CHAPTER 8- REWRITE THE STARS

763 61 3
                                    

Mataman na pinagmasdan ko si Percy na nakaupo sa sofa dito sa loob ng flat ko habang kinakalikot ang camera niya.

"I don't know kung saan ba kita nakita but you're so damn familiar," asik niya pa. Tapos napapakunot-noo pa nga. Kanina pa siya mukhang may malalim na iniisip.

"Sino ba 'yan?" Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na tanungin siya. Agad na napatingin siya sa 'kin at nakangiti nang umiling.

"Nothing. By the way, may sasabihin ka ba sa 'kin?" usisa niya pa. Natigilan naman at biglang kumalabog ang dibdib.

Gosh! Alam niya na ba? O nahahalata kaya niya? May nagsumbong na ba sa kaniya?

"H-Ha? Ano naman ang sasabihin ko?"

Napasandal naman siya at nanliliit ang mga matang nakatitig sa akin.

"C'mon, Marci, kaibigan mo ako, 'di ba? Ayaw na ayaw kong may sinisekreto ka sa akin, alam mo 'yan."

Tuluyang nag-derilyo ang sistema ko at napalunok ng pasimple pero dahil I am too good at pretending ay nanatiling kalmado ang expression ng mukha ko.

"Ano ba ang gustong mong malaman?"

"Ang about sa inyo ni JB ba 'yon?"

Nakahinga naman ako nang maluwag.

Ayan kasi, Marci. Huwag kang advance mag-isip at 'wag ka namang pahalatang guilty ka talaga.

"Wala naman. Hindi naman talaga kami masyadong close, eh."

Napatango-tango naman siya. Mukhang hindi ko na pa kailangan nang maraming satsat para mapaniwala siyang wala lang talaga sa akin si Sir JB. Mabait naman 'yong tao eh tsaka mukhang may special someone naman na iyon.

Ano? Forever na lang ba talaga akong third wheel? Zsss.

Napasinghap ako at naupo na rin sa tabi niya. Inipon ko ang lakas ng loob na meron ako sa oras na ito bago nagsalita.

"Eh, kayo ni Ash? Kamusta?"

Bahagya siyang napasiring sakin at mahinang natawa pagkuwa'y napailing. Kasunod niyon ay ang malalim na buntonghininga.

"We're okay. Nothing change. Kung ano ang pakikitungo niya mula noong naging kami ay gano'n pa rin hanggang ngayon. Napaka-protective niya sa akin at napakalaki ng respito. Feeling ko... parang magkapatid lang kami, eh. We're like a big brother and little sister to each other."

Sinabi niya iyon habang nakatitig sa camera niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang nakatitig sa kanya. Bakas sa mukha niya ang lungkot. Lungkot na ngayon ko lang ulit nasilayan mula nang araw na dinala siya sa bahay namin nina Dad.

"Dad, Mom, sino siya?" agad na tanong ni Gab nang makita ang batang babae na mukhang ka-edad-an lang din naman namin. Umiiyak siya at tila ba lungkot na lungkot. Nakakabasag puso ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Mga anak, Marci and Gab. This is Percylla Holland, anak ng kaibigan ko. Mula sa araw na ito ay dito na siya titira sa atin and ituring niyo na rin siyang kapatid."

"What? I mean, why? Where's her parents, by the way?" singit ko rin, napatingin naman sa akin ang Percylla na sinasabi ni Daddy .

Parang may mga karayom na tumutusok-tusok sa dibdib ko habang pinagmamasdan at pinapakinggan ang kanyang hikbi. Napatitig naman siya sa'kin, kita ko sa mga mata niya ang nakakalunod na lungkot at sakit.

Iyon na ang nagsasabi sa akin na may hindi magandang nangyari sa mga magulang niya.

"Nah! Forget it, Dad. Percylla, right?" saad ko ulit. Tumango naman siya at sinubukang ngumiti. Tila ba may humaplos sa puso ko nang masilayan ang ngiti niyang iyon.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon