Day 12

115 0 0
                                    

Day 12

Eliza's POV

Pangalawang araw na sa pagsasanay ko kahit hindi naman ito importante pero gusto lang daw ni Carl. Lumabas sila ni Kendrix at parang may pinag-uusapan tapos bigla namang bumalik.

"May bibilihin pa kami ni Ken, dito muna kayo ni Karl." Sabi ni Carl sakin at agad namang tinignan si Renovix. "Be kind to her, ok?" He agree and went back playing his game.

Nung umalis na sila at dun pa natapos yung laro ni Renovix. Umupo siya sa Sofa at nanood ng TV. "Ilang taon ka na?" Boses ng isang inosenteng babae na nagtatanong lang. "Im 11 years old." Tumingin siya sakin. "Are you and my brother inlove?" Bat siya nagtatanong ng ganyan?

"Bat mo natanong yan?"

"Well, Kuya only brings girls to the house when he is inlove or just some school things."

"Hindi kami magjowa pero sinabi niya na sakin na gusto niya ako."

"At gusto mo ba din siya?"

"Hmmm...medyo" wala munang mga interpretations kasi convo ito.

"Kung mamahalin mo si Kuya. Please, dont break his heart again." Tumingin siya sa gilid na may galit. "Not like that f*cking Freya did to him."

"Ano pala ginawa ni Freya sa Kuya mo?"

"He left Kuya all alone. Gusto na nga ni Kuya magpakamatay dahil lang dun. Pero pinigilan lang siya nina Kuya Kendrix at Kuya Androus." Grabe talaga tong Freya na toh. Tapos ngayon gustong gusto naman makuha si Carl.

"Do you know how to bake?" Bake? Well, nasa isang subject ko yan. Tumangon ako at agad niyang kinuha yung kamay ko papunta sa kusina.

"Let's bake some cookies." Sabi niya sakin na may patalon talon pa. May topak pala tong batang toh. Una galit na malungkot ngayon parang tinirahan ng isang regalo sa ulo.

"Ok, meron ba kayong mga gamit?" Agad niyang binuksan lahat ng mga cabinet. Shems, ang dami! Completo sila.

"May ingredients ba tayo?" Binuksan niya yung ref nila at dun daming pagkain. May isang pizza box pa at isang Cake.

"Shall we start?" Tanong niya sakin. Hays, bata talaga. Sobrang excited pero hindi alam ang gagawin. "Sige, Magsimula na tayo." Kinuha niya yung bowl at lahat ng ingredients na kailangan para gumawa ng cookies. Kinuha niya yung cellphone niya at nagsearch. "Ito yung gagawin natin, Ate." Hiling niya at ok lang naman para sakin. Upang maging mas masaya pa, siya daw yung gagawa ako lang yung maglagay dun sa Oven nilang sobrang ganda.

"Ate? How to use this?" Pinakita niya yung spatula. Kinuha ko yung spatula at ipinakita sa kanya paano at dali niya palang matuto.

Ako umabot pa ng isang buwan para ako ay matuto paano yan gamitin pero siya isang minuto lang kuha na. Nilagay niya yung itlog at Cocoa, Chocolate Cookies pala gagawin namin.

"Alam mo ba paano mag stir?"

"Yeah, i know." Nakita ko na sobrang galing na niya kahit ako hanggang ngayon pinapagalitan pa ni Maam dahil hindi daw tama yung pag-stir ko. Nung tumagal yung pag-halo niya. Bumibigat na yung mixture kaya ako nalang yung nag-halo. Kinuha niya yung isang Cookie sheet at nilagyan ko na ng Mixture. Nilagyan niya ng springkles at chocolate yung mga mixture at nung ubos na yung mixture dun na namin nilagay sa Oven.

"Magaling ka pala sa ganito."

"Hindi naman, si Mom lang yung nagtuturo sakin paano mag-bake kasi si Kuya busy sa Electronics at Computer." Sabi niya.

Kumuha siya ng notebook at may sinulat. Tinignan ko kung ano yun pero nagdrawing pala siya at maganda din yung ginagawa niya. Talented tong batang toh, sana ako rin talented pero wala eh...

Tinignan ko yung paligid at nakita ko na may hipon na nakalagay sa ref. Hindi dahil nagugutom ako pero ang sarap ng hipon eh.

"Lagi ba kayong kumakain ng Hipon?" Tanong ko sakanya. Huminto muna siya sa kanyang pagdrawing at sinensyahan akong umalis.

"Medyo...kasi si Kuya allergic sa Hipon." Ayyy...Allergic? Kawawa naman. Biglang nag-alarm yung orasan at agad naman niyang binuksan yung Oven. Kinuha ko yung gloves at kinuha one by one yung mga cookie sheets.

"Karl? Where home." Nandito na pala sila.

"Ate, you should give Kuya some cookies. He really likes eating them." Sabi ni Renovix at bingyan ako ng plato na may Cookies.

Naglakad ako papunta sa kanya habang tinitikman yung isang Cookie. Nagulat siya at the same time Excited dahil nga, Cookies.

"Pwedeng Kumuha?"

"Opo pero..." hindi niya ako pinatuloy at agad namang kumuha at kinain. "Mainit yan dahil bago pa." Lumaki yung kanyang mga mata at tiniis yung init ng Cookies tapos kanyang nilunok kasama ng gatas.

"Bat hindi mo ako sinabihan na mainit yun?!"

"Kasi kumuha ka at kinain mo agad bago pa ako makapag-salita." Hindi na siya nagsalita at inubos na yung gatas.

"Mag training pa ba tayo?" Tanong ni Kendrix pero walang sumagot kaya kinuha niya nalang yung snickers dun sa loob ng kanilang binili na umabot ng dalawang oras.

"You both need to clean the mess you both made." Pumunta agad si Renovix dun at hinuhugasan yung pinggan. Bumalik siya sakin at kumuha pa ng isang cookie.

"Anong naging ganap dito nung wala kami ni Ken? May ginawa bang masama si Karl sayo?" Bat lagi niyang pinapakita na masama tong si Renovix. Ang bait niya naman sakin lately.

"Bat mo laging pinapakita na masama si Karl?"

"Kasi...lagi niyang inaapi or ginugulo yung taong bumisita dito lalo na kapag walang nakakita sa kanila. He will use some dirty pranks to make you leave and never come back." Paliwanag niya pero para sakin hindi naman siya ganun.

"Ganyan pala tingin mo sakin, Kuya?" Aray! Narinig niya. "Well then, im sorry for all those things." Umakyat siya sa itaas habang si Carl naman ay parang naguilty.

"Wag mong ipagmumuka sa kanya na masama siya. May reason siya para gawin niya yun."

"Ano naman yung reason na yun?"

"Hindi niya gusto na ikaw ay masaktan dahil lang sa isang tao...katulad ni Freya, galit na galit nga siya sa pagbabangit niya sa pangalan ni Freya tapos ganyan lang yung tingin mo sa kanya?"

"I feel bad now."

"You need to say sorry to him." Umabot na ng gabi pero hindi parin namin nasimulan yung training na sinasabi nila.

"Ok, its kinda bit late...go to the car, i'll take you home." Sabi niya at pumunta kami sa sasakyan niya at umuwi.




The Bad Boy in CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon