Epilogue

232 78 30
                                    

Nagising si Ciello sa isang madilim, marumi at masangsang na kwarto. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang amoy dahil walang liwanag na nagiilaw dito.

"Nasaan ako?"

Naalala niya noong binuksan niya ang kahon, isang liwanag ang kumain sa kanya pagkatapos ay napunta siya rito.

"Anabella! Nasaan ka!?" Bulyaw niya, inis at galit ang nanalaytay sa kanya nang mapagtanto ang panloloko nito.

Kinapa kapa niya ang paligid at isang gasera ang kanyang nahawakan. May posporo itong kasama na agad niyang inilawan.

Halos masuka siya nakikita niya, iba't ibang katawan ng tao ang nasa kwarto. Lahat ay duguan, nilalangaw at naagnas. Napansin niya ang isang salamin na nasa dulo ng silid, sa hindi malamang dahilan ay lumapit siya rito.

Habang naglalakad ay nakaapak siya ng katawan, inilawan niya ito nang gasera at napako siya sa kinatatayuan ng mamukhaan ang babaeng ito.

"Mama.."

Inilawan niya ang paligid at nakita rin niya ang katawan ni Cyrill, Jesse, Nicole, Manong Saguinsin at ni Manang Krystal. Lahat ay naagnas at nilalangaw, hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari dahil ang usapan nila ni Anabella ay ibabalik niya ang lahat..

Tumingin siya sa salamin at nakita niya ang kanyang sarili na nagsusuklay. Nakangiti ito at bagong ligo, mukhang papasok ng school.

"Anabella! Alam kong ikaw yan!" Bulalas niya.

Mukhang narinig naman ni Anabella ang kanyang tinig at tumitig sa kanya, nakangiti pa rin ito pero ang mas nakakatakot ay nasa katawan niya.

"Ibalik mo ko sa katawan ko!"

"Hahahah nagpapatawa ka ba?"

Natahimik siya, akala niya ay tapos na ang lahat dahil wala na si Sofia Cervantes pero hindi niya pa pala nakakaharap ang tunay na demonyo.

"Sabi mo.. ibalik ko ang lahat diba?"

"Ngayon, binalik ko na ang lahat sa dati.. nang hindi ka kasama.." Tumawa pa ito na mas lalong ikinagalit ni Ciello, kinalabog niya nang kinalabog ang salamin.

"Shhh! Ako na ang mabubuhay sa sarili mong buhay.. haha diba masaya yon? Tutal pinagkaitan niyo naman ako ng masayang pamumuhay.."

"Pero wala akong kasalanan! Pinalaya na kita! Ano pa ba kailangan mo?!"

"Papalit sakin mula sa pagkakakulong" Naging seryoso ang mukha nito at biglang umalis.

Nawala lahat ng nakikita ni Ciello at tanging repleksyon na lang niya ang nakita niya sa salamin.

Naiintindihan niya na ang lahat, ginawa lang lahat ito ni Anabella para mapalaya siya.. at ngayon nakakulong siya sa kahon habang buhay..

Anabella ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon