CHAPTER 4- TERRITORY

1K 58 12
                                    


I slowly and wearily dragged myself out of bed. It was yet another weekday, signaling the need for me to return to MHIS. I made a concerted effort to fend off the overwhelming drowsiness that clung to me. Ever since that last night when I was with...

C'mon, Marciella! Don't even think about him or mention his name.

Tatlong araw pa nga lang ang nakakalipas pero hirap na hirap na akong iwasan at deadmahin ang presensiya niya lalo na kapag nagkakasabay kami sa hall way o kaya ay sa DH para kumain.

Alam ko rin na may ilan na sa mga kasamahan namin na nagtataka at nakakapansin sa mga ikinikilos ko tuwing nasa tabi-tabi lang siya.

I'm making an effort to spend most of my time alone and avoid mingling with them. The more I engage with the group, the more conspicuous it becomes that I'm actively avoiding one specific person among them.

Well, mukha naman ding kaya ko nakayanang umiwas dahil umiiwas din siya sa akin o kaya naman ay wala rin talaga siyang pakialam pa. Mabuti naman kung gano'n.

Talaga ba, Marci? Zsss! Taksil talaga minsan ang utak ko, eh.

Napabuntonghininga na lang ako at kumilos na. Baka mamaya ay ma-late pa ako, eh. Hindi ako si Kenya na kahit ma-late ay ayos lang dahil may-ari naman ng school ang asawa niya.

Speaking of Kenya, alam kong siya lang talaga ang hundred percent na nakakapansin sa nangyayari sa amin ng kapatid niya. Napaka-observant ng isang iyon at idagdag pa na mukhang gano'n din si Dailann. Baka nga kami na ang madalas nilang pag-usapan eh. Sarap talagang isako ng mag-asawang iyon.

Pumasok na ako sa bathroom at agad naligo at isinuot na ang uniform ko para after kong kumain ay magto-toothbrush na lang ako and then gora na.

Lumabas na ako ng flat na nakaplastada ang aking so-serious-mode kung i-describe ni Kenshane.

Hindi ko alam kung bakit lahat ng Guieco ay may mga sapak talaga. Iyong maiinis ka pero mas lamang 'yong mamahalin mo sila dahil sa mga 'di mapaliwanag na nilang katangian.

"Good morning my pwend," agad na bati sa akin ni Kenya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Himala, ah? Aga mo yata ngayon, saan ang mister mo?"

"Grabi ka naman sa akin. Nauna na, marami pang aasikasohin yon eh," nakanguso niya pang saad.

"Iyan kasi. Sabi nang 'wag maghahanap ng big time boss, eh," saad ko sa kaniya.

Napasipol naman si Kenshane habang ang iba ay napatingin na rin sa akin.

"Issue na naman sa inyo 'yong sinabi ko? Naku, sumasakit panga ko sa inyo. Tigilan niyo ako," sermon ko at malamyang tingin ang itinapon sa kanila.

"Sabi kasing 'wag niyong iniisyuhan," saad ng daot ko ring kambal. Hindi naman malakas 'yon pero narinig ko. Dumukwang ako sa may kusina.

"Good morning, Marci!" masiglang bati sa'kin ni Lovimer na siyang nasa loob.

Nangunot-noo naman ako at tinanong ito. "Anong ginagawa mo diyan?"

"Of course, pinaghahanda ka ng makakain baby, oh, yeah."

Natawa na lang ako sa kapilyohan niya. "As if. Ikaw pala ang naka-duty dito now, sana forever ka na diyan sa kitchen," biro ko pa.

Napanguso naman siya. Mukhang kinilig naman sa pa-pout niya ang junior agent na babae na assisstant niya. Iba rin talaga ang radar ng lalaking ito eh.

"Ayaw ko nga, sa guwapo kong ito ay ikukulong niyo lang dito sa loob? No way! Maraming girls ang magluluksa. Pero kung ikaw naman ang kasama ko dito then why not? My pleasure, baby," pa-cute na sakay niya rin sa pang-aalaska ko.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon