CHAPTER 36- OBSESSION

694 41 2
                                    


Nakanguso akong nakatingin sa kapapasok palang sa flat ko na si Ash. Kanina pa nakauwi sina mommy at isinama nila si Lyssa kaya naman nakapasok siya rito.
Mula nang mag walk-out ako kanina ay ngayon lang kami magkakausap.

"Lunch tayo," agad na yaya niya sa akin. Mas napabusangot naman ako.

"Napaka-nyawa mo talaga!" asik ko sa kaniya sabay irap. Napakunot-noo naman siya.

"Is it about Claire Domingo?"

"Your fianceé? Seriously?" mataray kong tanong.

Napabuntonghininga naman siya. Akmang lalapit siya sa 'kin pero umatras ako nang bahagya. Gusto ko pa siyang awayin ng bongga at hindi ko iyon magagawa kapag magkalapit kami.

"Dailann and Havana ba ang peg natin?" sarkastikong tanong ko.

"Let me explain, Ell." Mukhang na stress din siya sa ganap kani-kanina.

"Okay. Explain it concisely," sukong saad ko

"Kilala ko noon pa man si Claire pero sa pangalan lang dahil hindi ko pa talaga siya na meet in person. Anak siya na isa sa kaibigan ni Mommy. Nabanggit din ni Mom noon na may nakasundo siyang kaibigan na ipakakasal nila ang kanilang magiging panganay na anak kapag naging babae at lalaki ito, and unfortunately kami iyon ni Claire."

"Don't mention her name," may diin kong saad.

Kumukulo ang dugo ko kapag naririnig ko ang pangalan niya. Hindi ko kasi matanggap kung bakit siya ang gusto ni Tita Adelle para sa anak niya.
Wala naman nga iyong binatbat sa ganda ko.

"Eh... A-Ànong itatawag ko sa kanya? Honey? Sweetie? Babe? Mahal? Love? Baby?"

Napakamot pa siya sa noo pero halata namang nang-aasar ang tono. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Ang inis ko ay gusto ko sa kaniya ilabas ngayon.

"Nyawa ka! Hindi naman halatang trip mo rin ang babaeng iyon 'no?!" singhal ko pa.

"Selosa," nakangisi niya pang saad. Mas napabusangot pa ako.

"Ewan ko sa 'yo..."

"Ano nga ang itatawag ko sa kaniya?"

"Ay, bakit? Ako pa ba ang gagawa ng call sign ninyo ng babae mo?!"

Napakamot ulit siya sa noo at mukhang hindi alam kong paano ako papakalmahin. "Ell, she's not my babae. Wala akong babae, okay?" malambing niyang saad.

"O paano mo nga naman naging fianceé bigla ang babaeng iyon? Gano'n lang 'yon? Usapang magulang niyo lang? So, noong kayo ni Percy ay may Claire na? Wow, ha? You're unbelievable!"

"Noong kami ni Percy ay hindi naman na binanggit sa akin ni Mom ang tungkol kay Clai... Nagulat na lang din ako kanina."

"Nagulat o natuwa?" pangungutya ko sa kaniya.

"Marciella! Kapag 'di ka pa tumigil diyan," may banta niyang saad.

"Anong gagawin mo, aber?!"

"Gusto mo talagang malaman?"

Naglakad siya papalapit sa akin, 'di ko na nagawang umatras pa. Pakiramdam ko rin ay napako na ako sa kinatatayuan ko.

Marahan na hinaplos niya ang aking magkabilaang pisngi at ikinulong iyon sa kaniyang mga palad. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ko. Feeling ko ay maduduling na ako dahil sa sobrang lapit niyon.

Dahil sa inis na nararamdaman ko sa mga pangyayari ay ako na ang kumabig sa kaniya at hinalikan siya. Noong una ay hindi pa siya gumanti at halatang inaasar ako pero sa huli ay panalo pa rin naman ako. Pinalalim ko ang halikan naming iyon at nang lunod na lunod na siya ay ako na ang kumalas. Hinabol niya pa ang labi ko. Natawa ako ng samaan niya ako ng tingin.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon