CHAPTER 40- PERFECT NIGHT

547 36 1
                                    


We are like cautious thieves sneaking into Gabriel's house today. Crystal, Mer, and Beatrice are on standby in our rented house.

Yes, we've included Beatrice in this mission because she'll serve as our lookout, as Shines and Kendra couldn't join us due to their commitments in the camp's control room, and some other agents are on their own missions. Furthermore, Beatrice made a promise to Allyssa to assist in this mission.

"Mauna ka," rinig kong saad ni Shane sa kabilang linya. Inayos ko ang aking listening device para 'wag mawala kung magkagipitan na.

"Copy."

I slowly opened the room, quicker than the wind, and swiftly entered, with Shane following closely.

Mer and Crystal had already discreetly placed cameras at each entrance of the house earlier, unbeknownst to the residents. According to their report, the household staff has allegedly increased to three.

I locked the door again and approached the trap, which was no secret to us. I examined it closely. The rope leading downward wasn't cut, as we had initially thought. I followed its path and realized it led to the box that Shane suspected was the key to unlocking the floor.

"Shane," untag ko sa kanya na inihahanda na ang AD.

"Yes?"

"May problema tayo."

"Ano?"

Isinenyas ko sa kanya ang tali. Sinuri niya naman iyon at napamura pa. Nagkatinginan kaming dalawa habang pilit na inaanalisa ang patungkol sa trap.

"Kapag hinila mo ang tali na pataas, magagalaw ang kutsilyo at tatama iyon sentro sa humila nito pero mapuputol din ang tali na pababa dahil matatamaan din ito kapag nagbounce back ang patalim. Iyon ang hudyat na mabubuksan ang box at dahil may alarm ito ay tutunog, tama ba ako?" aniya pa. 

Napatango ako. Iyon na nga marahil ang dahilan kung bakit may tali pababa at pataas. Iyon lang ang isang paraan para mabuksan namin ang box.

May maliliit na numbers na nakaukit doon at ibig sabihin iyon ang ginagamit o paraan nina Gabriel para buksan ito ng hindi na ginagamitan ng kung ano-ano pa.

Ginawa ang trap para mas masiguro nilang mararamdaman nila kung sakaling may magtangkang buksan ang box na hindi ginagamitan ng code numbers na sila lang din ang may alam.

Kung ako rin ang papipiliin ay mas gugustuhin kong patulan ang trap nila kaysa sa ang alamin pa ang code mula sa kanila mismo. Mas mahirap at madugo iyon kung magkataon.

Ang iniisip ko ngayon ay kung ano ang nasa box. May laman nga ba o baka ito na ang mismong pang bukas sa sahig?

"Ako na ang hihila ng tali, ikaw ang bahala sa alarm," saad ko. Napatango naman siya.

"Marci baby, be careful." Halata sa boses ni Mer ang pag-aalala.

"Oo nga, Marci. Pati ikaw din Shane," dagdag ni Crys.

"I will dahil baka hiwalayan ako ni Boss kapag 'di ako nag-ingat," biro ko pa para pagaanin ang tensiyon. Nang-asar pa ang dalawa sa kabilang linya. Hindi ko pa naririnig na nagsalita si Beatrice.

"Game?" tanong ni Shane sa akin.  Tinanguan ko lang siya.

"Wait. Lumabas ang yaya ng bata. Mukhang papunta siya sa kwarto kung saan kayo ngayon. May dala siyang susi," bigay-alam sa amin ni  Beatrice.

Nagkatinginan kami ni Shane at nag-unahang magtago sa ilalim ng kama.

"Papasok na siya," dagdag ni Beatrice.

Narinig na nga namin ang mga hakbang papasok. Pwede naman namin siyang patulogin na lang pero ayokong manakit. Ni hindi namin alam kung kasabwat ba sila o sadyang nagtatrabaho lang dito na walang alam sa kagagohan ng amo nila.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon