Day 5
Eliza's POV
Nilagay ko lahat ng kailangan ko para makapunta na sa school. Kumuha ako ng taxi at nagpahatid papunta sa school.
Sabi ni Miss na di na raw kami magrereport dahil sayang lang yung oras kaya ipapasa nalang raw yung sinulat namin.
Pagdating ko sa gate ng school ay nakita ko si Manong Guard na may pinagalitan na bata. Nakita ko naman na wala siya naka uniform kaya ayun pinagalitan.
Naglalakad ako papunta sa classroom ko habang naglalakad ay may nakita pa akong limang piso sa daan. Nice naman nito.
Pagdating ko sa classroom ay nakasalubong ko yung mukha niya. Kita kong galit siya pero wala akong pake. Umupo ako at nilabas yung libro ko.
Kinuha ko na din yung chocolate na ginawa ko sa bahay at yung project din namin. Habang nagbabasa ay kumakain ako ng chocolate. Biglang may kumuha sa mga chocolates ko at tinignan ko agad si Carl.
Pero wala siyang kinuha. Mukha akong tanga, tinignan ko si Kendrix at dun siya pala yung kumuha ng limang chocolates ko at binigay kay CC, Vicky at kay Androus. Binalewala ko nalang dahil kumain din naman sila CC kaya pagbigyan.
Napansin ko na wala pala si Maam kaya nilagay nalang namin lahat yung mga projects namin sa desk.
"Guys, may sinabi si Maam"
"Ano yun?"
"Teka lang babasahin ko sa inyo..." Dear students. I would like to offer you my time to select your class officers."
Tumayo si Kendrix at humarap sa buong class.
"Sige, ganito ito. Ako muna yung magbibilang sa mga votes niya at si CC naman yung magsusulat sa board."
Sumang-ayon silang lahat at nagsimula na yung Election.
"I would like to Nominate, Eliza for class president" Jusko! Bat ako?! Nagbabasa lang naman ako dito. Tinignan ko si Kendrix at CC at nakita kong pinipigilan nila yung tawa nila.
Pinagtripan ako. Biglang tumayo si Carl
"I would like to Nominate, Kendrix Miller for ClassPresident"
"Oh, nadamay pa ako...ok, is that all?" Tahimik yung classroom namin. Nilagay ni CC yung mga pangalan namin.
"Who like to go with Eliza for President?" Maliit lang yung bumoto sakin. Kaya si Kendrix nalang yung naging President namin.
"Para walang oras ang masasayang ay gagawin nalang natin si Eliza, Vice President." Tumahimik lang naman lahat kaya nilagay ni CC yung pangalan ko.
Takte nakakahiya naman. Tinignan ko yung chocolates ko at kalahati nalang yung laman. Nakita kong may chocolate sa kamay ni Carl pero di ko na yun kukunin kasi gumawa tuloy ng gulo.
Pagkatapos nun ay nag recess na at lumabas ako para bumili ng cookies. Tinignan ko rin yung mga kaklase kong naluluto sa kanilang classroom. Bumalik na ako sa room dahil nabobored na ako dun kaya nilabas ko ulit libro ko at nagbasa.
"Why are you always reading?"
Tinignan ko kung sino yun at si Androus lang pala. Mukhang nag wonder siya kung bat ako laging nagbabasa.
"Ganito kasi yan. kapag ako ay nagbabasa parang pumupunta ako sa isang mundo na lahat ng nasa libro ay nandun sa mundong yun"
Yung mukha niya ay parang may nalaman kahit wala at umupo siya sa upuan ni Carl. Bumalik ako sa pagbabasa at siya naman ay naglalaro.
"Cause I don't care when I'm with my baby, yeah
All the bad things disappear
Yeah, you're making me feel like maybe I am somebody" bigla siyang kumanta at by the way ang ganda ng boses niya parang nasa langit ka kapag pinakingan mo.Hindi ko na yun sinabi baka mahihiya at titigil. Pinagpatuloy niya yung pagkakanta niya hanggang dumating si Carl. Pina alis niya si Androus at siya naman yung umupo.
Mas gusto ko pang makasama si Androus kesa sa kanya. Pumasok na yung Science teacher namin at nagtuturo ng Magnetism. Habang nagtuturo ay nagpapa answer siya ng Quiz niya. Diba nice?
Kalahati ng klase ay tulog na nakabukas yung mata dahil kay Maam. Kahit matanda na siya ay makikita parin niya yung mga kaklase ko sa likoran parang may build in telescope. Habang naglelesson si Maam ay nakikita kong may naglalaro sa tabi ko. Gusto ko siyang isumbong pero maging sipsip naman ako.
Kinuha ko nalang yung Chips ko sa loob ng bag. Habang kumakain ay biglang tumigin si Maam sakin.
"Bawal kumain kapag naglelesson!" Utos ni Maam kaya tinago ko yung pagkain ko sa ilalim...puta? Hindi ko kasalanan na nakakagutom yung paghihintay na ikaw ay umalis. Tapos yan yung sasabihin mo?
Nung lumabas na si Maam ay bigla namang pumasok si Sir. Umupo siya sa upuan at binuksan yung libro niya. Habang kami ay kumukuha pa nang libro.
Nagsasalita na siya at yung nasa harap namin na classmate lamang yung nakakarinig sa kanyang boses. Parang boses ng isang daga yun yung boses ni Sir.
Hindi siya tumagal ay biglang umabot yung usapan niya sa DTI kahit lesson namin ay tungkol sa Nakaraan. (Sa totoo lang parang Finance yung SS namin) ok continue.
Tinignan ko yung mga kaklase ko sa harap sobrang tawa nila dahil kay Sir habang kami na nasa likoran ay puro tulog. Alam mo ba yung feeling na may kumukuha ng enerhiya mo pero ibabalik lang kapag gabi na? Baka ako lang yan pero di ko na naintindihan si Sir. Inisip ko na tuloy na parang baliw na yung mga kaklase ko.
Sa kinabukasan ay umalis na siya at nililinis na ng mga kaklase ko yung mga lockers nila. (Cabinet lang pala yun) at lumabas silang lahat upang maglinis.
Ako na naka-assign sa CR ay nilinis ko yung CR namin. Mama Style. Pagkatapos ay nakita ko na silang umalis na lahat. Kahit si CC at Vicky umalis na din. Ganun ba ako katagal naglinis ng CR?
Pumasok ako at si Carl nalang yung naiwan. Kinuha ko na yung bag ko pero pinigilan niya ako. Kinuha niya bag ko at binuksan. Baka hihingi lang ito ng Candy pero bigla niyang hinatak lahat ng gamit ko. Puta? Bat ba siya ganyan?
"That's my Revenge for spraying pepper spray into my eyes." Kinuha niya yung libro ko at tinapon sa likoran ng classroom.
"And that's for making me walk to get my IPad." Umalis na siya at iniwan lang ako dito. Akala ko na sobrang saya ng araw ko dahil walang gumugulo pero sa huli pala may surpresa na ipinakita.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy in Campus
Novela JuvenilSchool Series 1: The Bad Boy in Campus take a trip to learn at kiligin sa story na ito. tuklasin yung story ni Eliza Mae Olofernes at Carl Jhon Micheal Ferrer sa loob ng isang taon na pagsasama. Started: March 16, 2020 Finished: April 30, 2020