Day 1

244 3 0
                                    

Day 1

Eliza's POV

Klase nanaman, bagong classmates at bagong kaibigan. Alam kong maging boring ang buong schoolyear ko ngayon, mas mabuti at masaya pa yung Grade 8 ko na school year. Habang hinihintay na dadating yung teacher namin para buksan yung pinto ay tinignan ko yung Masterlist. Nakita ko yung mga pangalan na maging kaklase ko.

Nandito si Carl Jhon Micheal Ferrer, di ko alam kong sino ito. Si Kendrix Miller, di ko rin kilala pero feeling ko famillar siya. Nandito din si Androus Monterverde, at sino naman ito. Daming kong classmates na lalaki na di ko kilala. Sige sa babae nanaman.

Nandito si...Cindy Cortez, wait! Si CC nandito?! Omg kaklase ko besprend ko! Sige move on. Sino pa? Nandito si Victoria dela Fuentes, Yess! Nandito si Matalino. Sino pa? Si Freya? Si Candy at si Jacky. Sino naman yan sila?

"Ano tinitingin mo diyan?" Nagulat ako dahil di ko namalayan na may tao na pala. Isang lalaki sobrang tangkad at feeling ko na sakanya na ang lahat or yung the ideal boy. "Wala" kahit meron! Meron! Meron!

"Awhh, ok.." wow, Cold. Kakatapos nga lang ng Summer, Winter agad? Where na u Fall? Falling inlove with a stranger. Chour

"ELIZA? HALA! ELIZAAA!" Tumingin ako sa kaliwa ko ay nandun si CC at si Vicky. Mayghad pumayat sila, bat ako buong summer tumaba? Unfair naman.

"CC! VICKY!" Tumakbo sila papunta sakin.  Pagdating nila ay tumawa lang kami, parang baliw, diba?

"Kamusta ka na Eliza?"

"Ok lang naman, kayo?"

"Ok lang din. Nakakabored buong summer walang gumagala, kamusta summer niyo?" Tanong ni CC samin, Agad naman siyang tumigin kay Vicky. "Alam niyo mo ba Eliza na itong si Vicky ay pumunta ng Boracay?" Tanong niya sakin. Teka?! Boracay! Di naman ako magtataka, mayaman naman sila at pwede silang pumunta kung gusto nila.

"Paano mo nalaman, CC?  Nangstalk ka noh?"

"Hindi naman stalk kapag nagpakita sa newsfeed ko yung mga post mo." Ayun mag-aaway naman ito. Tinignan ko ulit yung lalaki at may isa na palang dumating na lalaki, matangkad din at maputi. Isa nanamang ideal Boy spotted.

"Hi?"

"Ano ka ba Kendrix! Wag ka ngang mag-hi sa kanila." Sabi ng isang lalaki.

"Sus, tumahimik ka nga." Kinuha siya ng Kendrix ba yung pangalan niya at pinaharap samin.

"Kendrix Miller pala, nice to meet you" sabi ni Kendrix. Mabuti pa si Kendrix ang friendly pa kesa sa isa diyan.

"Hi, ako pala si Cindy. Cindy Cortez"

"Ako naman ay si Vicky, Victoria Dela Fuentes"  wow...nice ng intro nila, pagdating sa introduce yourself sa harap wala na yan.

"Uhmm...ikaw naman?" Ayy wow...akala ko multo lang ako dito, nakita niya pala ako.

"Siya? Pangalan niya ay si Eliza Mae Olofernes" when i was about to say a thing, she interrupted. Atleast hindi sayang yung laway ko kakasabi sa kanya.

The Bad Boy in CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon