Day 14

118 0 0
                                    

Day 14

Eliza's POV

Nagstay muna kami ni Carl sa isang Hotel at dun muna natulog. If you all are wondering kung nasa isang kwarto lang kami. Hindi, ayokong tumabi sa kanya dahil weird sakin kahit kami na di pa ako sanay na may katabi matulog.

Pagdating ng araw ay agad naman kaming pumunta sa bahay. Malayo talaga ito sa school ngunit may nakakita si Carl na isang daan na malapit na yung school. Bat siya may alam dito tapos ako hindi?

"Paano mo nalaman tong daan na ito?" Tumawa lang siya sakin habang nagmamaneho. "Dito din kami tumira dati ngunit umalis na din kami ng may nahanap si Dad na lupa." Edi kayo na...wag mo ng i-flex yang pagmamay-ari niyo.

Pagdating namin sa lumang bahay ay agad naman naming kinuha yung mga Boxes at nilagay sa loob, And this is the most boring yet exciting part. Exciting na boring? -~-

Habang winawalis yung dumi ng bahay bigla naman niya akong niyakap.

"Ano nakain mo?"

"Wala lang...gusto ko lang na yakapin ko."

Pinabayaan ko nalang at bumalik naman sa kanyang ginagawa. Pagkatapos naming maglinis sa bahay ay agad na naming nilagay lahat ng mga gamit. Habang nilalagay namin yung mga gamit ko ay may biglang tumawag sa cellphone ni Carl. Kinuha niya yung Phone niya at lumabas.

Pinagpatuloy ko yung ginagawa ko tapos bumalik naman siya.

"Sino yun?"

"Si Kendrix, hinahanap ako."

Nagpatuloy siya sa ginawa niya at pagkatapos ng lahat ng nun ay nag-order kami ng pagkain dahil gutom na raw siya at ako din, Slight lang. May kumatok sa pinto at binuksan ito ni Carl.

"Nice ng set-up mo, Eliza."

"What are you doing here, Kendrix?"

"You know...just hanging around, i wont let you both be alone. If you want to do something i'll be the one to record it." Madumi pala utak nito. Kinuha ko yung walis ay winalis ko yung mukha niya.

"Para saan yun?!" Sigaw niya sakin habang tumatawa lang si Carl sa kanya.

"Madumi kasi bibig mo, kumalat na sa mukha mo nung binuksan mo." Sumimangot lang siya at may kumatok sa pinto. Binuksan ito ni Carl at kinuha yung mga pagkain at binayaran.

"Ikaw lang pala dito mag-isa, Eliza?" Tanong ni Kendrix habang kumakain kahit wala siyang parte dito pero kumuha na siya at wala na kaming magagawa.

"She wont be alone." Sabi ni Carl

"Dito ka matutulog?"

"Kung pwede" tumigin siya sakin habang nagsmirk. Alam kong gusto niyang dito talaga siya matutulog or kundi dito titira.

Hindi ako pumayag at nagmamaka-awa siya sakin pero hindi parin. Wag ka namang close ng close sakin dahil kailangan ko din ng space upang makahinga. *anong connect?*

He pouted for a second at naka-isip naman ng plano. Kinuha niya yubg phone niya at may tinawagan, bigla siyang sinayahan at pinatay yung tawag.

"Sino kausap mo?" Tanong ko.

"Well, my Dad just gave me the house nextdoor. And now i can see you and protect you." Grabe talaga siya. Kinuha niya yung plato ko at yung plato niya.

"Plato ko din, wag kalimutan." Sabi ni Kendrix habang nagsmile.

"May paa ka, may kamay ka, ilagay mo dito." Sabi ni Carl kaya sumimangot nanaman itong isa dito."grabe naman, nagkajowa na nga lang naging mayabang na." Sabi ni Kendrix at agad naman siyang tinignan ni Carl ng masama hanggang natakot na siya at nilagay yung plato.

Habang inaayos muli yung mga gamit ko. Naalala ko pa na kailangan ko nga palang kumuha ng trabaho dahil wala akong pambayad.

"Carl, pwede ba tayo pumunta sa Mall?"

"Bakit?"

"Maghahanap ako ng trabaho eh, at---" hindi niya ako pinatuloy at pumayag naman siya. "I could just give you some money to pay all your bills." Sabi niya pero hindi ko tinanggap dahil gusto kong maging independent at hindi lang umaasa sa kanya.

"Gusto kong maging independent." Hindi na siya nagsalita at bumalik sa kanyang ginawa. Pagkatapos ay pumasok kami sa sasakyan pero bago nun ay nilock namin yung bahay. Pinaandar niya yung kotse at nagsimula ng magbyahe. Pagdating namin sa Mall ay agad naman kaming naghanap ng mga pwede kong applyan.

At nung nakakita kami ng isang milktea store na kailangan ng workers kinuha ko yung Oppurtunidad at nag-apply. Buti lang naman na isang contract lang yung kailangan kong permahin kaya pinermahan ko yung kontrata.

"Anong oras matatapos yung pasok niyo?" Tanong ng boss ng Milktea shop na ito.

"2:30 po, Maam." Kahit 2:00pm lang, 30 minutes papunta dito kaya fair lang. "Sige...magsimula ka Lunes sa oras ng 2:30pm hanggang 4:00pm at ang sahod mo ay 10,000php a week." Ang laki ng pera. Pero tama lang naman para sa gastusin at mga bibilhin ko.

Tinanggap ako at pumunta sa isang Arcade na nandun lang sina Kendrix at Carl naglalaro ng basketball. Tinignan ko at ang daming tickets na nakuha nila.

Nung natapos na yung laro nila ay bumili sila ng isang maliit na jewelry box at pagtingin nila ay agad nila akong nakita. Nagulat sila sakin pero naging ok lang naman.

"Sayo na yan." Sabi ni Carl habang binibigay yung Jewelry box. Kinuha ko yun at biglang sumulpot si Kendrix. "May part din ako diyan ah...wag kalimutan" tumawa lang ako dahil isip bata talaga si Kendrix.

"Tignan niyo...nandito nanaman itong bitch na ito. Mang-aagaw!" Sigaw ni Freya at nakita kong kakabili lang nila ng mga make-up, perfume, at lipsticks.

"Sayo ba tong Mall? Diba hindi?" Hamon ni Kendrix sa kanya at tumawa si Carl. Napahiya si Freya ngunit ako palagi yung tinatarget niya.

"Pshhh, by the way...there's going to be a big Party at my house and you baby and Kendrix are invited but not her." Sabi ni Freya habang binibigyan sila ng invitation.

"Well, Freya. If your having a party without Eliza, i will not go." Sabi ni Carl na seryoso. "Ako din. Di din ako pupunta kahit ang daming masasarap na pagkain."

"Nooo no no noo...you both needed to come. I bet it will be fun, with or without her."

"Wag na...hindi ako interesado." Sabi ni Carl at binalik yung invitation at yun din ang ginawa ni Kendrix. Umalis na si Freya habang hinahawakan yung invitations niya.

Party, party...anong klaseng party yan? Make-up party?

The Bad Boy in CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon