Chapter XVII

184 102 27
                                    

AUTHOR'S NOTE
THIS PART IS A PART OF MEMORY NI MADRE SOFIA, KUNG BAKIT NAGKAROON SIYA NG REASON PARA MAGHIGANTI SA PAMILYA NILA ANABELLA!

KEEP READING!

**********

SOFIA'S POV

Aba ginoong maria,
Napupuno ka ng grasya,
Ang panginoon ay sumasaiyo,
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat,
Pinagpala naman ang anak mong si Hesus...

Tuwing ala sais ay nagtitipon ang mga madre sa kumbento upang magdasal. Ako ay kanang kamay ni Madre Inca, ang madre superior dito sa kumbento.

Pagkatapos ng dasal, ay pinatawag ako ni Madre Inca sa kanyang silid.

"Madrei Sofia, Ano ito?" Tanong niya.

Inilabas niya ang isang puting tela na may bahid ng dugo at isang krus na wasak sa gitna.

"H..Hindi ko po alam" Ako ay kanyang tinitigan, nanatili lamang ako nakatungo upang magbigay galang sa kanya.

"Ito ay natagpuan sa iyong silid ni Madre Alicia"

"Wala po talaga akong alam tungkol sa mga bagay na iyan, Hindi ko po iyan pag mamay ari" Pagdepensa ko.

Tumango lamang ito at sinenyasan ako upang lumabas.

Nakakainis. Kahit kailan talaga ay sakit sa ulo ang madreng iyon! Siya ay nakasalubong ko ngunit hindi ko ito pinansin. Baka may magawa pa kong masama.

Ako ay dumiretso sa kwarto at kinuha ang isang kahon mula sa ilalim ng aking kama. Ito ay gawa sa kahoy at mabubuksan lamang gamit ang aking kuwintas.

Sofia Cervantes, iyon ang nakaukit sa aking susi.

Ito ay aking binuksan, makikita ang mga alalala ng aking nakaraan. Nandito rin ang mga sulat na ibinigay sa akin ni Alfonso Fuentes.

Mahal kong binibini,
Kamusta ka na? Pasensya ka na at kailangan kong manalagi dito sa probinsya ng ilang buwan. Isinama kasi ako ni Ama upang matuto raw ako pag dating sa pamamalakad ng aming Hacienda rito. Ipapamana niya raw ito sa akin, kasama na rin ang hacienda namin diyan sa Maynila.

Napag alaman kong ikaw ay ipapasok sa kumbento ng iyong ama, Huwag ka munang pumayag at ako ay iyong antayin. Hihingin ko ang iyong kamay upang ikaw ay tuluyan nang ikasal sa akin.

Mahal na mahal kita, aking kabiyak

Nagmamahal,
Alfonso

Ang aking mata ay nagsilbing batis dahil sa patak ng  mga luha. Hindi ko mawari kung bakit mangangako ang isang ginoo kung ito ay hindi niya kayang tuparin..

Inantay ko ang kanyang pagbalik, ngunit bakit iba ang binalikan?

/Nakaraan/
"Sofiaaa! Si Ginoong Alfonso ay nasa harap ng ating tahanan" bumungad ang mukha ni Maria ng iminulat ko ang aking mata. Agad akong tumayo at dumungaw sa bintana. Isang ginoo ang nagaantay sa labas..

Abot tenga ang aking ngiti, pagkalipas ng ilang buwan ay naririto na si Alfonso, agad akong nagayos at pinakiusapan si Maria na papasukin si Alfonso.

"Maya-maya pa ay bababa na ko, siguradong alam na rin ni Ama at Ina na nandito si Alfonso" tumango lamang si Maria at bumaba na.

Anabella ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon