CHAPTER 3- LETTING GO

1.2K 76 4
                                    

I can't help but respond to every motion of his lips.

It's slow, as if it's deliberately decelerating the world's spin and wiping my system clean. This is my second kiss with him. The first time, I managed to push him away, but now I wholeheartedly return his kiss.

Napangiti ako nang matamis dahil sa ala-alang iyon. Tuwing sumasagi talaga iyon sa isip ko, kahit badtrip ako o kaya ay may ginagawa ako ay napapahinto ako at napapangiti.

Kanina ay hindi lang isang beses akong napuna nina Gab at Kenya, ang ganda daw ng mood ko na naman. Nahuli rin nila akong parang baliw na nakangiti. Zsss!

Crazy, Marciella. Crazy!

I can't help but reminisce about that moment with him. It naturally runs through my mind. It's as if I want to return to his flat and answer his question, "Should we do it?" with a 'yes.'

Aba, Marci, ah? Landi din 'te! Nyawa.

Parang may mga butuin akong nakikita sa kalangitan kahit tanghaling tapat. Ito na yata ang epekto ng halik ng haduf na Ash. Nanggigil ako sa kanya! Sarap niyang isako, bakit kasi 'di pa tinuloy?

Self-warning uli.

Napangiti na lang ako sa kahadufan ng utak ko. Bwiset.

"Hoy! Aba anong nginiti-ngiti mo diyan, ah?"

Halos mapatalon pa ako sa gulat. "Percy naman, nakakagulat ka, ha?" reklamo ko. Hindi ko man lang namalayan ang kanyang paglapit.

Tumawa lang siya at kagaya ng kanyang nakasanayan ay nasa flat ko na naman siya ngayon nakatambay. "Sorry naman, kumatok ako pero 'di ka sumagot. Hindi naman lock ang pinto mo kaya pumasok na ako."

Napailing na lang ako, kaya kung sino-sino sa kanila ang nakakapasok dito dahil makakalimutin ako pagdating sa pag-lock ng pinto.

Well, except kung ang kasama ko ay si Ashmer Guieco.

Napailing at napangiti na naman ako uli.

"Anong klaseng ngiti yan Marci, ha?" usisa pa uli nitong kasama ko.

Umiling ako. "Wala naman," tipid kong sagot. Bawal ipaalam at baka matuloy na ang world war III.

"Anong wala? Huwag ako, pwend. Napagdaanan ko' yan kay Ashmer, alam ko ang ganyang klaseng ngiti at pakiramdam. Now tell me, who's the lucky guy?"

Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya.
She's right, alam na alam niya ang pakiramdam dahil malamang sa malamang ay ganitong saya rin ang naramdaman niya noong naging sila, at ganitong klase ng ngiti rin ang pinapakawalan niya noon. Maging ngayon ay matamis pa rin ang ngiti niya.

And unfortunately, there's only one man who's the reason for our happiness and smiles. The guilt started to punish me again.

Kung alam niya lang na ang lalaking mahal niya ang siyang dahilan, baka isinumpa niya na ako. Baka galit na galit na siya sa akin bagay na ayaw kong mangyari.

"Uy, tinatanong kita, Marciella, ah?" nakangiting panunukso niya.

Ngiting noon pa man ay 'di mawala-wala sa bibig niya. Ni isang beses ay hindi ko pa siya nakitang nakabusangot na para bang pasan ang langit at lupa. Hindi ko pa siyanakitang umiyak dahil sa sobrang nalulungkot o nasasaktan. Ngiti lang ang palaging nakaplastada sa mukha niya.

No one desires to fade the glow of her smile, the distinct smile she possesses. We love her even more for her smile, capable of brightening the entire world.

I won't forgive myself if I'm the cause of her tears.

Pasimple akong suminghap at kunwari ay natawa. "Wala, naalala ko lang ang usapan namin ni Sir JB last friday."

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon