"Marci, baby!" sigaw ni Lovimer nang makita akong papunta na sa DH. Halos inabot kami ng tanghalian ni Ash sa kusina dahil ang daming ka-ek-ekang ginagawa.Yeah, we made love in the kitchen, and that guy was just incredible. First, he swung by his place to drop off the cookies I baked. The ones he made were at my place, but he planned to bring them to the DH.
"Mer, saan ka galing?"
"Duh? Sa pagka-baby, saan pa ba?" Humagalpak pa siya ng tawa. Babaw talaga ng kaligayahan ng isang ito.
"Yong totoo?" nakataas-kilay kong saad.
Lumapit naman siya sa akin at inakbayan pa ako. "Diyan lang sa tabi-tabi."
"Ewan ko sa'yo. Wala ka talagang kwentang kausap," napapangiwi ko pang saad.
Sa lahat ng Guieco, ito talaga ang pinakamakulit eh. Parang babae. Buti na lang at hindi namana ni Kendra ang kakulitan niya, magkabaliktaran sila ng personality dahil pikonin din si Kendra sa mga kaedadan niya. Sa amin ay nagagawa niya pang makapagtimpi.
Si Kenya naman, sakto lang ang kahadufan. Nakadepende sa kanyang mood ang trip niya sa buhay. Si Jinro ay sweet pero kapag si Gab ang kaharap ay nagiging daot pero feeling hero naman lagi iyon sa kakambal ko.
Si Aciekel naman ay tahimik pero kapag kinausap mo ay matino namang kausap. Si Froizel naman, ewan parang may pagka-psychopath. Hindi kasi approachable ang aura nito pero napapansin ko namang maalaga siya sa pinsang niyang si Beatrice. Close silang dalawa.
Kung sa looks naman titingnan lahat sila ay may kanya-kanyang unique feature na maipagmamayabang talaga. Hindi kasi pure Filipino ang mga Guieco, may halo silang ibang lahi, kahit na ang mga ina nila ay meron din.
Sina Ash ang alam ko ay may korean blood sila. Hindi ko lang alam kung ilang percent iyon, sina Kenya at Kendra kasi sa isang tinginan palang ay masasabi mo ng may ibang lahi sila.
"Ouch naman, Marci baby. Sama mo sa akin, ah? Hindi mo na ako love? Akala ko ba ay mahal na mahal na mahal mo ako? Nasaan na ang sinabing mong iyon? Nagkaroon ka lang ng bago ay kinalimutan mo na agad ako? Unbelievable."
"Napakahaduf mo talaga. Ipatapon kaya kita sa Mamachuchu-ek-ek Planet 'no?" asik ko.
"Uy, alam ko ang planet na iyan, narinig ko na rin 'yan sa kina Summer."
"Tapos?"
"Tapos gwapo ako kaya nababagay lang ako sa Mamachuchu-ek-ek. Don't you know, magaganda at gwapo lang ang tinatanggap doon, sama ka ba sa akin?"
"Huwag na, salamat na lang," dagling sagot ko at nagtawanan pa kami.
"Sayang," usal niya sabay pitik sa kawalan.
"Sayang ang alin?"
"Sana nililigawan na kita ngayon. Basta nandito lang ako for you, Marci, baby," nakanguso niya pang saad.
Natawa naman ako. "Sorry, ha? Parang ginamit pa kita para..."
"Hoy, girl, okay lang naman. Willing naman akong gamitin mo. Okay lang maging panakip-butas, huwag lang basahan."
Believe din talaga ako sa isang ito, eh. Kahit nuknukan ng kakulitan ang kanyang sistema ay sobrang healthy naman ng mindset niya.
"Alam mo, bagay kayo ni Beatrice..."
"No way! Over my dead sexy body! Ang pangit niyon, eh."
Natawa pa ako at mas lalo siyang inasar. "Sus, si Beatrice pa lang yata ang sinabihan mong pangit kahit kita naman ang ganda ng isang iyon. Pangit ugali, maganda mukha..."
BINABASA MO ANG
A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)
RomanceMarciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to Ashmer Guieco, her best friend's boyfriend, and the boss of the Guieco Clan where she works. Though she was there first, she chose to step b...