Chapter XX

149 83 16
                                    

THIRD PERSON'S PO

KINAUMAGAHAN ay nakauwi sina Ciello, Nicole, Cyrill at Jesse mula sa Cathedral. Nagpaalam na ang dalawa na babalik sa Maynila kaya hindi na nilang nagawang bisitahin si Manong Saguinsin at Manang Krystal.

Hinatid muna ni Jesse si Cyrill sa bahay nito ngunit pagkarating nila ay sarado ang gate. Nagtaka naman ang dalawa dahil sa oras na ito ay gising na dapat ang ina ni Cy.

"Tawagan mo nga mama mo.." Utos ni Jesse, tinawagan naman ito ni Cy ngunit hindi sumasagot.

"Baka bumalik sa Maynila si Mama." Sagot nito, inanyayahan naman ng binata na doon muna sa kanilang tahanan hanggang sa bumalik si Manang Krystal.

Pagkarating sa bahay nila Jesse, kapansin-pansin na sarado lahat ng binata, sarado din ang pinto at hindi nila mabuksan. Sinubukan rin tawagan ng binata ang ama ngunit hindi ito sumasagot.

"Baka pumuntang palengke.."

Naalala niya na may pinto rin pala sila sa may kusina, kaya pinuntahan nila iyon at sakto namang bukas. Madilim sa loob kaya binuksan nila ang ilaw, tumambad sa kanila ang mga nakakalat na kagamitan.

"Shit..." Kinabahan ang binata kaya dali dali siyang dumiretso sa Salas, halos mawalan naman siya ng hininga ng maabutan ang ama.. naliligo ito sa sariling dugo at wala nang buhay.

Nanginginig si Jesse habang pinagmamasdan ang ama, hindi niya alam ang gagawin! Gusto niyang lapitan pero natatakot siya...

"Ahhhhhhh!" Narinig niya ang sigaw ni Cyrill, naabutan niya ito sa kalapit kwarto kung saan naroroon ang ina nito.

Nakaluhod sa sahig si Cyrill habang hawak hawak ang walang buhay na katawan ni Manang Krystal, nanghihinang lumapit ang binata at yinakap ito.

"Anong nangyari? U..Umalis t..tayo kahapon buhay pa s..sila.." Nauutal man ay nagawa pa ring masalita ng dalaga, hindi rin ni Jesse kung sino ang makakagawa nito.

"T..Tingnan.. mo.. may dugo.." Bukod sa dugo na nakapalibot sa kanyang ina ay may dugo pang makikita palayo dito, sinundan nila kung saan ito papunta at nakaabot sila sa basement.

"S..Sino yan?" Hindi nila kilala ang matandang babae na nasa basement, katulad ng kanilang mga magulang ay wala na rin itong buhay.

"Tingnan mo.. may wallet.." Namataan ni Cyrill ang isang pitaka malapit dito, agad niya itong dinampot at tama siya dahil pagmamayari ito ng patay.

"Ano pangalan?"

Kinuha niya ang I.D at binasa ang nakalagay..

"Charlotte Flores"

"Baka ina yan ni Ciello.." Hinala ni Jesse.

"Pero bakit nandito?"

"Tawagan mo si Ciello.." Utos ng binata.

Tinawagan ni Cyrill ang number ni Ciello pero hindi rin ito sumasagot, kabado sila dahil baka may mangyari sa dalawa. Kung sino man ang may gawa nito ay siguradong may koneksyon sa hinahanap nila..

*******

NAPAGDESISYUNAN nilang dalawa na tahakin ang daan papuntang Maynila, may kotseng pangbukid ang ama ni Jesse at ito ang ginamit nila papuntang lungsod.

Bago sila umalis ay tinago muna nila ang mga katawan sa basement, sigurado kasing kung tatawag sila nang pulis ay hindi nila maabutan ang mga kaibigan dahil na rin sa mga diskusyon na mangyayari.

Nagawa na rin nilang maligo at bumili si Jesse ng pagkain sa isang karinderya malapit sa kanila, ito ang kanilang dala-dala lalo na't hindi pa sila nakapag-umagahan.

Anabella ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon