"Sinong 'Mr. Guieco' ang tinutukoy mo, Mareng Christy? Ako o ang anak ko?" biro pa ni Tito Zeus pero nanatiling seryoso ang mukha ng mom. Mas nagpadirilyo sa sistema ko.
Siniko naman ni Tita Adelle ang kanyang asawa at sumenyas na baka siya ang masapak ng ina ko.
Oh god, help me or just kill me now. As in ngayon na!
"Tinatanong kita, Ashmer," may diin iyon na tila ba may 'or else' na kadugtong.
Bakit ganito si Mom? Hindi naman siya ganito noong nagka-boyfriend si Percy, ah? Bakit parang krimen ang dating nito sa kaniya?
"Si Ell po."
"Wala akong kilalang Ell, hijo." Sarkastiko naman iyon. Inakbayan pa siya ng Dad at pinakalma.
"Si Marciella po," ulit ni Ash.
Naaawa ako sa kanyia. Tiningala ko siya at nagpapaumanhin ang tinging ibinigay. Nginitian niya lang ako at bahagyang pinisil ang aking kamay para iparating na ayos lang siya.
"A-Ahh, Mom. M-Magpapaliwanag po kami," natataranta kong saad. Ramdam ko ang tensiyon sa pagitan ng mga magulang namin.
"Dapat lang," wala ring emosyong saad ni Tita Adelle habang si Tito at Dad naman ay naiiling lang.
"Sa flat ko po tayo," saad ko.
Binawi ko ang kamay ko sa kay Ash at nagpatiuna na. Sobrang kaba ang naramdaman ko dahil sa pupwedeng isipin at sabihin ng mga magulang namin. Kinalma ko ang aking sarili para makabuo ng maaaring isagot sa posibleng katanungan nila.
"Maupo po kayo," kalmado kong saad. Umarko pataas ang kilay ni Mommy.
"Kayo ang maupo," patukoy niya sa amin ni Ash.
Marahan akong napatango at sinenyasan si Ash na maupo sa tabi ko. Hindi niya man sabihin pero alam kong kinakabahan din siya. Bakit kasi ngayon pa? Pwede namang kapag nasa mood na ako, 'di ba?
"Explain," saad ni Tita Adelle. Nagkatinginan pa kami ni Ash.
"Ano? Magtitigan lang kayo diyan? Kung kayo ay nagkakaintindihan sa pamamagitan lang ng titigan pwes kami ay hindi. Marciella, kailan mo pa boyfriend itong boss mo?" singit ni Mommy. May diin na naman ang dalawang huling salita.
"L-Last week po."
"Last week?!" halos 'di makapaniwalang asik nila ni Tita Adelle. Ang tingin ni Mom sa akin ay parang gusto na akong lunukin ng buhay.
"Kailan lang nawala ang kaibigan mo, Marciella at ang girlfriend mo, Ashmer?" walang emosyong usisa ni Tita. Napabuntonghininga na talaga ako.
"Two weeks ago." Si Ash iyong sumagot. Napasandal ako dahil kahit pa nakaupo naman ako ay nararamdaman ko pa rin ang pangangatog ng aking sistema.
"Two weeks ago, 'di ba? Sa week na iyon ay niligawan mo agad si Marciella dahilan para sagutin ka niya agad the next week?" tiim bagang na talaga si Mom. Nakita ko pang bahagya siyang kinabig ni Dad para pakalmahin ulit.
"H-hindi po siya nanligaw, 'yon po ang totoo," pag-aamin ko pa at bahagyang sinulyapan si Ash na walang emosyon sa mukha.
Nanlaki naman ang mga mata nila na parang mas di makapaniwala sa sinabi ko palang.
"My God, Ashmer and Marciella, mabubuang kami sa inyo!"
"Iyon naman po kasi Tita ang totoo, eh. Masyadong mabilis ang pangyayari..."
"Kulang ang salitang bilis para ilarawan ang naganap sa inyo! Hindi ba kayo nakokonsensiya? Marciella, kaibigan mo si Percy at ikaw naman Ashmer, girlfriend mo naman 'yong isa. Ang bilis mo naman yatang nakahanap ng iba o baka pinagsabay mo talaga ang dalawa?"
BINABASA MO ANG
A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)
RomanceMarciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to Ashmer Guieco, her best friend's boyfriend, and the boss of the Guieco Clan where she works. Though she was there first, she chose to step b...