"Okay ka na ba?" usisa niya habang nakaunan ako sa kanyang kaliwang bisig. Medyo okay na ang pakiramdam ko pagkatapos kong magsuka.
"Ayoko ng maglasing pa," nakanguso kong saad. Natawa naman siya at pagkuwa'y hinaplos-haplos ang buhok ko.
"Sino ba kasing may sabing maglasing ka? Inutusan ba kita?"
Napasinghap naman ako ng maalala ang sinabi ni Tita Adelle.
"Tumawag si Tita Adelle gamit ang phone number mo."
"And? When?"
"Kanina, halos kararating ko lang dito. Sinabi niyang... layuan na raw kita."
Hindi naman siya nakaimik. Tiningala ko siya para pag-aralan ang kaniyang reaksyon. May bahid ng galit ang kanyang mukha.
"But don't be mad at her, pinoprotektahan ka lang niya."
"Kanino? Sa 'yo? Damn it! You're the safest person I've ever known, Marciella. Saka wala silang karapatang diktahan ka o ako."
"Mali tayo, let's just accept it. Pero mas magiging mali kapag nagpatalo pa tayo uli. Kapag hinayaan nating masayang ang lahat ng sakripisyo at paghihirap natin pareho. Don't worry, Ash, hindi kita lalayuan. Pagalitan man nila tayo, husgahan man nila tayo, mag-away man sila o kahit mabuwag man ang GC," gaya ko pa sa sinabi niya kaninang umaga kina Mommy. Dinampian niya ng magaang halik ang aking labi.
"I love you," bulong niya.
"Hmmm," tugon ko naman. Tinatamad na akong magsalita pa. Inaantok na rin kasi ako.
"I said, I love you," angil niya. Bahagy akong natawa at nagsumiksik sa kanya.
"I love you too. Happy? Matulog na tayo, inaantok na ako tsaka literal na umiikot ang mundo ko."
"Okay, let's sleep then."
Payapa kaming natulog sa kabila ng nangyari sa araw na iyon. Basta kasama ko siya ay wala akong dapat ipangamba o ipag-alala.
Pasado alas y singco ng umaga ay nagising ako. Wala na sa tabi ko si Ash. Pinilit kong bumangon at lumabas ng kwarto. Naabutan ko siya at ang mag-asawang si Tita Lex at Tito Edrick. Naghahanda ng umagahan.
"Good morning Tita, Tito, Ash," bati ko sa kanila. Nginitian niya lang ako samantalang ang mag-asawa ay nanunukso naman ang tingin.
"Kamusta ang lasengga kong pamangkin?" banat ni Tita Lex. Napangiwi ako ng bahagya.
"Buti na lang at 'di ka totally nagmana sa Tita Lex mo, ang wild nito kapag nakainom. Ang brutal pa."
Namula naman si Tita dahil sa pambubuyo sa kanya ni Tito. Pareho kaming natawa ni Ash. Lumapit siya sa akin at bumulong.
"Good morning." Nginitian ko lang siya at ibinaling sa mag-asawa ang atensiyon ko.
"Paanong wild, Tito?" usisa ko. Curious ako eh.
"Don't mind your kagwang Tito, Marciella. Walang naiaambag 'yan sa ekonomiya ng bansa."
"Parang ikaw ay may ambag sa ikinaganda ng kalikasa, ah?"
Napangiwi na lang ako. Anong konek? Ewan, sakit nila sa panga. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila eh.
"Alam mo, Tsong Edrick, kagandahan ko palang ay malaking factor na sa ikinaganda ng bansang Pilipinas."
"You mean, Tita, kagandahan niyo ni Ell?" singit ni Ash. Pumalakpak naman si Tita na parang tuwang-tuwa talaga.
"Very good! Good point! Very well said, Ashmer. Hindi tulad ng kagwang diyan sa tabi-tabi."
BINABASA MO ANG
A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)
Storie d'amoreMarciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to Ashmer Guieco, her best friend's boyfriend, and the boss of the Guieco Clan where she works. Though she was there first, she chose to step b...