko na rin siyang hindi nakikita..

"Pasensya na anak at pinahirapan ka ni mama" Nasilayan ko ang pag-agos ng kamyang luha, bagama't may natitrang galit sa aking puso ay mas pinili ko na lang siyang patawarin.

"Ma, pasensya na at hindi ko na mapoprotektahan si Criselda.."

Hindi na ko nagatubili pa at agad kong yinakap si Mama, alam kong sa oras na ito ay nalalabi na lang ang oras ko.

Paano ba naman.. Patay na si Mama..

"Alyra.. anak.."

Kumalas ako sa yakap ni Mama nang marinig ko ang pangalan ko.

Putangina! Pilit kong kinakalas ang pagkakahawak nang halimaw, napalitan ang mukha ni Mama nang isang babaeng sunog at nakangiti habang pinagmamasdan niya ko.

"SOFIA CERVANTES!" Bulyaw ko.

Ang halimaw na ito ay walang iba kundi si Sofia Cervantes! Nakawala ako sa kanyang pagkakahawak at pilit na ginapang ang sarili ko papunta sa pintuan.

Hindi! Hindi ako pwedeng mamamatay sa kamay nitong halimaw na ito!

"Sa ngalan ng ama.. anak.. espiritu santo.."

Puta! Binging bingi na ko sa paulit ulit na dasal, nababaliw ang utak ko dahil pabilis ng pabilis ang mga salita.

Lumingon at nakita ko ang sunog na babaeng lumapit nang napakabilis sa akin. Putangina--

Pumatong ito sa akin at nakipagtitigan, pinikit ko ang mga mata ko para hindi makita ang kahindik-hindik niyang hitsura.

Nang iminulat ko ang aking mata ay napansin kong nasa isang malawak akong lugar, walang katao tao at kapansin pansin ang isang kahoy na palapag na nasa gitna.

Isang babae ang sigaw ng sigaw habang dinadala nang mga sundalo sa kahoy na palapag. Nakita ko ang isang lubid na nasa harap at mukhang alam ko ang kanilang gagawin.

Naalala ko ang babala ng aking ina sa oras na makita ko ito, kailangan kong iligtas ang babae dahil iyon lang ang natitirang paraan para makaalis ako dito.

Pinilit kong igalaw ang aking mga paa pero hindi ako umuusad sa aking kinatatayuan, mangiyak ngiyak kong pinagmasdan ang babae habang pinapasok ang lubid sa kanyang ulo.

"ANABELLLAAAA!" Bulyaw ko.

Kilala ko ang babaeng ito, mula sa iba't ibang libro na binasa ko. Alam kong ito ang ninuno ko, natigil ang kanyang pagsigaw nang biglang marinig ko ang pagtulak ng isang sundalo sa kanyang kinatatayuan.

Sa sobrang takot ko ay ipinikit ko mata ko, nang iminulat ko muli ay napansin kong wala na ang palapag sa aking harapan.

Pero.. Pero bakit hindi ako makagalaw?! Napagtanto kong ako ang nasa palapag at binubuhat nang mga sundalo papunta sa lubid.

Shit! Anong gagawin ko?! Pilit kong kinakalas ang lubid na nakatali sa akin pero hindi ko magawang igalaw ang buong katawan ko.

Nakita ko sa malayo ang isang madre na may dalang rosaryo, mapakla akong natawa nang mapagtanto kung sino ang nagdadasal sa harap ko.

"Sa ngalan ng ama.."

Wala na kong magagawa, ito na ang katapusan ko..

"Ng anak.."

Inilagay nila ang lubid sa leeg ko at nanatili akong nakatingin sa palubog na araw.

"at nang espiritu santo.."

Narinig ko ang pagpitik nang aking kinatatayuan at naramdaman ko ang pag higpit ng lubid sa aking leeg. Nawala ang lahat at biglang naging itim..

"Amen"

Anabella ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon