CHAPTER 5- CHILDHOOD FRIENDS

944 65 1
                                    

"Bal! Let's go!" tili ni Gab sabay pulupot na naman ng kamay niya sa braso ko. Kamuntikan ko pang mabitawan ang librong hawak ko. Hilig talaga nila akong kaladkarin kung saan-saan.

Lahat yata ng tao dito sa camp ay napaka-clingy sa akin. Kung merong botohan para sa pagiging favorite person alam kong panalo na ako, zsss!

Hindi madaling mataming papansin sa 'yo, 'no? Nakakasakit ng panga.

"Saan ba?" usisa ko na may halong maktol.

Disturbo sa pagbabasa ko, eh. Ngayon na nga lang ulit ako makakahawak ng libro dahil mula bukas ay marami na namang paper works. Malapit na ang graduation eh.

"Sa office ni Boss Robot."

Agad akong pumiksi sa pagkakahawak niya. "Eh! Ayaw ko, ikaw na lang."

"Sige na, kuha tayo ulit ng misyon. Bagot ako, eh."

Napabuntonghininga na lang ako. Paano ko pa matatanggihan ang makulit na ito?

"Oo na nga, bilisan lang natin. Magbabasa pa ako."

Ngumiti naman siya. "Yey! I love you, bal!"

"Sus, ang clingy nito." Pareho kaming natawa.

Dumiretso na kami sa office ng boss namin. Wala akong pakialam kung basta na lang nakapusod ang buhok ko at sobrang laki ng t-shirt ko. Walang may pakialam, kanya-kanyang trip lang iyan.

Ilang araw ko ring 'di siya nakita. Mukhang nagwo-work talaga ang pag-iwas ko sa kanya. Parang nasasanay na ako na 'di ko siya makita, 'di na siya hinahanap ng paningin ko tuwing nagagawi ako sa DH or sa Gc's Coffee Shop.

Good sign, isn't it?

"Bal, ikaw na kumatok," utos pa sa akin ni Gab. Tinaasan ko siya ng kilay.

Ako ang inaya niya rito tapos naduduwag na naman na harapin si Ashmer. Ano bang meron sa lalaking iyon at takot ang lahat sa kanya? Para namang lulunukin sila ng lalaki.

"May bell, Gab. Pinipindot lang 'yan, in case 'di mo alam."

Napanguso naman siya. "Ikaw na nga kasi. Kaya nga sinama kita, eh. Baka mamaya ay hindi maganda ang mood ni Boss Robot."

"Bakit ako? Ikaw ang hihingi ng misyon, 'di ba?"

"Eh di ba hihingi ka rin?"

"Oo pero ikaw ang nag-aya."

Napakamot naman siya sa ulo niya. May bahid ng pagmamaktol iyon.

Sa aming dalawa ay siya talaga ang spoiled brat eh. Sarap isako. Kailan kaya maggo-grow-up ang isang ito? Parang bata.

"Sige na, bal, please? Libre kita ng libro."

Siniringan ko siya ng tingin at bahagyang pinaliit ang mata ko. "Promise?"

Ngumiti siya ng malapad at tumango-tango.

Zsss! Alam na alam ang weakness ko, ah?

"Promise," aniya pa.

Confident naman na lumapit ako sa wall ng pinto at pinindot ng maraming beses ang bell. Tingnan lang natin kung hindi agad lumabas ang tao sa loob.

Padarag na bumukas ang pinto. Inaasahan kong sisigawan niya kami pero direkta sa'kin ang tingin niya.

"Sinasabi na nga bang ikaw na naman ang may gawa ng pagwawala ng bell ko. Come in," kaswal lang ang pagkakasabi niya at agad na bumalik sa loob.

Bakas naman sa mukha ni Gab ang tuwa, nag-thumbs up pa, eh. Tahimik na pumasok kami sa loob. Prente siyang nakaupo sa pwesto niya habang nasa harapan niya naman kami. Napalipat-lipat pa ang tingin niya sa amin ni Gab na tila ba hinihintay na sabihin namin ang aming pakay. Siniko pa ako ng isa at sumenyas na magsalita ako.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon